Wakas

7.8K 361 97
                                    

RG: Hi! This is the last and final chapter. Thank you for reading Raffi and Stefan's painful yet heartwarming story. Kayo ang inspirasyon ko sa pagbuo ng istorya nila. Marami akong natutunan at sana kayo rin. See you in my next story!

RAFFIELLA

TOTOO NGA na kapag mag-isa ka na lang, doon ka nagkakaroon ng pagkakataon mag-isip. Kapag tahimik ang paligid, kusang lumalakbay sa kawalan ang iyong isipan. Maiisip mo ang mga bagay na dapat at hindi dapat ginawa. Mga pagkakataon na dapat hindi pinalagpas. Mga oras na dapat hindi sinayang.

Mga pangyayari na sana pinahalagahan mo. Sana sinulit mo. Sana ninamnam mo. Dahil hindi mo na maibabalik ang nakaraan. Hindi mo na mababago ang nangyari. Ang nakalipas ay tapos na. Ang nangyari kahapon ay hindi na puwedeng mangyari ngayon, o sa mga susunod na panahon.

Sa sobrang ingay ng isip ng tao, hindi nila agad ito malalaman. Ang ibang tao, bago pa makapag-isip nang matiwasay, ilalayo muna nila ang sarili sa magulong mundo. May mga nagbabakasyon, sumusubok ng ibang gawain, pansamantalang tumitigil sa trabaho, at marami pang iba.

Ako?

Tatlong taon akong namalagi sa loob ng madilim at malamig na selda bago ko naranasan ang katahimikan. Dito ko naisip ang mga bagay na dapat at hindi ko dapat ginawa. Mga pagkakataon na dapat hindi ko pinalagpas. Mga oras na dapat hindi ko sinayang.

"Sabi ko na nga ba dito lang kita makikita," tinig ni Joan.

Nakaupo ako ngayon sa malawak na hardin kung saan tuwing umaga'y ito ang nililinis namin. Pinapaligiran ito ng makapal at mataas na pader na sinamahan ng matutulis na alambre upang wala ni isa sa amin ang makatakas. May mga pulis din na nakatayo sa bawat sulok upang magbantay.

"Bakit ayaw mo pa pumasok? Buti pinayagan ka ng mga pulis tumambay rito?" aniya pa.

Si Joan ang naging kaibigan ko rito sa loob ng kulungan. Ang sabi niya, dito na raw siya tatanda. 40 years pa kasi ang hihintayin niya bago siya makalaya.

"Nakiusap lang ako. Hindi kasi ako makatulog," sabi ko bago yakapin ang aking mga binti. Malamig ang simoy ng hangin kaya medyo giniginaw ako.

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Niyakap din niya ang kanyang mga binti habang tinatanaw sa makikinang na bituin sa langit.

"Iniisip mo pa rin ba ang outside world?" tanong niya.

Ngumiti lang ako.

Sa tuwing naiisip ko ang mundo sa labas, naaalala ko ang mga nangyari bago ako mapunta rito sa loob ng kulungan...

"Alarcon..." bungad ko nang sagutin ni Nico Alarcon ang tawag. "Kasama mo pa rin ba hanggang ngayon ang pamilya ni Rene?"

Pagkatapos itaas ni President Henrik Gascon ang posisyon ko, mas lumawak ang mga kaya kong gawin. May access ako sa mga pribadong file na hindi ko nakikita noon. Lahat din ng pribilehiyo ng mga matataas na sundalo ay natatamasa ko. 

At higit sa lahat, nagagawa kong bawasan ang trabaho ko at ipasa ito sa iba para makapag-concentrate ako sa misyon na binigay sa akin ng presidente. 

Iyon ang pangunahing dahilan kung bakit nilipat niya ako sa mas mataas na ranggo. Alam kong mali ngunit nawalan na ako ng pakialam doon. Ang tanging nasa isip ko na lang ay matapos na ang gulong ito.

"Binabantayan ko pa rin sila hanggang ngayon, Ma'am Raffi. Bakit, may problema po ba?"

"Kaya mo ba silang dalhin ngayon dito sa Maynila?"

"Hindi po kami pinapaalis dito ni General Gregory Lizardo dahil hanggang ngayo'y hinahanap pa rin namin ang mga nawawala naming kasama."

Pumikit ako nang mariin. Hindi puwedeng mabulilyaso ang mga plano ko. Kailangan kong malaman kung sino ang mga sundalong naninira sa presidente sa lalong madaling panahon.

Stars On Her ShoulderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon