19

1.7K 39 1
                                    

Bigla akong napabangon. Ang pangit naman ng gising ko.

Kakaiba kasi ang pakiramdam ko, alam kong hindi ko ito kwarto. Nasaan ba ako? Ano ba ang nangyari?

Pilit kong inaalala ang kaganapan kagabi, kaso lalong sumasakit ang ulo ko. Chineck ko muna ang suot ko, ganun pa rin naman.

Lumabas na ako ng kwarto. Familiar ang paligid.

"Gising na po pala kayo, pinapatawag na po kayo ni Sir James sa baba." Nagulat ako sa biglang nagsalita sa likod ko.

"S-Sige po." Tanging sagot ko.

Teka. Paano ako napunta kila James?

Bumaba na rin ako para masagot ang tanong ko.

Nadatnan ko sa dining area ang pamilya ni James sa masayang kumakain ng umagahan. Nalungkot ako bigla.

"Oh gising na pala si Amanda. Halika na dito." Sabi ng mama ni James.

Masaya naman akong naupo sa tabi ni James. Nilingon ko sya, seryoso lang sya habang kumakain.

"Sinabi sa akin ni James na nalasing ka daw kagabi kaya dito ka nya inuwi." Masayang sabi ng mama ni James.

Nahiya ako bigla.

"T-Tita, pasensya po sa abala. Hindi ko po alam na nalasing ako, nainum ko po--"

"'Wag kang uminom kung hindi mo naman kayang dalhin ang pagkalasing mo." Pinutol nya ang dapat kong sabihin. Nagtatakang napalingon kaming lahat kay James.

"James." May pagbabanta sa boses ni tito (papa ni james)

"Tama naman ako diba?" Nilingon nya ako. "Disi oras ng gabi? Tama ba 'yun?" May pagkairita na ang boses nya.

Nahihiya ako sa kanilang lahat. Hindi ko naman intensyon na magpakalasing.

"Hey James! Stop that." Sabi ni tita.

Nagulat ako nang biglang tumayo si James at walang pasabi na umalis.

"James!" Tawag pa sa kanya ni Tito pero hindi ito bumalik.

"Pagpasensyahan mo na ang anak ko na 'yun Amanda. Mainit lang ang ulo nun ngayon." Nginitian ko na lang si tita.

Noong natapos akong kumain ay umakyat ako sa kwarto ni James.

(Knock. Knock)  Kumatok ako.

"ANO?!" Nag alangan ako ng marinig ko ang pag sigaw ni James.

"S-Si Amanda 'to." Agad na sagot ko.

Maya-maya pa ay binuksan nya na ang pinto. Sumalubong sa akin ang mukha nyang nakasimangot. Pumasok na ako at isinara ang pinto.

"Galit ka ba sa akin?" Nakayukong sabi ko.

"Obvious ba?" Mataray na sabi niya. "Mag ready ka na. Ihahatid na kita pauwi." Yun lang at pumasok na sya sa c.r

--

Lumipas ang ilang araw na hindi na kami nagkikita ni James. Hindi rin sya sumasagot sa tawag at text ko sa kanya.

"Amanda kayo pa ba ni James?" Napalingon ako sa classmate ko.

"Bakit?"

"Nakita ko kasi sya sa parking lot kanina, may kasama." Sabi nito na parang nag aalangan pa.

May sariling pag iisip ang mga paa ko dahil kusa itong naglakad papunta sa parking lot.

May tiwala ako kay James, alam kong hindi nya ako lolokohin pero hindi ko mapigilan ang sarili ko ng puntahan sya. Siguro para na rin magkaayos kami, magsosorry ako sa kanya.

Wala ng masyadong tao sa parking lot. Hinanap ko ang kotse nya. I was about to call him when someone get off from his car.

He kiss the girl. It's like I'm watching a romantic movie with matching kissing scene.

Parang sinaksak ng ilang beses ang puso. Pinigilan kong tumulo ang luha ko.

"Later babes." Sabi ni James sa babae.

Hanggang sa umalis na yung babae at naiwan pa si James na nagpupunas ng labi nya. Pumwesto ako sa likuran nya.

Ang pagharap nya ay parang namutla sya.

"A-Amanda."

"Wala na pala tayo James? Hindi kasi ako na inform." Lakas loob na sabi ko.

Lumapit sya at akmang hahawakan ang braso ko ng umiwas ako.

"Don't you dare touch me." Mariing sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. "I hate you, I really really hate you."

"Let me explaine baby." Sabi nya.

"No need. Hindi ako bulag para hindi makita ang nangyari, at lalong hindi ako bobo para ipaliwanag mo pa sa akin ang nakita ko. Siguro tanga lang ako dahil nagpauto ako sa manloloko na katulad mo." Lakas loob kong sigaw. I don't care kung gumagawa na ako ng eksena.

"Lower your voice Amanda." Mariing sabi nito habang lumilingon sa paligid.

"Why? Nahihiya ka? Panindigan mo 'tong ginawa mo sa akin James." Kasabay ng pagtalikod ko ang patuloy na paglandas ng luha ko. Nangangako ako sa sarili ko na huling luha ko na 'to na sya ang dahilan.

--

Amanda's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon