STEFAN
KAHIT MAHIRAP, tinuon ko ang atensyon sa trabaho. Paulit-ulit kong binabasa ang scheduled events sa resort na ito ngayong buwan. Medyo busy pala kami ngayon, lalong-lalo na next week. Sunod-sunod na araw may magkakaibang event na mangyayari rito sa resort. May debut, wedding, birthday, at kung ano-ano pa.
"May na-close akong deal kagabi, sir. Next year pa ang event niya pero mukhang bongga iyon. Ang mahal ng hall na pinili niya!" kuwento ni Miss Patrice na kanina pa nandito sa loob ng aking opisina.
Dahil umalis ako kagabi, pinapunta ko siya rito para sabihin sa akin ang mga nangyari. Nakahinga ako nang maluwag nang banggitin niyang hindi naman daw naka-apekto sa pageant ang biglaan kong pag-alis. Pero kahit gano'n, gumawa pa rin ako ng apology letter kanina para sa management ng pageant.
"Ah, nga pala! Hinanap ka rin kagabi ni Miss Alondra, sir."
Umangat ang tingin ko sa kanya. "Sino si Alondra?"
Mas hinila pa niya palapit sa lamesa ko ang kanyang upuan bago nagsalita, "Iyong magandang modelo na katabi ninyo kagabi! Medyo nalungkot nga yata siya noong sinabi ko na umuwi ka na. Mukhang crush ka no'n, sir."
Tumango lang ako, hindi na inisip ang huli niyang sinabi. Ilang sandali pa'y napatingin ako sa cellphone ko nang mag-vibrate ito sa lamesa. Tiningnan ko si Miss Patrice upang magpasalamat para makaalis na siya sa opisina ko. Tumayo naman siya at ngumiti bago tuluyang lumabas.
"Hello?" bungad ko.
"Stefan!" tinig ni Lilian. "Sa wakas ay sinagot mo rin ang tawag. Nasaan ka ngayon?"
Sinarado ko ang folder na hawak at itinabi ito sa gilid ng aking lamesa. "Nandito ako sa Cavite. Sorry ngayon lang ako nakasagot. I'm a bit busy."
"Sa resort ninyo ba? Pupuntahan kita."
"No need, Li—"
"Pupunta rin naman ako ng Cavite ngayon dahil may bibisitahin akong school. Dadaan na rin ako riyan."
Bago pa ako makasagot ay pinatay na niya ang tawag. Bumuntong-hininga na lang ako bago tinago ang cellphone sa bulsa.
Pagdating ng lunch break, lumabas ako sa aking opisina upang i-check ang buong resort. Marami pa rin ang tao dahil sa nangyaring pageant kagabi. Marami kasi ang nag check-in dahil ang iba'y tinamad na umuwi.
"Hey.." Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Natigilan ako nang makita ang modelong judge na katabi ko kagabi. Teka, ano nga ulit ang pangalan niya? "Hindi ka na bumalik kagabi. Emergency ba?"
Nang humakbang pa siya lalo palapit sa akin ay doon ko lang napagtanto ang kanyang suot. Manipis na roba lang ang bumabalot sa katawan niyang nakasuot ng two piece. Magulo rin ang pagkakatali niya sa kanyang buhok. Naka-make up din siya pero hindi 'yon halata sa malayo.
"Uh, yes. May emergency'ng nangyari kagabi," sabi ko.
Nakalimutan ko talaga kung ano ang pangalan niya!
Ngumiti siya. "Hmm, I think the heavens heard you. He knows that you're already bored."
Ngumiti lang ako at nagkibit-balikat.
"I'm Alondra," aniya sabay lahad ng kanyang kamay. Mas totoo pa sa totoo ang ngiti ko dahil sa wakas ay sinabi na niya ang pangalan niya. "You're Stefan, right?"
Kunot-noo kong tinanggap ang kanyang kamay at mabilis ding binitawan. "How did you know?"
"I heard your name last night dahil usap-usapan ang biglaan mong pag-alis. You're lucky because the manager of this resort is very intelligent. Siya ang nag-explain sa management kung bakit bigla kang umalis."
BINABASA MO ANG
Stars On Her Shoulder
RomanceThe Wattys 2021 Winner | New Adult Stefan Carreon is a simple rich guy living in Manila. Gaya ng simpleng pamumuhay, simple lang din ang pangarap niya: ang makapagturo nang libre sa mga batang hirap mag-aral. What's the catch? Gusto niyang gawin ang...