Kabanata 36

2.7K 115 2
                                    

STEFAN

ISANG KATOK mula sa labas ng aking opisina ang nagpa-angat ng tingin sa akin.

"Come in," utos ko sa kung sinumang nasa labas.

Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Miss Patrice. Ngiting-ngiti siya na animo'y may magandang nangyari sa araw niya buong maghapon.

"Sir, hinahanap po ulit kayo ni Miss Alondra."

Binitawan ko ang mga papel na hawak upang isandal ang likod sa aking upuan. Tumitig ako kay Miss Patrice na hindi pa rin mabura-bura ang ngiti sa labi. Ngayon alam ko na kung ano ang pahiwatig ng mga 'yon.

"Actually, hinihintay ka po niya sa pool side. Sabay raw po kayo mag dinner," dagdag pa niya.

Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Dinner? For what?

Buong araw na kaming magkasama ni Alondra kaya wala akong nagawang trabaho. Dapat nga'y wala na ako sa mga oras na ito sa Cavite, ngunit dahil sa natambakan ako, wala akong choice kundi mag stay.

At ngayon, nagyayaya naman siya mag dinner?

Okay, I get it. Hindi ako manhid para hindi maintindihan ang ginagawa ni Alondra. She's attracted to me. Napansin ko 'yon sa paraan ng mga kilos at salita niya habang magkasama kami. She's too touchy na kung minsan ay sobrang awkward na. Kung hindi lang ako polite, baka naitulak ko na siya at nasungitan.

She's our guest at iyon ang inisip ko sa buong maghapon para mapigilan ko ang sarili ko.

"Anong oras ang check-out ni Alondra bukas?" hindi ko na napigilang itanong.

"Hmm, mga 10:00am, sir."

Tumango lang ako. Siguro'y gano'ng oras na lang ako papasok bukas para hindi kami magtagpo.

Tumayo ako at tinanggal ang butones ng aking polo malapit sa leeg upang huminga. Tinupi ko rin ang aking manggas hanggang siko. Kinuha ko ang cellphone sa lamesa at ibinulsa bago naglakad palabas ng opisina. Sumunod naman sa akin si Miss Patrice na mas lalong ngumisi at mukhang excited pa.

"Guwapo mo talaga, sir!" bulong niya na hindi ko na lang pinansin.

Pagdating namin sa pool side, naabutan ko roon ang isang table for two na may candle lights pa. Wala roon si Alondra kaya nilingon ko si Miss Patrice.

"Where is she?"

Nilibot ni Miss Patrice ang tingin sa paligid na para bang may hinahanap. Ginala ko na rin ang mata ko upang hanapin si Alondra.

"Baka nag-CR lang, sir. Pero nandito siya kanina, eh. Gusto mo hanapin ko sa buong resort?"

Umiling ako bago sumilip sa aking palapulsuhang relo. "No. Hihintayin ko na lang siya. And aren't you going home? Tapos na ang working hours mo."

"Mag-overtime na lang ako. Bilin po kasi ni Ma'am Sabrina na hindi ako puwede umalis hangga't hindi ka nakakaalis dito sa resort."

Hinarap ko siya nang maayos bago muling nagsalita, "You don't need to do that. Umuwi ka na. Ako na ang bahalagang mag-explain kay Mama."

Ngumiti si Miss Patrice at bahagya pa akong hinampas sa braso. "Ikaw talaga, sir! Huwag mo akong intindihin. At isa pa, wala namang pasok bukas kaya ayos lang na magtagal ako rito."

Naningkit ang mga mata ko. "Are you sure?"

Tumango siya at mas lumapit pa sa akin para bumulong, "Gusto ko rin silipin ang date ninyo ni Miss Alondra! Kaya hayaan mo na ako rito, sir."

Lumayo ako sa kanya at umiling. Tinawanan lang niya ako.

Ilang sandali pa'y namataan na namin si Alondra sa entrance ng resort. Laglag ang panga ni Miss Patrice habang nakatitig sa modelong elegante kung maglakad ngayon patungo sa amin.

Stars On Her ShoulderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon