BRATTY 26

418 15 0
                                    

"Anak, may problema ba kayo ni Dos?" Dad asked while we're eating our breakfast food.

"Wala, Dad. Why? Are you two seeing each other?" I asked back.

"No but I just noticed that he's not following you around. Oh, maybe he's just really busy. All of business men are." Hindi na ako nag-abalang sumagot pa.

Sa ilang linggong nakalipas ay panay ang text at tawag niya sa akin pero hindi ko iyon binuksan at sinagot. Ang sabi sa akin ni Katherine ay ilang beses itong nagpabalik-balik sa company pero hindi niya ito pinapasok dahil sa utos ko. Hindi rin ako sa bahay umuuwi, gabi-gabi ay sa hotel ako natutulog.

I'm anticipating for his pressence but everytime I'll remember that scene in my head, all I can feel is grudge.

"I'll be going. Take care of yourself." Paalam ko kay Dad after I ate my food.

"Yeah, you too. Saan ka na naman matutulog mamaya?"

"I don't know but definitely not here."

"Why not here? May tinatakasan ka ba?" Nanunuri niyang tanong sa akin.

"Wala. I just want to."

"Really? Baka mamaya ay kung ano na namang kabulastugan ang ginawa mo?"

"Wala nga. Kung ayaw mong maniwala then hire an investigator tulad nang lagi mong ginagawa dati." Irap ko na lang saka ako umalis sa bahay.

Sa ilang araw kong pagfofocus sa trabaho ay lalong mas naging mainitin ang ulo ko. Ni wala man lang makapagpasa ng maayos na paperwork sa akin. Madalas pa silang palpak kaya naman agad ko rin silang pinapatalsik. Hindi ko kailangan ng ganoong klaseng empleyado.

"Miss Lili, wala pa po akong nahahanap na kapalit ni Irish." Katherine reported. Ibinaba ko ang hawak kong pen saka ko siya hinarap.

"So what? Ako pa ba ang gagawa ng paraan?"

"Hindi po, Miss. Pinapaalam ko lang po dahil mukhang mahihirapan po tayo sa paghahanap ng bago. Kadalasan po kasi ay mga intern ang nag-aapply."

"Interview them then if they have the potential, let them in. Kapag nagustuhan ko ang performance nila, they'll be permanent here."

"Okay, Miss. Pasisimulan ko rin po agad ang interview."

Napabuntong hininga ako habang tinitingnan ang ginagawa kong presentation kanina lang.

"Argh, ang pangit. Nakakainis!" I frustratedly sigh.

"Chill, mare. Agang-aga ang init ng ulo mo ah." Biglang sulpot naman ni Gwen sa opisina ko.

"What do you need?" Pairap na tanong ko sa kanya.

"Ay, grabe. Ang taray, 'pag pinuntahan ka may kailangan agad? Hindi ba pwedeng dahil nakakasawa na ang paligid ko kaya dito muna ako?"

"Daldal mo. Hindi park ang opisina ko."

"Ba't ba ang taray mo? Eto oh, dinalhan kita ng kape. Pampalamig ng ulo mong bruha ka." Inabot niya sa akin ang isang long brown papercup.

Nang makita ko iyon ay iisang tao lang agad ang naalala ko kaya lalong nangunot ang noo ko.

"Ayoko niyan, alisin mo nga 'yan. Nakakairita."

"Gago, lalong uminit ang ulo. Di'ba paborito mo 'to? Anong nangyari sa'yo, may lagnat ka ba? O baka dahil stressed na stressed ka na?" Sunod-sunod na tanong niya habang sinusubukang sipatin ang leeg ko habang panay naman ang iwas ko at pagtampal sa  kamay niya.

"Ano ba?! Itigil mo nga 'yan!" Bulyaw ko sa kanya saka bumalik sa pagtitipa.

Ilang sandali siyang nanahimik kaya napatingin ako sa kanya. Nakangisi lang siya sa akin at nang mapatingin ako sa nakangisi niyang labi ay biglang nagflash sa isip ko ang nakangising si DJ.

CHASED BY MY EX'S BROTHER✅Where stories live. Discover now