Blaire POV
Agad naman natapos ang klase kaya agad na kaming umuwi ni Blake, nagkita kami kanina sa labas kaya sabay kaming umuwi.
Pagdating sa bahay walang tao sa sala except sa maid namin.
"Yaya asan sila Mommy at Daddy?" Tanong ko dito.
"Umalis sila ma'am, may inasikaso siguro sa inyong kompanya" Saad nito habang naglilinis."Ah? Ganun ba" nasabi ko na lang.
Pagkatapos naming mag usap ni yaya agad naman akong umakyat sa aking kwarto at agad na humiga sa kama dahil pagod ako.
Habang nakahiga ako, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Agad naman akong nagising nung may kumatok at si Blake pala yun
"Ate? Baba da daw sabi ni Mom and Dad, kakain na tayo" Usal ni Blake. Bumangon ako at napatingin sa bintana at gabi na pala, nag ayos naman ako ng mukha tsaka dali daling bumaba at pumunta na ako ng dining room.
"Oh Blaire, parang inaantok kapa ahh?" Tanong ni Mommy habang sumasandok ng ulam.
"Did you get enough of sleep?" Tanong naman ni Dad sakin.
"I don't think so, inaantok pa ako eh" nasaad ko na lang.
"Come sit and eat" Mommy.
Pagtingin ko sa table, my favorite fried chicken, bacon and egg tas may rice din tsaka juice at higit sa lahat, sinigang!
"Yes, it's your favorite so eat a lot" nakangiting sabi ni Mommy.
"I will" nakangiti ring Saad ko bago dumandok ng rice.
After many minutes ay natapos na din kaming kumain kaya naman agad akong napaupo sa sofa at napaisip sa nangyari kanina sa school.
Natigilan naman ako nung tapikin ako ni Blake sa braso dahil kanina pa daw ako nakatulala kaya agad naman akong napatingin sa kanya at inirapan ko nalang ito.
Umalis na ako dun at umakyat sa taas at dumiretso na ako sa cr para maglinis ng katawan, agad naman akong natapos kaya humiga ako at natulog na kaagad.
***Nagising ako dahil narinig kong nag alarm ang aking clock tsaka ko tinignan ang akin orasan and it's 5:30 na kaya agad naman akong bumangon at mabilis na pumunta sa cr para maligo. Pagkatapos ay lumabas na ako na naka tuwalya at bumihis ng aking new uniform, nakuha na ito nila Mom kaya ayun may uniform na ako at ang ganda niya
Ito ay long sleeve ang damit tsaka ang palda ay above the knee tapos kulay blue ito, dark blue pala.
Pagkatapos kong mag bihis tsaka ako nagsuot ng medyas na below the knee at shoes na pang school shoes na color black, maganda ang pagkadesign nito.
Bumaba na ako para mag agmusal at nakita kung may milk, rice, adobong chicken at bacon kaya agad naman akong umupo at dumating naman si Mommy and Daddy tsaka si Blake kaya umupo na rin sila para kumain. Bigla namang magsalita si Mommy.
"Mga anak may sasabihin kami" usal nito kaaya napatingin naman kami ni Blake sa kanya.
"What is it mom?" Takang tanong ko dito.
"Aalis kami ng mommy niyo" si daddy na ang sumagot.
"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Blake.
"Pupunta kami sa ibang bansa ng daddy niyo dahil may aasikasuhin kami dun para sa business natin sa ating kompanya" saad ni Mom.
"Hindi kasi yun basta basta, and we have to take care of it. Kung pwede lang sana na ang inyong ate at kuya na lang kaso they're also busy sa kani kanilang career" Saad naman ni Dad.
BINABASA MO ANG
I Hate You, I Love You
RomansaYou know what's the most painful thing that happens in our life? Is when we trusted the people we loved, only to find out that one day, they already pointed their daggers behind our back. Betrayal is shit, but to hate the people you used to love is...