BRATTY 10

644 20 0
                                    

Weeks passed and good and not-so-good  things happened. Our company in Switzerland was now building up again, said by Dad. Carl keeps asking for his second chance while DJ continued being in my side as my affection grow bigger.

Kahit walang kasiguraduhan, ikaw pa rin, sa'yo pa rin ako. That stays at my mind because I don't know if he's just joking or some trippings but I don't care anymore as long as he's by my side. For the first time in my life, I learned how to be contented.

Sa ilang linggong lumipas, nasanay na ako sa presensya ni DJ. Saulo ko na rin halos lahat ng ginagawa niya pagdating sa akin. Sa umaga ay inihahatid niya ako sa aking opisina, sa tanghali ay sabay kaming kumakain at sa gabi ay sinusundo niya rin ako at idinadaan sa paborito kong restaurant na pagmamay-ari niya. Minsan sa hapon ay pinapadalhan niya rin ako ng kape at cake o kaya naman ay sandwich.

1 week na siyang nangungulit para sa isang araw na date namin pero dahil masyadong mataas ang pagmamalaki ko, nirereject ko siya. But still, he was so consistent. Hindi niya raw ako titigilan hanggang sa mapapayag niya ako tulad ngayon.

"Date tayo, milady." Biglang sabi niya habang nakaupo sa couch sa opisina ko. Hindi na ako nagulat nang iopen up niya ang topic na iyon dahil halos araw-araw na naman niyang ginagawa iyon. Minsan pa nga ay maya't maya niya talagang binabanggit iyon kahit kumakain kami.

"When?" I asked him as I typed something. Kita ko sa peripheral vision ko kung paano siya nagugulat na lumingon. Parang hindi siya makapaniwala na tinatanong ko kung kailan magaganap ang 'date' na gusto niya.

"Later. Pwede ka?" Hanggang ngayon ay tila namamangha pa rin siya.

"What time ba?"

"7 or 8? Or in your free time." He answered. Now, he's more calm.

"8 then. Where are we going to see each other?"

"Seriously? I'll send you home after your office hours then I'll prepare something in my villa then after that, I will fetch you." He plotted.

"Uh, okay." I agreed as he stood. I looked up to him and questioned him.

"Where are you going?"

"I'll buy you a coffee and snack."

"Coffee na lang. Busog pa ako." I informed him and he nodded.

"I'll be quick."

As stated, he's really quick. Nang bumalik siya ay may dala na siyang kape at ice cream na nasa cup. Sa hula ko ay avocado flavored 'yun. I noticed that it is his favorite flavor of ice cream. Hindi rin siya mahilig sa kape.

"Don't you have work, DJ?" For the past few weeks, he's always here in my office. Maging si Katherine na sekretarya ko ay nasanay na sa presensya niya.

"I have work but I was able to finish it in just 3-4 hours."

Pinagpatuloy ko na lang ang trabaho ko matapos niyang sagutin ang tanong ko. Mayamaya lang ay lumapit siya sa akin at ang paminsan-minsan kong pinapaikot na swivel chair ay ipinirmi niya habang nasa likod ko siya.

"What do you need?" I asked as my heart beats irregularly. I always went crazy in his just mere pressence.

"I know that you're already tired. Let me take care of you, milady." He softly said and started massaging my temple. And I was calmed, pakiramdam ko ay natanggal ang pagod ko dahil lang sa simpleng paghawak niya. Nababaliw na ako.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko habang hinayaan ko naman si DJ na masahihin ako. Napatigil lang ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa buhok ko. Tatlong beses niyang inulit iyon bago niya ulit ako minasahe. Tumikhim ako at saka ibinalik sa trabaho ang focus ko.

CHASED BY MY EX'S BROTHER✅Where stories live. Discover now