STEFAN
AYAW KONG isipin na iniiwasan niya ako.
Bakit naman niya gagawin 'yon, 'di ba? Wala naman akong ginagawang masama. Wala rin naman akong sinasabing makagagalit sa kanya. Hindi rin ako umaalis sa baryo Ilat nang hindi niya nalalaman kaya bakit niya ako iiwasan?
Kung ang pang-aasar ko ang dahilan, bakit ngayon lang siya iiwas? Simula nang tumapak kami rito sa baryo Ilat, gano'n na ang ginagawa ko sa kanya. Kaya imposible na iniiwasan niya ako dahil lang sa naaasar siya sa akin.
Trabaho ito, panigurado. Busy lang talaga siya lalo na't may nangyaring engkuwentro noong nakaraang linggo sa palengke. Baka inaayos niya 'yon kaya palagi siyang umaalis sa baryo Ilat kasama si Nico Alarcon.
"May relasyon ba kayo ni Nico Alarcon?!" pasigaw na tanong ni Billie kay Raffi.
There.
Lahat na yata ng negatibong emosyon sa mundo ay naramdaman ko sa mga sandaling 'yon. Hindi ko nga alam kung paano ko naitaguyod ang araw na iyon nang nakangiti.
May relasyon kaya sila ni Nico Alarcon? Ilang araw na rin silang umaalis nang silang dalawa lang. Noong una'y hindi naman ako nababagabag doon ngunit nang marinig kay Billie ang gano'ng ideya ay hindi na rin ito nawala sa aking isipan.
Parang nakakainis. Noong una'y si Pablo Abad, ngayon naman si Nico Alarcon? Bakit ba ang daming umaaligid sa kanya? Oo, maganda nga siya, pero puwede bang huwag na lang nila makita 'yon? Mas okay sa akin kung matakot sila at umiwas kaysa sa mahumaling at lumapit kay Raffi. Nakaka-badtrip.
"Mag move-on ka na, bro," ani Andres habang nagbibihis. Nandito kami ngayon sa kuwarto at handa nang matulog ngunit gising na gising pa rin ang diwa ko. "May boyfriend na si Ma'am Raffi kaya kalimutan mo na siya."
"Hindi niya boyfriend 'yon," matabang kong sambit.
Oo, umaasa pa rin ako na hindi niya iyon boyfriend. Sa lamig ng pakikitungo ni Raffi sa kanya, sa tingin n'yo maniniwala ako na may namamagitan sa kanilang dalawa? Wala pa akong nakita na magkarelasyon na gano'n ang tratuhan. Kahit pa sa kalagitnaan ng trabaho, mahahalata mo kung may relasyon sila o wala.
"Bro, hindi mo pa ba nakikita? Palagi silang magkasama ni Nico Alarcon! At narinig mo naman kay Billie kanina, 'di ba? Pinag-uusapan nila ang relasyon nina Raffi at Alarcon."
"Wala nga silang relasyon," inis kong sambit bago bumangon at sinandal ang likod sa pader. Hawak ko ang aking unan na ngayo'y nagpapahinga sa aking hita. "Hindi ako naniniwala na may relasyon sila."
Hinagis ni Andres ang marumi niyang damit sa basket at hinarap ako nang nakapamewang. "Huwag mong sabihin na hulog na hulog ka na kay Raffi kaya ka nagkakaganyan?"
Hulog na hulog? Kailan mo ba masasabi na hulog na hulog ka na sa isang tao? Mamamalayan mo ba iyon? Maiisip mo pa ba iyon?
"Pambihira naman, Stefan. Sa lahat talaga ng babae, si Raffi pa? Oo alam kong shini-ship ko kayong dalawa pero hindi ko in-expect na mahuhulog ka nga talaga! Kung alam ko lang na madadala ka sa pang-aasar ko, si Lilian na lang sana ang tinambal ko sa 'yo."
Naningkit ang mga mata ko. "Sa tingin mo gano'n ako kababaw, Andres? Kung nadadala ako sa mga pang-aasar mo, sana matagal na akong nagkagusto kay Mandy. Tigilan mo nga ako!"
Ngumisi siya bago muling hinarap ang cabinet upang isara ito. "Okay, sige. Susuportahan na kita kay Ma'am Raffi. Pero paano na? May boyfriend siya. Alangan naman paghiwalayin natin sila?"
"Tss. Hindi nga sila ni Alarcon!"
Ilang beses ko ba dapat sabihin iyon sa kanya para tumatak sa kanyang isip?
BINABASA MO ANG
Stars On Her Shoulder
RomanceThe Wattys 2021 Winner | New Adult Stefan Carreon is a simple rich guy living in Manila. Gaya ng simpleng pamumuhay, simple lang din ang pangarap niya: ang makapagturo nang libre sa mga batang hirap mag-aral. What's the catch? Gusto niyang gawin ang...
