1 week had passed and nothing changed, patuloy lang ang pagsunod sa akin ni DJ habang hindi ko na alam kung nasaang lupalop na napunta ang dati kong sekretarya.
"Pwede ba? Kaya kong dalhin ang bag ko!" Singhal ko sa kanya nang tangkain niya kuhain ang bag ko sa aking kamay.
"O-Okay." Napatikhim siya.
"Nagbreakfast ka na ba?" He asked but I didn't answer him.
Dumiretso ako sa opisina ko at kahit alam kong nakasunod siya sa akin ay pinagsaraduhan ko pa rin siya ng pinto. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako nilulubayan. Hindi ko siya pinakikitunguhan ng maganda pero heto siya at parang aso na sumusunod sa akin.
Maya-maya lang din naman ay bumukas na ang pinto at diretsong pumasok ito. Hindi ko na pinag-abalahan pang lingunin siya.
"May ipapagawa ka ba?" Tanong niya na naman. Umasta lang akong walang nagrinig at pinagpatuloy ang pagtitipa.
"I guess that's 'nothing'." He added before turning his back to me. I actually feel bad too but I can't just forget what he did and forgive him.
Napabuntong hininga na lang ako nang makalabas siya sa aking opisina. It felt heavy, darn it. I missed our bond together but what can I do? Ni hindi pa man lang siya humihingi ng tawad sa akin at narito siya na parang walang kasalanan na ginawa sa akin.
Napadako ang tingin ko sa bouquet ng bulaklak, ibinibigay niya iyon sa akin kanina pero hindi ko tinanggap. Ilang araw na rin na laging ganoon pero sa huli ay lagi niya pa ring iniiwan sa akin.
Napatingin ulit ako sa pinto nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Ngayon ay dala na niya ang laptop niya.
"I'll stay here, milady. Just tell me if you need something." He informed me.
Buong maghapon ko siyang halos hindi pinapansin at iniimikan ko lamang siya kapag may kailangan ako. Agad din naman siyang sumusunod. Noong hapon ay inihatid niya ako papunta sa bahay. I didn't let him in to my car kaya ang ginawa niya ay sinundan niya na lang ako. Nag-aalala raw siya dahil ang bilis kong magpatakbo.
Diretso lang naman ako sa ginagawa ko na tila walang nakasunod sa akin. Nang makarating sa bahay ay sa kwarto rin agad ako dumiretso. Tinanaw ko siya mula sa bintana.
"Hindi mo naman pala kayang tiisin." Napatalon ako dahil sa biglang pagsasalita ni Dad na nakamasid pala sa akin sa likod.
"Dad! Hindi siya ang tinitingnan ko, tinitingnan ko lang kung may possibility na uulan ngayon." Depensa ko agad saka ko siya inirapan at pabagsak na nahiga sa aking kama.
"Anak, kausapin mo nga ako. 'Yung maayos."
"Maayos naman akong kausap ah, tsk." Tinatamad na sabi ko.
"Alam kong mahal mo ang batang 'yon kaya bakit hindi mo kausapin?--"
"Dad, ayokong pag-usapan 'yan, please. Magpapahinga na lang ako." Putol ko agad sa sasabihin niya dahil alam na alam ko naman kung saan patutungo ang usapan naming dalawa.
"Paano niyo maaayos 'yan kung magmamatigas ka? Hindi mo ba nakikita ang pagtitiyaga niya? Kung talagang hindi ka niya pinahahalagahan ay tiyak na unang araw pa lang ay titigil na siya."
"Dad, ano ba?---"
"No, Lili. This time, you should listen to me. I'm doing it for your own good." Natahimik ako dahil sa sinabi niya.
"Anak, sa isang relasyon, talagang magkakaroon kayo ng tampuhan at away o 'di kaya naman ay iyong hindi pagkakaunawaan pero kailanman, hindi magiging solusyon ang pagmamatigas ng isang parte. Magpakumbaba ka dapat at pakinggan mo ang explanation ng partner mo, hindi lahat ng hinala ay tama. Kung nahihirapan ka, nahihirapan din siya."
YOU ARE READING
CHASED BY MY EX'S BROTHER✅
Romance|COMPLETED 2021| Liyhen Natasha, a sassy and savage girl was cheated on. With her rage on, she wanted to revenge but with this strange man who suddenly came in her life, her rage became blurry. This man turns out her ex's brother, can he make her ra...