BRATTY 22

427 18 0
                                    

"Over here, Dad!" I shouted when I saw Dad looking out for me.

"Here's my brat." He chuckled and walked towards my direction.

"Here we go again with that 'brat' thing." I rolled my eyes on him. Andami-dami niyang dalang bagahe kaya may ilang lalaki rin ang nakasunod sa kanya.

"Ganda naman ng bati mo sa akin." Sarkastikong aniya.

"Ganda naman ng pasalubong mo sa akin." I mimicked his tone. 

"Anong dala mong sasakyan? Baka hindi magkasya 'tong mga dala ko." Tiningnan pa niya ang mga bagahe niyang hawak ng mga lalaki sa likod niya.

"Minaneho ko, 'di ko dinala. Mahirap dalahin 'yon."

"Wala pa ring kupas 'yang pamimilosopo mo, Lili." Napapailing na sabi niya.

"Malamang. 'Di naman 'to damit, pa'no 'to kukupas?" Inirapan ko siya at bahagya kong narinig ang bungisngisan ng kalalakihan sa likod ni Dad.

"Sige, tumawa kayo. Hindi ko kayo bibigyan ng tip." Banta niya kaya agad na tumahimik sila.

"Paiwanan mo na 'yan, Dad. May kasama naman ako, kaya na niya 'yan." Utos ko.

"May kasama ka pa lang boy, 'di ka agad nagsasabi. Nasaan ba 'yon? Kanina pa ako rito e' hanggang ngayon ay wala pa. Ang pangit kamo ng service ng comp--"

"Dami mong satsat, Dad. Hindi yun utusan."

"Hey, sorry. Ang hirap humanap ng pwedeng parkingan ng sasakyan." Nilingon ko si DJ nang marinig ko ang boses niya mula sa likuran. 

"Its okay." Pinagmasdan ko siya. Halatang tumakbo siya dahil gulo na ang buhok niyang inayos niya kanina. May kaunting pawis din na tumutulo mula sa kanyang noo at bahagya rin siyang hinihingal.

"Hi, Sir. Its a pleasure to meet you. I am Dos." Bati niya kay Dad and he extended his arm to his. Dad received his hand in an instant and smiled on him.

"Are you my daughter's boyfriend?" Nilingon ako ni DJ nang may sinusupil na ngiti bago niya sinagot si Dad.

"Proudly yes po, Sir. Pasensya na po kung hindi ako nakapagsabi sa inyo, I am willing to accept its consequence."

"Its okay. Lili's already on her right age, it's enough that you face me now. By the way, don't 'Sir' me. Manugang na kita kaya umayos ka, call me Dad." Parehas silang ngumisi.

"Sure, Dad. Dadalhin ko lang po 'yang baggage niyo sa sasakyan. Dito na lang po muna kayo." Dad nodded.

"Milady, Dadalhin ko lang 'to." He smiled and I nodded. Ilang saglit lang ay umalis na rin siya dala ang dalawang bag ni Dad.

"Ang sweet ng manunugangin ko ah." Dad commented. Napangisi ako.

"Syempre, magaling ako e'." I bragged.

"Ingatan mong 'di mauntog ang ulo noon ha? Baka bigla kang iwan." Biro niya na hindi naman nakakatuwa. I faced him with a poker face.

"Hindi ako iiwan no'n." I rolled my eyes. Alam ko at kumpyansa ako roon.

"Chill. Init ng ulo mo ah." Tinawanan niya pa ako.

Ilang beses na nagpabalik-balik si DJ para lang madala niya lahat ang mga gamit ni Dad sa kotse niya. Nang mailagay niya na lahat sa kotse ang bagahe ni Dad ay saka pa lang niya ukit kami sinundo para makaalis na kami dahil wala pa palang inaalmusal ang bagong dating.

Bago kami umuwi ay dumaan muna kami sa restaurant ni DJ. Naiirita ako dahil napakadaldal ni Dad kay DJ na pati mga nakakahiyang bagay ay pinagsasasabi pa niya. Pati ang bigay na bulaklak sa akin ni DJ ay pinapansin niya kaya puro irap na lang ang isinasagot ko sa kanya.

CHASED BY MY EX'S BROTHER✅Where stories live. Discover now