Chapter 25: Iro

6 2 0
                                    


BLAIRE


Nandito na ako ngayon sa bahay...kakauwi ko lang galing university, hindi na ako bumaba para mag hapunan at sinabi lang na busog pa ako. Bahagya akong nakahiga ngayon sa kama, agad ko naman naalala ang mga nangyari kanina sa university bago pa ako nakauwi.

***FLASHBACK

Habang hawak ko ang itim na sobre na may hugis parisukat at binabasa ang laman nito na papel paulit ulit, hindi pa rin ako mapakali. Agad naman akong natauhan ng pumasok sabay sabay sila fem, dillyn at litch sa room kaya dali dali ko namang itinago ang itim na sobre sa bag ko.

Nagtaka tuloy si fem dahil nakita niya akong nagpapanic.

"Ano yun?" takang tanong nito."Huh ang alin?" patay malisya kong sabi..

"Yung kulay itim na sobre?" tanong nito dahilan para matigilan ako..Nakita niya!? hindi!..hindi pwede dapata walang makakaalam..tungkol sa mga death threats nato!

"Ahh, wala...invitation yun..pinapapabigay ng relative ko" pagsisinungaling ko naman..Agad naman siyang tumango at umupo sa kanyang silya, ganoon din sila litch..Hindi nagtagal ay nagsalita naman sila.

"Oy, Blaire yung tungkol sa pageant we need to prepare...kami na ang bahala sa mga damit na susuoting mo" sabi ni dillyn, sumang ayon naman sila fem at litch.

"Dapat ikaw ang manalo...you deserved to be the queen!" masiglang saad naman ni litch...ngumiti lang ako ng tipid sa kanya.

"Don't worry kapag, kailangan mo ng tulong nandito lang kami...that's what bestfreinds for, right?" sabi naman ni fem. Tumango lang ako sa kanya.

Hindi nagtagal ay natapos na ang klase, bahagya akong naglalakad ngayon dito sa parking kasama yung apat na 'loko' pati na rin sila Fem..Nasa unahan ako nila..medyo malayo din ako sa kanila...dahil may kinakausap pa ako sa phone at yung ate ko yun. Kinakamusta ako.

Hindi nagtagal ay natapos na kami sa pag uusap ng mapansin ko na may motor na paparating papunta sa direksyon ko...Shit, hindi ko alam kung bakit hindi ako makaalis sa aking kinatatayuan, parang hindi ko maigalaw yung mga paa ko. Nung papalapit na ng papalapit ang motor sakin ay bigla na lamang bumakas sa buo kong katawan ang takot at kaba.

Akala ko masasagasaan na ako sa sobrang lapit na saakin ng motor..pero bigla na lamang may humawak sa kanang kamay ko at hinila ako dahilan para matumba kaming dalawa at pagkakita ko ay si Zayn pala ito.

Agad naman akong tumayo dahilan para mapangiwi ako sa sakit, at pagkatingin ko ay dumudugo na ang tuhod ko..pero maliit lamang ito.

Napansin ko rin na may sugat si Zayn sa kanyang braso dahilan para mag alala ako sa kanya.

"Okay lang ba kayo?" nag aalalang tanong ni Fem..

"Gagong yun, hindi man lang tumitingin sa dinadaanan niya!" inis na sabi ni Shawn.

"Hayop yun ah! Siya kaya sagasaan ko!"sabi ni Xander na may halong galit at pag aalala...Nagsalita naman agad si Harvey...dahilan para mangunot noo ako.

"Pa-imbestigahan natin yan!" saad ni Harvey na may seryosong mukha...hindi pa nakailang segundo ay nagsalita naman kaagad si Xander.

"Mag-hire kaya tayo ng isa sa mga magagaling na private investigator dito sa pilipinas" sabi naman ni Xander na mukhang seryoso sa kanyang pinagsasabi. Nagsalita naman ako.

"Alam niyo wag kayong OA!" sabi ko sa kanila dahilan para matigilan sila sa kakaisip.

"Blaire, hindi biro yun...muntik ka ng masagasaan..buti nga ay nasagip ka kaagad ni Zayn..Thank God!" mahabang pagsasalita ni Litch...napatango naman silang lahat...agad naman ako napatingin kay Zayn at binigyan siya ng ngiting pagpapasalamat.

I Hate You, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon