BRATTY 19

429 16 0
                                    

Ilang araw na simula nang makabalik ang magulang ni DJ. Simula nang malaman ni Tita Lisa ang tungkol sa amin ay palagi niya na kaming pinagmamasdan at sabay noon ay ang mapanukso niyang tingin. Maging si Tito Mark ay napapansin kong inoobserbahan din kami kaya paminsan-minsan ay nililimitahan ko ang kilos ko dahil nahihiya ako sa kanila tulad ngayon na nasa hapag kami para sa almusal.

Panay ang tingin sa amin ng mag-asawa habang pilit akong ipinagsasandok ni DJ. Kanina ay pinipigilan ko siya pero hindi talaga siya nagpapapigil. Maging si Carl ay ramdam kong nakatingin din sa amin.

"Ako na lang, DJ. Kaya ko naman na 'yan."

"Gusto ko, milady. Don't mind me." Tanging sagot niya pero nahihiya na talaga ako kina Tito at Tita.

"Nahihiya ako, DJ. Kanina pa silang tingin nang tingin." I even pouted in front of him.

"Hmm, hindi ka na dapat mahiya. You should know that you're now part of this family." He softly said with a sweet smile.

"Pero---"

"Shh, kain na." He cutted me off. Napatungo na lang tuloy ako sa pagkaing inilagay niya sa pagkain ko.

"Tsh!" Singhal na sabi ni Carl saka padabog na inilapag ang kutsara sa pinggan niya bago umalis sa kusina.

Nagtataka ang tingin nina Tito Mark at Tita Lisa sa umalis na si Carl habang si DJ naman ay diretso lang sa kanyang ginagawa.

"Dos, do Carl have problem or something?" Tanong sa kanya ng kanyang ama.

"I don't know, Dad. Maybe." Kibit balikat niya lang.

Naging tahimik na lang ang naging pagsasalo-salo namin matapos ang pagtatanong ni Tito Mark kay DJ. Tita Lisa seems bothered too. Linggo ngayon kaya pagkatapos naming kumain ay nasa bahay lang din kami.

Si Tito Mark naman ay umalis at nagpaalam na magba-basketball daw muna siya kasama ang kanyang mga kaibigan. Inaya nga nito si DJ pero tinanggihan siya ni DJ. Si Carl ay hindi pa muli bumabalik simula nang siya ay umalis pero nagpadala naman ito ng text message kay Tita Lisa na nasa restaurant siya at doon na lang mag-aalmusal kaya naman nabawasan na ang pag-aalala ni Tita Lisa sa bunso niyang anak.

Tumambay lang kami ni DJ sa garden nila habang ako ay may binabasang work-related files. Siya naman ay nakaunan sa hita ko at may binabasang novel book.

Nang matapos siya sa pagbabasa ay mukha ko naman ang tinitigan niya kaya hindi na rin ako nakapagfocus sa binabasa ko. Isinarado ko na lang ang laptop ko at binaling sa kanya ang atensyon ko. Marahan kong sinusuklay ang buhok niya at paminsan-minsang pinaglalaruan iyon. Ang libreng kamay ko ay hawak niya, kapantay iyon ng ulo niya.

"Alam kong maganda ako, DJ pero 'wag mo namang ikapahalata na gandang-ganda ka sa akin." I bragged and rolled my eyes to hide my wildly beating heart. 

"Yabang ah. Palibhasa alam mong hindi ko itatanggi." We both chuckled as he tucked my hair behind my ear.

"Hayaan mo na, gwapo ka naman." I said.

"Alam ko, milady. Marami na ang nagsabi n'yan sa akin pero bakit iba yung dating 'pag ikaw ang nagsabi? Gusto tuloy kitang halikan." He chuckled. Bahagya kong tinampal ang labi niya.

"Ang lame ng excuses mo." Saway ko sa kanya pero tinawanan niya lang naman ulit ako.

"Excuse lang, love birds." Ang boses ni Tita Lisa ang nagpatigil sa amin ni DJ. Malaki ang ngiti niya sa amin habang lumalapit sa aming dalawa.

"Ano po 'yon, Tita?" Tanong ko naman sa bagong dating. Nagtatanong din ang tingin ni DJ sa kanyang Ina.

"Dos, pakibili naman nitong mga inilista ko. Magluluto ako ng masarap na tanghalian." Kinindatan pa niya kami habang iniaabot kay DJ ang listahan niya. Madaling inabot iyon ni DJ saka tinupi bago inilagay sa back pocket niya.

CHASED BY MY EX'S BROTHER✅Where stories live. Discover now