Chapter 10

17 4 0
                                    



ZAYN


Nandito kami ngayon sa bahay nila shawn,kasama sila xander at harvey, nandito rin ang parents niya, tsaka ang bunsong kapatid niya.Actually dalawa lang silang anak nina tita trisha at tito sarry, ang bunsong kapatid niya naman ay si senna babae, isang taon lang ang agwat namin sa kanya.

"Oh boys,dito na kayo maghapunan ha,nagluto ako ng adobo dun,kaya hali na kayo kumain na tayo"sabi naman ni tita trisha.

"Ahh sige po tita,gusto ko pa naman yung adobo hehe"sagot naman ni xander...mukhang masaya pa.Masaya naman sana ako ehh...lintek kasing blaire na yun...binasag pa yong phone ko arghhh nakakairita..

Andito na kami ngayon sa lamesa kumakain kasama ang parents ni shawn pati na ang kanyang kapatid tsaka sina xander at harvey..

"So, kamusta naman ang inyong pag-aaral,ayos lang ba?"tanong ni tita trisha.Agad ko na naman naalala si blaire..."ahh ok naman po tita sagot ni harvey.

"ohh zayn bakit ang tahimik mo ata...hindi ba masarap yung luto ko?"natauhan ako sa sinabi ni tita trisha"ahh hindi po tita,may iniisip lang po ako"sagot ko naman...haystt kasalanan to lahat ng babaeng yun...pakialamera kasi ehh...

"ano naman ang iniisip mo?parang ang lalim ah?"tanong naman ni tito sarry,pati siya nahalata ako hay nako...pahamak talaga yung babaeng yun ehh"ahh wala po tito don't mind me"sagot ko naman...

"ahh siguro tita iniisip niya yung pagkabasag ng phone niya HAHA"sabat naman ni xander.Kahit kailan ang ingay ingay niya talaga...dahil sa sinabi niya magtatanong nanaman yan siguro sina tita trisha hay..."bakit anong nangyari?"sinasabi ko na nga ba ehh...isa rin itong pahamak si xander ehh.Hindi mapigilan yung baba niya.Aigoo.

"Ahh nabasag po ng classmate ko hehe?"pagsasalita ko naman."eh bakit parang pinoproblema mo yun,eh kaya mo namang bumili ng bago ehh...mayaman kaya kayo"pagsingit ni senna.Yeah she's right I can buy a new one pero paano na lang ang mga importanteng mga messages,pictures,at contacts ko dun...isa pa nandon din ang mga pictures namin ni--ahh basta...ng ex ko....takte naman kasi nung babaeng yun pakialamera...

Hindi na lang ako sumagot pa dahil hahaba na lang ang kwento haystt.For sure tanong sila ng tanong sakin kaya mas mabuti pang wag na lang nakin sagutin si senna...makulit pa naman yun...

Andito kami ngayon sa likod ng bahay nina shawn sa may pool,nag i-istambay lang kakatapos lang naming kumain tsaka naguusap lang kami rito"grabe naman si blaire parang idol ko na siya,akalain mo parang hindi man lang siya natakot sa isang zayn cairo de luna HAHAH"sabi ni harvey.Haystt nakakainis nga ehh,parang iba siya sa ibang babaeng nakilala ko...pero bahala siya binasag ba naman ang phone ko...langhiya.

"Are you serious vey?how can you say that?"singit naman ni xander"ehh lumalaban siya kay zayn ehh,kung ibang babae na yung sinisigawan ni zayn at pinasisingkitan ng mata siguro mahimatay na yun sa takot HAHAHA"sagot naman ni harvey sa kanya...napa iling iling na lang ako..

"Pero sa nakikita ko kanina parang natakot si blaire kay zayn,pero parang hindi niya lang pinahalata,and actually tama si harvey,parang iba si blaire sa ibang babae na nakilala natin,totoo man na natakot siya pero hindi niya yun pinahalata kasi matapang siya"mahabang pagsasalita ni shawn....actually he's right...parang iba nga si blaire sa mga babaeng nakilala namin...and hindi naman sa ano ako...ma-maganda siya....what did I just said that?are you crazy zayn?arghhh whatever...naguguluhan na ako ba't ko ba yun naisip?bahala na...

"Zayn may gusto kapa rin ba sa ex mo I mean mahal pala?"biglaang tanong ni harvey...natahimik na lang ako.

"To tell you the truth guys,yes I still like her I mean love,I still love her"pagsasabi ko naman sa kanila...biglang nagulat pa sila..."why are you shock?as if naman hindi niyo yun alam...isa kaya kayo sa mga nakasubaybay kung gaano ko siya minahal at gaano niya rin ako minahal pero hindi ko alam kung bakit niya mas piniling iwan ako dahil sa pesteng niyang career nayun ang haba ng panahong pinagsamahan namin pero iniwan niya parin ako lintek"pagsasabi ko,hindi ko namalayan na naiiyak na pala ako...

I Hate You, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon