Kabanata 28

2.8K 134 2
                                    

STEFAN

WALA AKONG gana kumilos ngayong araw. Kung hindi lang ako ginising ni Andres kanina, baka hanggang ngayo'y nakahilata pa rin ako sa kama.

"Himala, hindi yata dumating si Mandy ngayon?" si Lilian habang naglalakad kami patungong baryo Ilat.

Sa dami ng iniisip, hindi ko na naisip si Mandy. Tuwing umaga kasi, palagi 'yon nagpupunta sa bahay para sabay-sabay na kami magpunta sa baryo Ilat. Ngayon lang siya hindi nagpunta.

"Ang sabi niya'y susunod daw siya. Nakikibalita pa kasi siya sa mommy niya tungkol kay Tita Sabrina," wika ni Andres sabay tingin sa akin.

Gusto kong magpasalamat kay Mandy dahil doon. Alam niyang hindi ko basta-basta maiiwan ang trabaho ko kaya siya na ang nakikibalita tungkol sa lagay ni Mama.

Huwag siyang mag-alala, uuwi na rin naman kami sa Maynila. Hindi na niya kailangang gawin ito nang matagal.

"Okay ka lang, Stefan?" boses ni Lilian. "Kanina ka pa tahimik. Actually, kagabi pa.."

Kagabi.

Ayaw ko na lang isipin. Gusto ko na lang kalimutan iyon dahil masakit.

"Okay lang ako, Lilian. Iniisip ko lang si Mama.." sabi ko kahit hindi lang iyon ang rason.

Hinawakan niya ang kamay ko at tipid na ngumiti. "Huwag kang mag-alala, matatag si Tita Sabrina. Kaya niyang lumaban.."

Ngumiti ako. "Salamat, Lilian."

Ilang sandali pa'y nakarating na kami sa baryo Ilat. Natigilan ako nang si Raffi ang una kong nakita sa dinami-dami ng sundalo sa paligid. Nagkatinginan kami hanggang sa ibaba niya ang tingin sa magkahawak naming kamay ni Lilian. Umiwas agad siya ng tingin doon at hinarap ang sundalong kausap.

"Good morning sa inyo!" masayang bati ni Billie nang makalapit sa amin.

"Good morning, Ma'am Billie!"

"Huwag n'yo munang i-assemble ang tent. Pumunta muna kayo sa ilalim ng puno."

Kumunot ang noo ko sabay sulyap kay Raffi na naabutan kong nakatingin din sa akin habang may kausap.

"Tungkol ba ito sa pag-alis namin sa Elena?" tanong ni Andres.

Kahit wala ako sa ayos kagabi pagkatapos naming mag-usap ni Raffi, nagawa ko pa rin sabihan ang mga kasamahan ko tungkol sa nangyayari sa Elena. Sinabi ko sa kanila ang tungkol sa pagluwag ng seguridad dito kaya kailangan na namin umuwi.

Tumango si Billie. "Oo, kaya roon muna kayo. Hintayin ninyo kami ni Raffi. May kakausapin lang kami sandali."

Iyon nga ang ginawa namin. Hinintay namin sila sa ilalim ng puno sa 'di kalayuan. Ilang minuto rin ang tinagal ng paghihintay bago sila dumating.

Madilim ang mukha ni Raffi nang harapin kami. Kapag napupunta sa akin ang kanyang tingin ay agad niya itong iniiwas. Kumuyom ang kamao ko sa sakit.

Sa tuwing naiisip ko ang mga sinabi niya'y nagigising muli ang sakit na gusto kong kalimutan. Naaalala ko kung paano niya sabihin sa harap ko na ayaw niya sa akin. Na kahit kailan hindi ko mapapalitan si Leonardo Cañete sa puso niya.

Doon ko naintindihan kung bakit hanggang ngayo'y punong-puno pa rin ng hinagpis, lungkot, at galit ang mga mata niya. Doon ko nalaman na kaya pala gano'n dahil hanggang ngayo'y nagluluksa pa rin siya sa pagkawala ng taong mahal niya. Itinaga na niya sa bato na sa mundong ito, ang lalaking iyon lang ang mamahalin niya hangga't nabubuhay siya.

Masakit isipin iyon dahil umasa ako. Hindi ako sumuko, eh. Gusto ko siyang pasayahin. Gusto ko siyang pangitiin. Ngunit hindi pala ako ang makagagawa no'n. Kahit kailan, hindi ko siya mapapasaya.

Stars On Her ShoulderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon