Chapter 23: Broken harvey

16 1 0
                                    


BLAIRE


Nagising ako sa sinag ng araw, tiningnan ko yung orasan sa gilid ng kama ko na nakapatong sa study table ko...and shit!...malelelate na ako...bakit hindi nila ako ginsising? Well 8:00 am ang start ng klase and 7:20 na...Kumaripas ako ng takbo papuntang bathroom para maligo...after 10 minutes ay natapos din ako tsaka dali dali akong nagbihis ng uniporme ko.

Pagkababa na pagkababa ko ay naabutan ko si mom and dad na kumakain...wala na dito si Blake dahil baka nauna na siya...

"Mom bakit hindi niyo ako ginising?" tanong ko kay mommy habang kumakain kasama si dad..

"Well, baby ginising ka namin...pero mukhang napasarap ata yung tulog mo kaya hindi na namin ikaw ginising na muli" sagot ni dad...napasapo na lang ako sa noo ko...

"Mom, dad I have to go" sabi ko at agad namang nagsalita si mom.

"Wait...anak, hindi kaba mag aalmusal?" tanong ni mommy..."Mom, late na ako eh" nasabi ko na lang..

"Sige mom, dad alis nako!" sigaw ko sa kanila habang yumatakbo papalabas ng bahay..."Take Care!" sigaw din ni mom...agad naman akong sumakay sa kotse..

"Mang Rene, tara na po...late nako!" sabi ko kay mang Rene..agad niya namang pinaandar ang kotse at umalis na kami...

Hindi nagtagal ay nakadating na ako sa school...pagtingin ko sa relo ko ay 7:58 na!

Shit! 2 minutes na lang...tumakbo ako papuntang classroom ko pero agad naman akong napangiwi sa sakit nung may nabangga ako...natumba din ako kaya napaupo ako sa sahig...pag kaangat ko ng tingin ay...agad nanlaki ang mga mata ko..

"Oy! Blaire! are you okay?" alalang tanong ni Harvey sakin at inabutan niya ako ng kamay niya at kinuha ko din naman yun para makatayo na ako..

"Ahh oo, sorry nagmamadali kasi ako eh" sagot ko naman sa kanya...Napatigil dhin ako ng may napansin ako na kakaiba sa kanya...wait a second, umiyak ba siya...namumugto ang mga mata niya ehh...Dahil siguro alam niya ang iniisip ko ay agad naman siyang nagsalita.

"Na-napuwing lang ako" utal niyang sabi.."sigurado kabang napuwing lang yan...mukhang umiyak ka ng sobra eh" sabi ko naman. agad naman siyang sumagot "Hindi ahh, napuwing lang talaga ako" pagsisinungaling niya parin...well hindi ako bobo nu...obvious kaya na umiyak siya...ano naman kaya ang iniyakan niya??

Napatigil ako sa kakaisip ng maalala ko na late na pala ako pagkatingin ko sa relo ko ay 8:10 na...Si Miss Cordovez ang teacher namin at syempre kapag 5 minutes na late ka sa klase niya detention room ay pupuntahan mo...pero kapag siya nga ang na late..wala lang, pero iba naman ang estudyante sa guro ehh.

Patay ako nito...detention room ang punta ko nito..."Uh sige Harvey ahh mauna na ako, late na ako ehh" sabi ko sa kanya...

"Ako din ehh..late na rin ako, baka detention room ang punta ko" sabi niya at bahagya lang siyang ngumiti...pagkatapos namin mag usap ay nagpaalam na ako sa kanya..

 Habang papalapit na ako sa room, at ilang hakbang na lang...makakapasok na ako ng walang tigil na, sinasabi na sana wala pa si Miss Cordovez...ngunit nagkamali yata ako...pagkaharap at pagkaharap ko sa pintuan ay agad niya naman akong tiningnan...ang pinakaayaw sa lahat ni Miss ay yung late..

"You're 10 minutes late Miss Gonzales" seryosong usal nito..agad naman ako nagsalita..

"Umm, miss may emergency lang po kasi ehh" pagsisinungaling ko..well wala akong choice ehh...pero hindi pa rin umobra...

"Miss Gonzales..alam mo naman na sa pinakaayoko sa lahay ay yung late hindi ba? Okay go to detention room now!" sabi nito. Napabuntong hininga na lang ako...Agad naman akong tumungo sa detention room.

I Hate You, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon