STEFAN
ISANG MABIGAT na buntong-hininga ang pinakawalan ni Andres pagkatapos ng tawag niya kay Billie. Napasandal na lang ako sa aking swivel chair habang nakatitig sa kanya.
"Ayaw talagang sabihin ni Billie kung saan nakatira si Raffi. Ayaw raw talaga ipasabi, eh."
Simula nang malaman kong nandito na si Raffi sa Maynila, hindi ako tumigil sa paghahanap sa kanya. Katulong ko si Andres sa paghahanap na 'yon.
Una naming nilapitan ay si Billie. Mabuti na lang hindi pa ako kumukuha ng private investigator dahil sinabi raw sa kanya ni Raffi na siya ang pupunta sa akin. Alam na raw ni Raffi kung saan ako matatagpuan. Hintayin ko na lang daw na siya mismo ang magpakita sa akin.
Kaya ito, araw-araw ko siyang hinihintay kahit hindi ko alam kung kailan niya ako pupuntahan.
Bumalikwas si Andres sa kanyang inuupuan nang biglang tumunog ang kanyang cellphone para sa isang text. Tinuon ko na lang ang atensyon sa aking laptop para ipagpatuloy ang trabaho.
"Nagtext si Billie!" bulalas niya dahilan upang umangat ang tingin ko sa kanya. "Ang sabi niya'y ngayon daw pupunta si Raffi rito sa resort!"
Natigilan ako, hindi makapaniwala. Ngising-ngisi na si Andres ngayon habang ako'y naka-loading pa rin dahil sa sinabi niya.
"Magkikita na ulit kayo, Stefan! Ito na ang pinakahihintay mo!" natatawa niyang sinabi.
Doon lang nag-sink in sa akin ang lahat. Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa labi ko habang iniisip ang pagkikita namin ngayon ni Raffi.
Tumayo si Andres upang lapitan ako. Tinapik niya ang aking balikat bago sumandal sa gilid ng aking lamesa. "Mag-ready ka, ha! Magpa-guwapo ka. Aalis na ako dahil kailangan ko na bumalik ng Maynila. I-kumusta mo na lang ako kay Raffi."
Ngumiti ako. "Salamat, Andres."
Umayos siya ng tindig kaya napatayo na rin ako. Sasamahan ko siya hanggang sa labas upang ihatid.
Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa amin si Miss Patrice kasama si Alondra. Nakita ko kung paano binaba ni Miss Patrice ang kanyang kamao na akmang kakatok sana.
"S-Sir, good afternoon!" bati ni Miss Patrice.
Tumango lang ako bago binalingan si Alondra sa likod niya. May dala itong box ng cake. Kumaway pa ito sa akin habang nakangiti.
Ramdam kong sumulyap sa akin si Andres kaya napatingin ako sa kanya. Nainis lang ako nang makita ang nakaloloko niyang ngisi.
"Mauna na ako. Good luck!" bulong niya bago lumapit kay Alondra. "Nice to see you again, Miss Alondra."
"Nice to see you too, Andres."
Pag-alis ni Andres, nag paalam na rin si Miss Patrice upang ihatid ang aking kaibigan. Nang maiwan kami ni Alondra, agad siyang lumapit sa akin sabay kawit ng kamay sa aking braso.
"Nagdala ako ng cake for you bilang pasasalamat sa paghatid mo sa akin last week. Sorry kung late na kasi may work ako noong weekends."
Maingat akong humakbang palayo sa kanya kaya nabitawan niya ako. Kitang-kita ko ang paglaho ng ngiti sa kanyang labi kaya pinilit kong ngumiti.
"Thank you, Alondra, but you don't have to do this.." malumanay kong sambit. "Hindi ka na dapat nag-abala pang pumunta rito."
"Why? Because of your girlfriend? Akala ko ba understanding siya? Hindi naman niya siguro mamasamain ang ginagawa kong ito—"
"Did you come here with your fiancee?" Sumulyap ako sa likod niya at nagkunwaring may hinahanap.
Nabura ang ngiti sa labi niya. "He's not with me. Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na—"
BINABASA MO ANG
Stars On Her Shoulder
RomanceThe Wattys 2021 Winner | New Adult Stefan Carreon is a simple rich guy living in Manila. Gaya ng simpleng pamumuhay, simple lang din ang pangarap niya: ang makapagturo nang libre sa mga batang hirap mag-aral. What's the catch? Gusto niyang gawin ang...