BRATTY 14

509 19 0
                                    

"Good morning, Dad."

"Good morning too, Brat--"

"Dad! Did you just call me to called me 'brat'?" I rolled my eyes when I heard him chuckle from the other line.

"Ano bang masama roon? Totoo naman ah." Natatawa pa ring saad niya.

"Magsama kayo ni DJ."

"And who's DJ?" Kuryosong tanong ni Dad. Napangisi ako.

"Asawa ko. Bakit?" Ngingisi-ngisi pa rin ako habang sinasabi iyon. Natahimik ang nasa kabilang linya. Ilang sandali pa bago ito tumikhim at nagsalita.

"Say it again, Liyhen Natasha." Ngayon ay seryosong seryoso na si Dad.

"Kidding lang, Dad. Anyway, kumusta dyan?"

"Ayos na. Lumalago na ulit ang stocks. Miss mo na ako 'no?"

"Malamang hindi. Ikaw? Miss mo na ako?" I chuckled.

"Hindi rin. Kapal naman ng mukha mo." We both laughed because of his answer.

"Baka magtagal pa ako rito. I enjoyed it here. Kung gusto mong sumunod, ayos lang din."

"Okay. I'll take care of our company here, don't worry."

"Well, I saw the report yesterday. I am impressed. Sobrang laki ng itinaas ng stocks."

"I am that great."

"Bragging brat. By the way, I heard that you're currently making a new model of gun? I am thrilled."

"Ah, yeah. Medyo matatagalan nga lang iyon dahil gusto ko ay walang maipipintas doon."

"Sa akin mo unang ipakita." Utos niya pero ngumisi ako.

"Asa ka. Kay DJ ko iyon unang ipapakita. Saka ka na." I chuckled.

"Mas lalo akong naiintriga sa DJ na 'yan. Sino ba talaga 'yan? Boyfriend mo ba? O baka fling?"

"'Wag kang chismoso, Dad."

"Baka pagbalik ko may apo na ako."

"Ayaw mo?"

"May sinabi ba ako?"

"Whatever. Baka nangbababae ka na d'yan." Nagtaas ako ng isang kilay kahit na alam kong hindi niya ako nakikita.

"Do I look like a playboy, my daughter?"

"Hmm, sa bagay. Hindi ka nga mukhang playboy, ang pangit mo kasi."

"Baka nakakalimutan mo, Lili, sa akin ka galing."

"Wow, may matres ka pala. 'Di ka naman agad nagsasabi." Sarkastiko kong tugon.

"Pilosopa talaga. Basta ang genes mo ay genes ko rin."

"Yuck, hindi ako payag. Ayokong maging pangit ang lahi ko."

"Ewan ko sa'yo, Lili. Kumain ka na ba?"

"Hindi pa. Tumawag ka kasi."

"Ang saya ko naman. Hindi ka pa pala nakain. Sige, 'wag ka nang kumain kahit kailan."

"Buti na lang 'di ako tanga."

"Tarantada lang."

"Wow, good boy ka? Good boy ka?"

"Oo, muntik na nga akong maging anghel."

"Libre naman mangarap."

"May urgent meeting ako. Ibababa ko na. I'll just call you some other time."

CHASED BY MY EX'S BROTHER✅Where stories live. Discover now