BRATTY 21

438 18 0
                                    

"Miss Lili, sigurado na po ba kayong bibilhin niyo ang shares ni Miss Ella Concepcion? 43% of shares na po kasi ang hawak niyo as of now at ang kay Miss Ella po ay 5.8% lang. Kaya naman po pati ang owner ng company kaya hindi niyo na po kailangang bilihin pa ang shares niya." Maingay na pagpapaliwanag ni Katherine sa akin na tila ba ignorante ako sa mga sinasabi niya.

"Do I look like I don't know that?"

"Ah, e' hindi po."

"Then, what's the point of spitting that?"

"Sabi ko nga, Miss, titigil na ako."

"No more talk just buy her shares and then done." I stated before storming out of her place.

Tambak pa ang trabaho ko pero tinatamad pa ako kaya pumunta na lang ako sa restaurant ni DJ habang siya naman ay nasa isang business trip papuntang Cebu.

Pagkatapos kong magkape roon ng ilang beses ay balik na naman ako sa opisina. Still not feeling energized, I chose to just sleep in my couch here. I feel like I am drained and so tired. I wanna rest all day, mabuti pa ay hindi na lang sana ako pumasok ngayong araw at nanatili na lang ako sa kwarto buong araw at magdamag dahil wala rin naman akong ganang kumain.

Nagising na lang ako nang mag-ingay ang cellphone ko, senyales na may tumatawag. Nakapikit kong kinuha ang phone konat inis na sinagot ang tawag na iyon. Pang-abala.

"What?" Bakas ang inis sa boses konat halata rin na kagigising ko lang dahil bahagyang namamaos pa ako.

"Chill, ang init ng ulo mo ah. Nawala lang ako, badtrip ka na agad." He teased me together with his smirk.

"Tss. Ano bang kailangan mo?"

"Ikaw. Kaya mo bang ibigay?"

"Tumawag ka ba para lang asarin ako?"

"Syempre hindi. Miss na kita, Gusto ko na agad umuwi." Problemadong aniya.

"Anong magagawa ko?" Irap ko naman sa kanya.

"Sir, your meeting will be on 5 minutes after." Isang mahinhing boses ng babae ang narinig ko.

"Okay, Chi. I'll be coming, thanks."

"Alright, Sir Dos. We'll be waiting there." 'Yon ang huli kong narinig bago ko narinig na sumara ang pinto. Ayos ah, ang lalambing ng boses.

Sa inis ko ay walang sabi kong pinutol ang tawag at ini-off ang phone ko. Kainis. Basta ko na lang na inilapag ang phone ko bago ulit ako natulog. Nagising na lang ako nang pumasok si Katherine sa office ko. Sa ingay ng heels niya ay agad tuloy ako naalimpungatan.

"What is it, Katherine?" Inip na tanong ko.

"Sabihin ko lang po na nabili ko na ang shares ni Miss Ella. Natutulog po kayo?"

"Nakapikit ba ako?"

"Hindi po. Alis na po ako, Miss."

Nang makaalis siya ay imbes na magsimula akong magtrabaho ay natulog na lang ulit ako. 

Nagising na lang ako nang may maramdaman akong presensya sa tabi ko. Nagmulat ako ng mata at diretsong napatingin sa gilid ko. Nagulat ako nang makita ang mukha ni DJ na nakahilig sa kanyang braso at mahimbing na natutulog at ang isang kamay niya ay hawak ang kamay ko.

Hindi ko inalis ang kamay ko sa kanya pero marahan ko siyang hinaplos sa kanyang braso para gisingin ito dahil ako ang nahihirapan sa kanyang pwesto.

"Baby, you're turning me on..." Namamaos at mahinang sabi niya sa akin. Napatigil tuloy ako at sabay noon ay ang pamumula ng pisngi ko.

"D-Doon ka na sa couch so you can rest well." Hindi makatinging sabi ko sa kanya.

CHASED BY MY EX'S BROTHER✅Where stories live. Discover now