Kabanata 33

2.9K 128 3
                                        

RAFFIELLA

DUMAGSA ANG pagdating ng iba't ibang armored vehicle sa Elena kasama ang iba't ibang uri ng gamit pandigma. Magkakaibang sukat at uri ng baril, kanyon, bomba, at kung ano-ano pa ang pinadala rito para sa karagdagang gamit kung sakaling sumalakay ang mga rebelde.

Tirik na tirik ang araw ngunit wala ni isa sa mga sundalo ang nagtangkang magpahinga para lang mahanap ang mga rebelde sa buong lalawigan. Mahigpit din pinasara ang bawat gusali at negosyo sa loob lang ng tatlong araw.

Oo, tatlong araw lang ang binigay sa aming palugit ni Captain Pablo Abad sa paghahanap sa mga rebelde. Ginawa niya ito dahil mahihirapan daw siyang pigilan ang pagpasok ng media kung matatagalan kami.

Pero dahil may mga residenteng kumukuha ng footage sa nangyayari rito sa loob nang patago, mas lalong nadagdagan ang hirap ni Captain Pablo Abad sa pagharang sa media.

Totoo nga na walang sikretong hindi nabubunyag. Kahit ano'ng gawin niyang pagtakip sa katotohanan tungkol sa nangyayari sa Elena, darating ang panahon na aalingasaw rin ang totoo.

"Everyone. This is Striker. Do you hear me? Over."

Tumigil kami ng mga kasama ko sa paglalakad sa gitna ng kagubatan nang sabay-sabay tumunog ang aming walkie-talkie. Sumenyas ako na ako na ang sasagot kaya nagpatuloy sila sa paglalakad.

"This is Hawkeye. 10-2. Over. (Yes. Loud and clear.)"

"May na-detect kaming bomba na nakabaon sa parteng hilaga ng kagubatan. Limang bomba ang kumpirmado. We need assistance to defuse the bomb! Over."

Natigilan muli ang mga kasama ko sa paglalakad. Kami ang pinakamalapit sa area nila, sa pagkakaalam ko. Kaya kung may dapat mang pumunta roon, ang grupo ko 'yon.

Magsasalita na sana ako nang biglang tumunog muli ang walkie-talkie.

"This is Nitro. Nasa likod ninyo lang kami, Striker. 10-23. Over. (Please, standby.)"

Napangiti ako. Mukhang hindi na namin kailangan pumunta sa lugar nina Nico Alarcon.

"Copy that. Over."

Tumango ako sa mga kasama ko hudyat na ipagpatuloy ang paglalakad. Sabay-sabay kaming yumuko at maingat humakbang habang nagmamasid sa lugar.

Nahati kami sa limang grupo na may tig-limang miyembro. Sa bawat grupo, may isa dapat na marunong mag-defuse ng bomba, matalas ang memorya pagdating sa pagkabisa ng lugar, isang sniper, at sanay sa kahit anong uri ng baril.

Hindi ko lang alam kung bakit sa team ni Nico Alarcon, walang marunong mag-defuse ng bomba. Siguro ay may nangyari sa kanilang area.

Huminto sa paglalakad ang sundalong nangunguna sa amin kaya napahinto tuloy kami. Dahan-dahan siyang lumingon bago tinuro ang katawan ng isang puno na may sariwang dugo. Sunod naming nilapitan ay ang lupa sa tabi nito na may bakas pa ng yapak ng sapatos.

Umupo ako sa tapat ng bakas at naglabas ng tape measure upang sukatin ang haba at laki nito. Umupo na rin sa tabi ko ang isang sundalo na tinitigang maigi ang bakas na para bang nandoon ang sagot kung saan makikita ang mga rebeldeng hinahanap namin.

"Hindi ito combat shoes. Masyadong maninipis ang linya at mababaw ang pagkakabaon sa lupa. Ano'ng size, Española?" bulong niya.

"8 1/2," tugon ko bago itago ang tape measure.

"Tingnan n'yo 'to!" Napatingin kami sa isang sundalo na nasa kabilang puno. Nakaturo siya sa katawan nito na para bang may clue siyang nakita roon. "May dugo rin dito. Pati sa lupa, mayroon din."

Stars On Her ShoulderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon