Isang linggo ang lumipas at paulit-ulit lang ang nangyayari pero lahat ay masaya ang mga araw na 'yon. Successful na si Dad sa pagbawi ng nalugi sa aming company sa Switzerland kaya alam ko na malapit na rin siyang umuwi.
Isang imbitasyon naman ang dumating sa amin noong Biyernes para sa isang businessmen and women's party. Well, taon-taon naman kaming mayroong ganoon kaya hindi na iba 'yon sa akin. Ang pinagkaiba nga lang, ngayon ay mag isasama akong date ko. Noon kasi ay ayoko talagang nagsasama ng lalaki.
Nang malaman 'yon ni DJ ay mas excited pa siya sa akin kaya imbes na bukas pa kami mamimili ng isusuot namin bukas ng gabi ay inaya niya na ako ngayon. Gusto ko sanang magpagawa kay Ms. Alexandra De Jesus ng isusuot namin ni DJ pero wala na namang oras kaya hindi na ako tumawag sa kanya.
Gustong-gusto ko pa namang magpatahi sa kanya dahil balita ko ay magaling din siya. Sikat na sikat siya sa industriya kaya naman gusto ko sana siyang makilala.
Napagdesisyunan namin ni DJ na sa isang boutique na lang kami mamimili ngayon. Kanina niya pa akong tinatawag pero hanggang ngayon ay hindi pa ako bihis. Nakailang palit na ako ng damit pero laging ang palagay ko ay hindi bagay sa akin ang suot ko kaya nagpapalit na lang ulit ako.
Inis na inis na ako dahil maya't-maya ang katok ni DJ sa pintuan kaya mas lalo akong hindi makapili sa mga damit kong inilabas kaya ang ginawa ko na lang ay pumikit ako at randomly ay kumuha ako ng damit. Isang criss-cross back strap na sleeveless ang nakuha ko at pinaresan ko naman iyon ng skinny jeans at flat sandals. Nakatuck-in ang pang itaas ko at hindi na ako nag-abalang puyudin ang buhok ko.
Pagkabukas ko ng pinto ay ang bouquet ng orange tulips ang sumalubong sa aking mukha, nagulat ako roon.
"Holy heavens, DJ!" He chuckled upon seeing my reaction.
Inirapan ko pa muna siya bago ko siya pinagmasdan. Isang simpleng round-neck shirt at slim fit jeans lang ang suot niya pero bagay na bagay pa rin iyon sa kanya. Sigurado ako hindi na naman siya tatantanan ng tingin ng mga babae sa labas.
"Bakit mukhang bad trip ka? Naba-bad trip ka ba sa kagwapuhan ko?" Mayabang at nakangisi niyang tanong sa akin.
"Hindi ako aware na may bagong brand na ngayon ang mga electric fan: Dos Jamien Andrameda. Hmm, effective naman siya. Masyadong mahangin." Pang-aalaska ko sa kanya bago ako naunang naglakad.
"Hindi naman ako mahangin ah. I was just telling truths. You know, I am really a definition of handsome slash most gorgeous man."
"Hindi rin ako aware na ikaw na lang ang natitirang lalaki sa mundo."
"Wow, napakasupportive naman ng girlfriend ko. Pakiss nga." Sabi niya mula sa aking likod. Halos mapasigaw ako nang yakapin niya ako mula sa likuran bago ako hinila papunta sa kanya. Mabilis niya akong hinalikan sa pisngi.
"DJ! Baka makita nila tayo." Nagbabantang bulong ko sa kanya saka bahagyang sinapak ang tiyan niya.
"Oh tapos? Ano naman? Kaya ko pa ngang gawin 'to kahit nasa harap natin sila." Mabilis na naman niya akong nahalikan sa pisngi.
"Then this." He swiftly landed his lips on mine.
"Aish, ang kulit. Bahala ka nga d'yan." I hissed. Pinangunahan ko ulit siya sa paglalakad at nauna tuloy akong makasakay sa kotse.
Nang makalapit na siya ay kinatok niya ang bintana kaya madali kong binuksan iyon habang kunot ang noo niya. Ano bang kailangan ng lalaking 'to?
"What?" Masungit na tanong ko.
"Baba ka."
"Bakit ba?"
"Ikaw kasi hindi mo ako hinihintay. Baba na, ipagbubukas kita ng pintuan, milady." Nginitian pa niya ako.
YOU ARE READING
CHASED BY MY EX'S BROTHER✅
Romance|COMPLETED 2021| Liyhen Natasha, a sassy and savage girl was cheated on. With her rage on, she wanted to revenge but with this strange man who suddenly came in her life, her rage became blurry. This man turns out her ex's brother, can he make her ra...