Matapos ng gabing iyon ay hindi na ulit siya nagparamdam sa akin. Bumabagabag man iyon sa akin ay pilit ko na lamang iyong pinagsawalang bahala dahil ang nararamdaman ko ngayon, partly, ay kasalanan ko rin naman.
Minu-minuto akong napapalingon sa aking phone. Aminin ko man o hindi ay talagang hinihintay ko rin ang tawag at message niya pero ni isa naman ay walang dumating.
Imbes na mag-isip ng kung anu-ano ay pinilit ko na lamang na magtrabaho. Ilang beses akong napatigil dahil hindi ako makafocus sa trabaho ko.
Lunch time na nang tuluyan kong sukuan ang ginagawa ko. Napasubsob na lang ako sa lamesa ko nang maalala ko na naman siya.
Dati-rati ay wala pa mang alas-dose ay narito na siya para ihatid ang kakainin naming dalawa. Kahit na madalas ko siyang irapan at tarayan ay balewala iyon sa kanya, ang mahalaga para sa kanya ay ang makasabay niya akong kumain. Noong huli kaming magkita ay ni hindi ko man lang nakita ang ngisi sa kanyang labi na isa sa mga bagay na gustong-gusto ko sa kanya.
"Miss na miss na kita...pero ang sakit pa rin, DJ. Sobra..." I murmured and sobbed.
I didn't bother wiping my tears off. Sometimes, we really need to express ourselves even if it talks about pain.
May ilang katok akong narinig mula sa pintuan kaya bahagya akong napatigil. Kahit kailan ay ayoko nang nakikitaan ako ng kahinaan ng ibang tao dahil sa kahit na anong oras pa man, maaari nilang gamitin 'yon laban sa akin. I don't want to be the biggest nightmare of myself.
"Miss Lili, itatanong ko lang po sana kung anong gusto niyong pagkain para sa lunch niyo?" Batid kong nakapasok na siya dahil sound proof naman ang opisina ko.
"Wala akong gana. Umalis ka na."
"Miss Lili, ano pong nangyari? Ang lungkot po ng boses niyo ah." Puna niya sa akin.
"Bingi ka ba? Ang sabi ko umalis ka na."
"Pasensya na po, Miss Lili pero this time po hindi ako aalis. Alam ko pong kailangan niyo ng masasandalan, willing po akong maging wall para sa inyo." Litanya nito.
"Pwede ba? Sumunod ka na lang."
"Tanggalin niyo na po ako sa trabaho pagkatapos nito pero hindi ko po kayo iiwan sa ganyang sitwasyon. Mapagkakatiwalaan niyo po ako, Miss Lili." With that, my tears suddenly pooled like a river.
"H-Hindi ko na alam ang gagawin...It hurts, it's like a knife stabbed me for countless time. It's making me crazy, para akong sinasakal...." Tila batang nagsusumbong ako sa kanya habang ang kamay ko ay nakatuon sa aking sentido.
"Ano po bang nangyari, Miss Lili? Sabihin niyo man po o hindi ay alam kong si Sir Dos ang tinutukoy niyo."
"Miss Lili, alam kong wala ako sa lugar para mangialam pero kita ko po sa mga mata ni Sir Dos kung gaano niya kayo iniingatan. Kapag tinitingnan ka niya, parang ikaw na ang pinakamahalagang babae dito sa mundo." Nangingiting aniya habang ako ay lalo lamang na umagos ang luha.
Alam ko, ganoon din ang akala ko noong una. Akala ko hindi ka nakakapagsinungaling ang mga mata pero mukhang mali ako. Akala ko...mahal niya rin ako pero siguro nga ay nag-assume lang ako.
"You just misunderstood him, Kath. If he really cares for me that much...he wouldn't hurt me like this. I thought he loves me but here I am, questioning myself. Katherine, tell me, may kulang pa ba? Kasi pagod na pagod na akong masanay at magmahal ng isang tao tapos sa huli ay iiwan nila ako na parang hangin lang..." I blurted out as my heart throbbed in pain.
"Wala, Miss. Walang kulang sa'yo. Maganda ka, matalino, matulungin at talented kahit na minsan ay mataray ka alam kong hindi naman talaga matigas ang puso mo. Alam ko, Miss, mahal kayo ni Sir Dos. Siguro ay nagkakaroon lamang kayo ng hindi pagkakaunawaan, isusugal ko dito abg trabaho ko, Miss. Alam ko kasi na talagang mahal kayo ni Sir Dos. Sana nga lang ay mapalambot niya agad kayo bago mahuli ang lahat. Gwapo siya at maganda ka kaya naman alam na alam kong marami ang nag-aabang sa inyo."
YOU ARE READING
CHASED BY MY EX'S BROTHER✅
Romance|COMPLETED 2021| Liyhen Natasha, a sassy and savage girl was cheated on. With her rage on, she wanted to revenge but with this strange man who suddenly came in her life, her rage became blurry. This man turns out her ex's brother, can he make her ra...