1 week after, we became more intimate. I'm scared that I am now fond of him but the feeling was too much that I can't stop it anymore. We are often together and with him, I have the serendipity that I never felt before.
"Ano pa bang gusto mong gawin ko, Lili?" Ang tinig ni Carl ang narinig ko nang makarating ako sa sala. Kailanman ay hindi niya ako tinigilan. Walang araw na hindi siya nangulit.
"Wala."
"Ibig bang sabihin niyan tinatanggap---"
"Tumigil ka na, Carl."
"Ayoko, Lili. Ikaw lang ang mahal ko."
"I don't love you, then. Kung may gusto ako sa isa sa mga Andrameda, it's DJ." Matapang na saad ko, diretso rin ang tingin ko sa mga mata niya.
"Interesado lang siya sa'yo, Lili, pero hindi ka niya mahal." Sarkastiko ang tingin niya at ang tono ng boses niya ay tila iniinsulto ako. Dahil sa kasiguraduhan na bakas sa boses niya ay hindi ko maiwasan na maapektuhan. Nasasaktan ako. First time kong naramdaman ito.
"I don't care, Carl. Hindi ako naghihintay ng kapalit." Bukal sa puso na ganti ko sa kanya. I even smiled at him with sincerity.
"Pagsisisihan mo 'to, Lili. Dapat ako ang pinili mo."
"You don't have the right to say who I should choose. For me, I only have one choice and that's him."
"Hindi mo ako naiintindihan."
"No. Ako ang hindi mo naiintindihan. 'Wag mo na ulit akong guluhin, wala kang mapapala." I said before walking away. Ganoon man ang sinabi ko sa kanya ay hindi siya tumigil. Pinapadalhan niya pa rin ako ng messages na ni minsan ay hindi ko naman pinagabalahang buksan at replyan.
Sa trabaho ay pinilit kong maging focused at hindi ko hinayaan na maapektuhan at masira ako ng mga salitang binitawan ni Carl. Ano naman kung interesado lang siya sa akin? Ayos lang 'yon. Atleast I had the time that he cares for me. That's enough for me. And if ever, I will not let him go. I will have him because I want him.
"I was hated because of my bratty attitude but I will always love it, fools." I whispered to myself. What now if they hate me? As long as I got my happiness, I don't care. I don't care if they think that I am a monster. I love myself more than their words. I don't need their praises and satisfaction.
When the clock strikes 12 in the afternoon, I stood up and fix myself. Ganitong oras talaga pumupunta si DJ sa akin. Parang schedule niya na ito kaya natandaan ko na rin.
Napakunot ang noo ko nang sampung minuto na ang lumipas ay wala pa ito. I checked my phone and was about to call him but a text message popped in my screen. It was sent by him.
DJ:
I can't come today. I'm sorry, milady. I have an urgent meeting. I am really sorry. To make it up to you, I'll fetch you later and let's have a simple date in my villa. I will spoil you there. I miss you.
Hindi ko mabilang kung ilang minuto akong nakatulala sa text message niya. Lalong lalo na sa huling phrase na naroon. Ang puso ko ay tila na naman nakikipagkarerahan dahil sa bilis ng pintig nito.
Pakiramdam ko ay dahil lang sa nabasa ko ay nabuo na ulit ang araw ko at gusto ko na agad na matapos ang lahat ng gagawin ko nang sa ganoon ay makita ko na ulit siya.
"Am I being too clingy?" I asked myself but later on ignore it. Sa isang malapit na restaurant na lang ako kumain dahil gusto ko ay makabalik na agad ako sa opisina at magtrabaho nang magtrabaho nng sa gano'n ay madaling matapos ang araw na ito. I am damn thrilled!
Light meal na lang din ang kinain ko kahit lunch time na. Mas madaling matapos iyon kaysa heavy meal.
Tulad ng plano ko sa aking isip, nang matapos akong kumain ay madali kong binayaran ang naorder kong foods at pagdating sa office ay ganado kong ginawa ang trabaho ko. Para akong tanga na nakangiti habang nagbabasa at nagttype ako. Parang akong nakalutang dahil sa nararamdaman ko.
YOU ARE READING
CHASED BY MY EX'S BROTHER✅
Romance|COMPLETED 2021| Liyhen Natasha, a sassy and savage girl was cheated on. With her rage on, she wanted to revenge but with this strange man who suddenly came in her life, her rage became blurry. This man turns out her ex's brother, can he make her ra...