Chapter 18: Message

16 3 0
                                    


BLAIRE


Nandito na ako ngayon sa bahay kakauwi lang namin,dumiretso na ako sa kwarto ko para magbihis...humiga na ako sa aking kama wala na akong ganang maghapunan dahil busog pa naman ako. Kaya andito ako nagyon sa aking kama nakahiga.

Hindi pa rin ako mapakali kung bakit ginawa yun ni Zayn kanina...agad namang nag flashback ang lahat.


***FLASHBACK


'Hindi ba at sinabi ko na papatunayan ko na gusto kita? Kahit saan,kailan...hahalikan kita sa ayaw at sa gusto mo...at pinapangako ko na wala ka nang ibang hilingin o hahanap hanapin na labi kundi ang akin lang...Just promise me one thing Blaire that...your lips is 'mine' all 'mine'...Akin lang Blaire,akin lang...'

Napatulala na lang ako sa sinabi ni Zayn...ano pa ang pinagsasabi niya? Hindi ko siya maintindihan...

"Ano ba ang pinagsasabi mo Zayn?" ito na lang ang nasabi ko

"Your lips is all mine blaire...akin lang...hinding hindi ako papayag na may ibang hahalik diyan..."

"Nagbibiro kaba Zayn?"naitanong ko na lang

"Bakit naman ako magbibiro Blaire? Mukha ba akong nagbibiro?" sabi naman niya hindi ko na lang siya sinagot at aalis na sana ako nung mag salita siya ulit..."Siguraduhin mo Blaire na kapag hahalik ka sa iba..wala ako sa paligid, dahil kapag nakita ko yung lalaking kahalikan mo...hindi ako magdadalawang isip...na basagin ang pagmumukha niya dahilan para manghiram siya ng mukha sa aso" sabi nito sabay alis papalayo sakin...

Bakit mo ba ito ginagawa sakin Zayn? Ang gulo gulo mo din ah nu? Your weird!


***END OF FLASHBACK

Nandito pa rin ako sa kama ko nakahiga...hindi ako makatulog,dahil sa kakaisip ng nangyari kanina...oo aaminin ko,may parte sakin na ginusto kong  halikan si Zayn,pero bakit? Haystt ano kaba Blaire? Ang landi mo!...nasabi ko na lang sa sarili ko...Wait what!? hindi ako malandi ano!? syempre sino ba ang hindi gustuhing mahalikan ng isang Zayn Cairo De Luna? DIBA??!...Pero ano--ano parin ano---...natigil ako sa kakaisip ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko!

"Ate baba kana daw kakain na tayo!" sigaw ni Blake

"Hindi ako kakain Blake,busog pa ako!" sagot ko naman sa kanya...."Oh sige,ikaw bahala"sagot naman ni blake sakin.Umalis na si blake para kumain habang akon naman ay nandito sa kama ko nakahiga, hindi nagtagal ay nag vibrate ang phone ko dahil may nag notif sa IG ko. Agad ko naman itong kinuha at inopen.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko...

it'smeZayn: sent you a message.

Parang kinakabahan akong buksan ang message niya sakin...Ano kaba Blaire si zayn lang yan!..Inopen ko na ang message niya.

it'smeZayn:"Hey! Baby,did you already ate your dinner?" nangunot ang noo ko sa nabasa ko...Baby?Ba't gannon...Wrong send ata.

UrAugustina:"WRONG SEND KA ATA!" reply ko sa kanya...nantitrip nanaman siguro ito...wala talaga siyang magawa sa buhay niya.

Hindi ngatagal ay nag reply siya kaagad.

it'smeZayn:"Baby naman! Just answer my question okay? Kumain kana ba?" reply niya sakin

UrAugustina:"Wala"..tipid na reply ko..

it'smeZayn:"Bakit wala" reply nito...ang kulit bwesit!

I Hate You, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon