BRATTY 17

454 18 0
                                    

"One more try to touch my boyfriend and I'll shoot your fingers one by one, Ella Concepcion!" Dahil sa panggagalaiti ko ay hindi ko na inintindi ang nasa paligid. Anong pakialam ko sa kanila?

Mabagal lang pero mabigat ang bawat hakbang ko. Ang walang emosyon kong mata ay nakatutok lamang sa babaeng kinaiinisan ko. May pagtataka sa kanyang mga mata pero I don't give a shitty fuck for this woman.

Nang makalapit ako ay saka pa lang ito nakabawi mula sa gulat at pagtataka.

"Boyfriend who?" Maarteng tanong nito at hindi ko napigilan ang pag-ikot ng mga mata ko sa kanya.

"This man beside me, you idiot." Simpleng saad ko. Rinig ko ang singhapan sa paligid. Mula pa kanina ay alam kong tutok na ang atensyon nila sa amin.

"Nagj-joke ka ba?" Nangingising tanong niya sa akin. Tanga talaga. Ngumisi rin ako sa kanya.

"Do I look like  a clown here? Hindi naman ako ikaw."

"You're crazy." Tanging naisagot niya sa akin.

"Don't call milady crazy. I already told you not to touch me because look, my girl just caught you. She's possessive of me." Malaki ang ngiti na pagmamalaki niya. Nilingon ko siya at pinagtaasan ng isang kilay.

"What? Galit ka rin sa akin? Hindi ko siya nilandi ah. Ikaw lang ang nilalandi ko." Kinindatan niya ako.

"I can't believe this." Mahinang saad ni Ella habang hindi makapaniwalang nakatingin sa aming dalawa ni DJ.

"Hindi ko naman sinabing maniwala ka." Irap ko naman sa kanya bago ako tumalikod at naglakad paalis.

"Wait up, milady!" Sigaw ni DJ mula sa likuran ko. Nang makalapit siya ay agad na pumulupot ang kanyang braso sa aking bewang.

Pasipol-sipol pa siya habang naglalakad kami at ang lahat ng makakasalubong namin ay binabati niya nang nakangiti.

"Ang ingay mo." Saway ko rito.

"What? Ang saya ko kaya ngayon." Malawak pa rin ang ngiti niyang sagot sa akin.

"Walang may pake." Pangsasarkastiko ko naman sa kanya.

"Hindi mo ba itatanong kung bakit?" Bahagya niya pa akong binalingan ng tingin. Hindi pa rin nawawala ang ngisi niya.

"Ang sabi ko, walang may pake."

"Bahala ka, ayaw mong malaman eh." He chuckled.

Medyo tambak ang paper works ko ngayon pero alam ko namang kaya kong tapusin lahat 'yon ngayon ding araw na 'to. Ang tanging kinakatamaran ko lang naman ay ang pagbabasa. Kalimitang signature ko lang naman ang kailangan but still, I want to make sure. I want to polish everything.

Nang mangalay ako sa katutungo para magbasa ay sinandal ko ang ulo ko sa dulo ng backrest saka ko itinaas ang papel para mabasa ko pa rin ang mga 'yon. Dahil tinutukan kong mabuti ay hindi ko na namalayan na nasa likod ko na si DJ. Agad na dumapo ang kamay niya sa magkabilang balikat ko. Kinuha niya rin ang papel na binabasa ko kaya tuluyan akong napatingin sa kanya.

"Magpahinga ka muna, ako na d'yan. Babasahin ko then I'll summarize it for you. Magbibigay na rin ako ng feedbacks para mas madali na ang gagawin mo." He instructed.

"No need. Kaya ko naman."

"Nah-ah. Let's go to the couch and rest." Pagpupumilit niya. Tinulungan niya akong makatayo saka dinala sa couch. Nang makaupo ako ay binalikan niya ang mga papel at ipinatong iyon sa lamesang katapat ng couch.

Nang makaupo rin siya ay tinapik niya ang hita niya na tila ba inaaya akong ipatong doon ang ulo ko.

"Higa." He demanded.

CHASED BY MY EX'S BROTHER✅Where stories live. Discover now