Chapter 12: Six

19 4 0
                                    



BLAIRE


Tapos na kaming kumain ni zayn,umalis na kami ng resto.Andito kami naglakad lakad lang muna sa loob ng mall...hindi pa rin ako makapaniwala na sinabi niya sakin kanina ang mga masasakit na nararamdaman niya nung nag break up sila ng girlfriend niya,at kung gaano pa niya kamahal ito.Na realize ko na may soft side din pala si zayn...ganoon nga sabi nila naging babaero lang ito at hindi sineseryoso ang mga babae dahil siguro doon sa naging break up nila.Maskin saakin yun nangyari masasaktan at masasaktan din ako.

Kaya naiintindihan ko ang nararamdaman ni Zayn...hindi ko din alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya...baka siguro naramdaman ko na din ang nararamdaman niya kaya alam ko kung ano sa feeling...naramdaman ko yun noon sa kaibigan ko na naging crush ko,baka nga siguro mahal ko na siya noon.Hindi pa rin mawala wala sa isipan ko na umalis siya ng walang paalam.I hate him but still,I miss him...

Habang naglalakad kami ni Zayn patungo sa shop ng mga bibilhan ng phone ay nagsalita siya"Ako na ang bibili ng sarili kong phone at ako na din ang babayad"walang emosyong sabi niya...napakunot noo na lang ako,ako ang nakabasag kaya ako ang bibili at magbabayad.

"Wag na,ako yung nakabasag ng phone mo kaya tama lang na ako ang magbabayad"sagot ko naman,hindi nagtagal nagsalita nanaman siya.

"No,ako ang bibili at magbabayad,besides marami naman akong pera ehh.Sapat na yung pagsama mo sakin dito sa mall,kaya hindi muna kailangan magbayad."sagot niya.Nagsalita ako ulit "pero kasi ako yung nakabas-"hindi na niya ako pinatapos sa aking sasabihin,dahil nagsalita siya muli"No buts,makinig ka na lang sakin...tapos ang usapan!"pagsasabi niya...wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya...ang tigas din ng ulo ng lalaking to ehh haysttt!

Nakadating na kami sa shop,agad naman siyang pumili kung ano yung phone na bibilhin niya.Habang ako nandito lang sa gilid niya pinagmamasdan din yung mga phone...agad agad din siyang nakapili yung pinili niya ay yung iPhone 11 pro max...edi sana all...iPhone din naman yung sakin ehh hihihi...

"Sir Zayn...girlfriend niyo ho siya?"nagulat ako sa sinabi ng staff na nasa counter,habang nagbabayad si Zayn,so kilala din siya edi siya na..."No"tipid na sagot ni Zayn..."Ayy sorry po,akala ko kasi girlfriend niyo siya,ang ganda niya naman kasi ehh...bagay kayo hihi"kinikilig pang sabi nung  babae,haystt nakakainis siya,bakit niya naman napagkamalan na girlfriend ako ni Zayn?Pero okay na din yun dahil sabi niya maganda naman ako,yung hindi lang okay yung sabihin niyang girlfriend ako ni Zayn tskkk...hindi ko ma imagine na magiging boyfriend ko si Zayn...arghhh.

"She's just a friend chelsea"sagot naman ni zayn"a precious one"pahabol niyang sabi sabay tingin sakin,at kumindat.Ay grabe siya may pa kindat kindat pa...pero ang gwapo niya...yun naman ang totoo ehh.Echoss pero totoo naman ehh.

"Ahhh"yan na lang yung nasagot ng babae...pero nagsalita siya ulit habang paalis na kami ni zayn"goodbye po sir zayn,ingat po!"medyo malakas yung pagkakasabi niya nga 'ingat po'...parang mabait naman siya ehh...ayon tuloy hindi ko maiwasan na magtanong kay zayn.

"Oyy close ba kayo nun? sino nga yun?chel-chelsea,ba yun?"tanong ko sa kanya habang naglalakad kami..."No we're not...isa lang siya sa staff dito na parang pinagkakatiwalaan o let's  say medyo sila close ng parent's ni shawn dahil sa kasipagan niya...kaya ganoon din siya samin...besfriends kami ni shawn ehh,besides ang gwapo ko kaya ayun,maraming nagpapapansin"sabi niya sabay smirk.Mayabang din pala sus!

Habang naglalakad kami naisipan kong kumain ng ice cream kaya,hinawakan ko ang kamay ni Zayn papunta sa ice cream shop,pagkadating namin dun,na realize ko lang na nakahawak pa rin yung kamay ko sa kamay niya kaya agad ko yung binitawan,I can smell awkwardness na naman.

I Hate You, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon