Halos tamarin ulit akong magtrabaho nang makita ko kung gaano katambak ang trabaho ko. Isang araw lang akong hindi nakapasok pero tambak na tambak na agad ang dapat kong gawin.
Kakasimula ko pa lang nang tumunog ang phone ko dahil may nagtext. Nang makitang si DJ iyon ay mabilis kong binuksan ang mensahe niya.
DJ:
Good morning, milady. I hope that you're having a great start right now. I'll be busy because I have loads of works to do. I think, I can't come today. Let's just catch up tomorrow.
Your boyfriend, DJ.
I smiled while reading the last phrase though I'm kind of sad because he can't come. I understand tho, we're in the same boat right now.
I sent him a short reply before starting to work again. Hindi ko na inalis ang mata ko sa laptop ko at mga paperworks na nasa mesa ko. Papalit-palit lang ako nang ginagawa, kapag pagod na akong pumirma ay sa laptop naman ang atensyon ko.
Wala akong tigil sa pagttrabaho kaya naman nang mag-alas dos ay exhausted na ako. Hindi ko na rin ramdam ang gutom ko dahil nalipasan na ako. Tanging french fries lang naman ang kinain ko kanina na pinaorder ko pa kay Kath. Tapos ko na ang trabaho ko kaya pwede na akong mamahinga.
Kinontak ko si Kath at kaagad naman niyang sinagot ang tawag ko.
"Coffee and burger. ASAP." Tanging sabi ko bago ko pinutol ang tawag.
Pagod na pagod ako at ngalay ang katawan ko kaya nanatili akong nakasandal at nakatingala sa ceiling.
Nakakatulog na ako nang biglang pumasok si Kath dala ang pinaoorder ko. May inilapag din siyang pill sa table ko kaya nagtatanong ko siyang tiningala.
"Gamot sa sakit ng ulo, Miss. Alam kong pilit niyo na namang tinapos ang tambak niyong trabaho."
"Okay, thanks."
"Magpahinga po muna kayo, ako na po ang bahala sa maghahanap sa inyo."
"Alright." Tinanguan niya lang ako bago siya umalis sa opisina ko.
Pagkatapos kong ubusin ang dala niya ay ininom ko na rin ang dala niyang gamot. Dahil na rin sa pagod ay doon na rin ako nakatulog sa swivel chair ko.
Matagal akong nakatulog bago ako nagising na nasa couch na ako. Inilibot ko ang tingin ko pero wala naman akong nakitang tao. Nang natapat ang paningin ko sa mesang nasa harap ko ay nakita ko ang dalawang lunch box at bottle na sobrang pamilyar.
Nang buksan ko ang lunch box ay complete meal course ang naroon habang ang isa pa ay 2 pieces of healthy sandwich ang nakalagay. Tulad ng inaasahan, kape ang laman ng bote. Noon ko lang napansin na may card na kasama ang mga iyon. The card says:
I can't stay longer so I'll just write here what I want to say. I told you to take care of yourself but what I saw was a definitely opposite of it and I hate that. Yes, I'm scolding you. Eat your lunch meal and merienda. See you tomorrow. I miss you.
-Your boyfriend.
All my stress and tiredness just vanished after I read his message. He can really melt a stone, I guess. He seems like my drug. Suddenly, my dull day became as bright as sun.
Hindi pa man ako nakakatayo ay tumunog na ang phone ko. Gwen is calling, madali kong sinagot ang tawag niya.
"What?" I asked her.
"Nasa labas ako, gaga. Pa-special ka pa, ayaw akong papasukin ng secretary mo." Sumbat niya sa akin.
"Oh, nagpahinga ako kanina. Tell her that I gave you the permission."
YOU ARE READING
CHASED BY MY EX'S BROTHER✅
Romance|COMPLETED 2021| Liyhen Natasha, a sassy and savage girl was cheated on. With her rage on, she wanted to revenge but with this strange man who suddenly came in her life, her rage became blurry. This man turns out her ex's brother, can he make her ra...