This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places events and incidents beacause it's just author's imagination or used in a fictitiuos manner.
Please be advised that this story contains sensitive content,mature themes and strong language that are NOT suitable for very young audience.Read at your own risk.
Blaire POV
Naalimpungatan ako nung nagtama ang sinag ng araw sa aking mukha.
Hinay hinay kung iminulat ang aking mga mata at nakita ko ang maid namin na kasalukuyang binubuksan ang curtains ng bintana.
"Ma'am gumising na po kayo sabi ni Madam" saad nito sa akin.
Dahan dahan akong bumangon sa pagkakahiga ko sa aking kama, sabay kusot sa aking mga mata.Pagkabaling ko ng tingin sa orasan ko na nakapatong sa lamesa sa gilid ng aking kama ay napabalikwas ako ng bangon.
"Shit! It's already 6:30!" sabi ko at nagmamadaling bumangon na sa kama. Pumasok muna ako sa bathroom para gawin ang aking morning routine.
Pagkatapos ay bumaba na ako at dumiretso sa Dining. Nadatnan ko dun sina mom and dad. Si dad ay nagkakape lang habang si mommy naman ay kumakain ng almusal.
"Oh anak, let's eat na" saad ni mom pagkakita niya sa akin. Umupo na ako at nagsimula ng kumuha ng pagkain.
"Did you have a goodnight sleep baby?" tanong sa akin ni daddy pagtapos ay sumimsim sa kanyang kape.
"Yes po dad, dahil na rin siguro sa pagod" sagot ko kay daddy at nagsimula ng sumubo.
"Asan si Blake, gising na ba siya yaya?" tanong ni mommy kay Yaya Emilda, siya ay may pinakamataas na position sa lahat ng aming katulong, in short siya ang mayordoma.
I have one younger sister at siya ang tinutukoy nila mom na si Blake. My kuya and sister were working in US. My older sister is a designer while my kuya is an architect.
"Oh, nandiyan na pala si blake" Sabi ni dad pagkakita niya kay Blake na kakapasok lang sa dining. Humihikab pa ang bruha.
"Good morning" masiglang bati ni Blake sabay bunot ng upuan at umupo na para mag umpisang kumain na rin.
"Walang good sa morning" sarkastiko kong sabi, napanguso na lang siya sa sinabi ko.
"So, dahil nandito na kayo may sasabihin kami sa inyo" pagsasalita ni mom dahilan para magtaka ako. Ano naman kaya yun?
"What is it?" natanong ko na lang sa kanilang dalawa.
"Ikaw na magsabi Hon" sabi ni mom sabay baling ng atensyon niya kay dad."Alright, girls lilipat na kayo ng school" sabi ni dad dahilan para mabilaukan ako at agad ko namang kinuha ang baso ko na may tubig at ininom ito. What did he just say? Are they serious?
"Ano?! Kailan? Saan? Bakit?"sunod sunod kung tanong habang gulat na gulat pa din.
"Blaire huminahon ka muna" sabi ni mom, bakas sa mukha ang pag alala.
"Really! Mom, Dad?"excited na saad ni Blake. Mukhang masaya pa siya ah, ayoko kayang mag transfer, marami na akong friends sa school ko ngayon eh.
"Lilipat kayo dahil mas malapit yung bagong school na lilipatan niyo dito sa bahay" pag eexplain ni Daddy sa amin.
"Eh ano naman kung malapit? Daddy okay na kami dun sa school na pinapasukan namin, besides madami na akong kaibigan dun. Mahihirapan akong mag adjust." sabi ko sabay nguso, pero parang hindi umipekto.
"Edi mas mabuti kapag malapit na ang school niyo at isa pa may mga makikilala ka din doon na bagong kaibigan, Blaire anak." pagsasabi ni Mom, she's convincing me!
BINABASA MO ANG
I Hate You, I Love You
RomanceYou know what's the most painful thing that happens in our life? Is when we trusted the people we loved, only to find out that one day, they already pointed their daggers behind our back. Betrayal is shit, but to hate the people you used to love is...