Chapter 5: Grand Event (Part II)

116 7 3
                                    

Bea's P.O.V

Kung kaninang umaga ay napawi ang kaba ko. Parang dumoble lang ngayon kasi ilang oras nalang at mag-uumpisa na event. I wonder what will be their reaction, na ang tunay na nagmamay-ari ng Aviles treasures ay ang taong pinahirapan nila noon. Yung babaeng binalak nilang patayin ng ilang beses ngunit di pumapayag ang tadhana. Dahil ang mga katulad nila ay di dapat binibiyayaan ng kung ano man ang meron sila ngayon.

I'll make sure of it....

"You sure na kaya mo na ate? If may plano ka pang magback out ako na bahala-"

"Im fine. Kaya ko to." Nginitian ko ang kapatid ko na abalang nagbabasa ng magazine sa tabi. Kanina pa kami nandito sa VIP room ng Hotel na pag-gaganapan ng event. Grabe nagbago na nga talaga ng tuluyan tong si Gelai- ay este Gelo. He's wearing grey suit and black tie. Yung buhok nya dati na sobrang lambot at ayaw nya ipagalaw ay nakataas at parang nakagel sa sobrang ayos ng pagkakasuklay.

That Ice girl really changed him good.

"You sure? Kanina ka pa kasi di mapakali."

Naglakad ako palapit sakanya at umupo sa tabi neto. "Alam mo kasi..." yumuko ako at bumulong sa tenga neto. "Natatae na ako kanina pa" narinig ko nalang na tumawa sya ng malakas at yumuko pa ng sobra saka ako tiningnan habang tumatawa parin.

"Palusot mo. Pero grabe benta yun sakin hahahaha!" Sumimangot ako. Nahalata nyang palusot? Pero pano kung natatae talaga ako? Tapos nakagown na ako. Ehhhhh no way. Pero shet dahil sa kaba feeling ko tuloy natatae ako kahit hindi.

Tatlong katok mula sa pintuan ang nagpatigil sa tawa ni Gelo kaya naman napalingon kami dito.

I don't know what happened but... the way he step his foot inside suddenly slowed. Kumabog ng mabilis ang puso na parang kakatakbo ko lang ng ilang milyang layo. Dumapo ang mga mata ko mula sa sapatos nitong halatang kakabili lang na medyo makintab hanggang sa buong katawan nya na sobrang lapad.. mahahalata mong nag-g-gym sya kasi kumakapit ang bawat korte ng suit nya sa kanyang mga braso.

My eyes laid in his sexy jaw up to his brown eyes. Making me gulp my saliva.

I think I just saw an angel...

Naramdaman ko nalang na may humawak sa baba ko at inangat ito pataas. "Ate si kuya Haze lang yan. Naglalaway ka na pano pa kaya kung nakita mo ulit sya?"  Rinig kong bulong ni Gelo sakin na nagpabalik sa katinuan at binatukan sya. Namula ako agad sa narinig ko. Walang hiya to. Okay na yung kay Haze eh. Bat kailangan pang isama yung taong ayokong makita. As if namang maglalaway ako dun noh! Psh.

"Haha" tawa nya.

"Tsk. Geh asar pa" umiling sya ng konti saka tumayo at naglakad palabas. Pero bago pa man sya makalabas ng pintuan ay tinapunan muna nya ako ng tingin. "Papanoorin kita mamaya ate. If may balak ka paring magback-out mamaya-" tinapik nya ang balikat ni Haze. "To the rescue lagi si Kuya Haze" ngisi nya sakin saka tuluyang lumabas.

Pinagsasabi ng batang yun? Back out? Ako? Huh! Never!

"Ready ka na?"

"H-Ha?" Wahhhhh bat ba nang-iiwan si Gelo! >< iniwan pa talaga kami ni Haze. Masama to. Simula nung bumalik ako dito sa Pilipinas nag-iiba ang mood ko pag kasama o kaharap ko si Haze. Hayy ewan. Di naman ako ganito katulad ng dati. And I know that hindi ito crush or love. Kasi hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Haze. Siguro naninibago lang ako sa hitsura nya. Mas gumwapo na kasi sya kesa dati ><

"Okay ka lang?" Humakbang sya palapit saakin. And I don't know why I suddenly move away eh nakaupo ako! Ofcourse di ako makakaatras. Napansin nya yung galaw ko.

FILWMGB 2: Still Into YouWhere stories live. Discover now