Blaire's POV
Nasa Dining area kami ngayon dahil nag aalmusal na kami nila Mom, Dad and Blake. Habang kumakain naman ay nag uusap usap kami tungkol sa bagong school na.papasukan namin ni Blake.
"So are you guys ready to go to your new school?" Nakangiting tanong ni Mom sa amin ni Blake.
"Yes! Super excited na Mom!" Masayang saad ni Blake. Napaikot naman ako ng mga mata.
"How about you blaire?" Tanong naman ni Daddy sakin.
"Kinda? Kasi naman wala na akong friends dun!" Pag iinarte ko.
"You will find a new one, trust me" nakangiting saad ni Dad. I just shrugged.
Nung tapos na kaming kumain kinuha ko na ang bag ko sa sofa at sinukbit sa likuran ko ganun din ginawa ni Blake. Nag goodbye kiss na din kami kila Mom and Dad. Lumabas na kami ng mansion at sabi ni Mom and Dad ipahahatid na lang nila kami sa aming driver. Agad naman akong pumasok sa loob, sa likod kami umupo ni Blake at magkatabi kami, habang nasa biyahe tahimik lang kami at ako naman nanonood sa labas ng bintana ng kotse, pinapanood ko ang mga taong naglalakad sa labas at tinitingnan ang mga tanawin.
Ilang minuto rin ay dumating na kami sa bagong university na papasukan namin kaya agad naman akong bumaba at laking gulat kong makita ang kabuuan ng Saint Granite, grabe ang laki at ang ganda rin. Agad naman nagsalita si blake kaya napatingin ako sa kanya
"Wow! Ang ganda ng school na to ate, super talaga" Hindi mapakaling sabi ni blake
"Oo nga" Pambibiting sabi ko.
"Parang ayaw mo ngang pumasok dito eh, tapos nagagandahan ka naman pala" Saad ng magaling kung kapatid.
"Oh, just shut up! okay?" Naiinis na usal ko dito. Dami pang nalalaman eh.
***
Nandito na kami sa loob ng school sa may field ngayon nung may lumapit saamin ni Blake na dalawang babae, kaedad niya ata siguro.
"Hi! Bago kayo rito?" Saad ng babaeng may mahabang buhok.
"Obvious ba?" Mahinang sabi ko pero hindi nman nila narinig.
"Ah, oo eh" Nakangiting saad ni Blake. Maypa hiya hiya pa. Tsk.
"Ano na palang grade kayo?" Saad naman ng isang babaeng maikli ang buhok. Well, seeing their faces right now, well may maibubuga naman silang kagandahan. And their seems nice naman.
"3rd year ako" Usal ni Blake. "Yung ate ko naman 4th year" Pagpapatiloy nito. Napatango tango naman silang dalawa.
"Ah, so magkapatid kayo?''sabi ng babaeng may mahabang buhok? Slow naman ata nila? Hindi ba obvious?
"Yeah" maikling saad ko.
"Ano nga palang pangalan niyo?" Tanong ng may maikling buhok.
"I'm Blake and this my sister Blaire" pagsasaad naman ng kapatid ko. Grabe ah, she seems nice? Well, siguro nagpapakabait para may makitang bagong kaibigan tsk.
"You know what, you can join us, baka magka klase pa tayo eh. 3rd year rin kasi kami" saad nung may maikling buhok kay Blake.
"Eh, kaso yung ate ko walang kasama eh" dismayadong saad ni Blake tsaka tumingin sakin.
"No blake, it's ok. I can handle myself. Hahanapin ko rin ang classroom ko kaya sumama kana sa kanila" nakangiting saad ko dito pero peke naman.
"Okay! Just text me later. Bye!" Saad nito sabay hatak na sa dalawang babae. Feeling close agad?
BINABASA MO ANG
I Hate You, I Love You
RomanceYou know what's the most painful thing that happens in our life? Is when we trusted the people we loved, only to find out that one day, they already pointed their daggers behind our back. Betrayal is shit, but to hate the people you used to love is...