11

2.3K 41 1
                                    

Amanda's POV

Kwentuhan lang kami ng kwentuhan.

"So Amanda. Paano kayo nagkakilala ni James?" Biglang tanong ng mama nya.

Nakita kong natawa si James. Pangit ang first meeting namin!

"Alam mo Ma, naglalakad ako nun tapos--" Hindi ko na sya pinatapos dahil tinakpan ko na yung bibig nya.

Nagtaka naman sila.

"K-Kaibigan po kasi ni James yung asawa ng friend ko. Diba?" Agad na sagot ko sabay tingin kay James.

Tinanggal ko na yung kamay ko sa pagkakatakip sa bibig nya.

"Mukhang may sikreto kayo ha?" Sabi ni Nico.

"W-Wala." Sabi ko sabay kain.

"Anong pinagkakaabalahan ng magulang mo Amanda?" Tanong ni Ate Janet.

Natigilan ako sa pag-nguya.

"A-Ano Ate--" Mahang kwento na naman.

"Wala na po sila. They both died in a car accident two years ago." Agad na sagot ni James. Napatingin na lang ako sa kanya.

"I-I'm sorry Amanda." Pagpapaumanhin ni Ate Janet.

"Ok lang po yun Ate Janet."

"Ok lang kung magtatanong pa ako?" Sabi ng papa ni James.

"Pa." Suway ni James sa papa nya.

"No. Ok lang James." Tumingin sya sa akin na parang tinatanong kung ok lang ako. Nginitian ko sya.

"Sinong kasama mo ngayon? I mean, wala na yung parents mo, sino sumusuporta sayo?"

"Actually kasama po ako sa aksidente." Napasinghap naman sila. "Yaya ko lang po ang kasama ko sa bahay. Tito ko po ang nagpapa-aral sa akin, kapatid po ng daddy ko."

"Hmn. Ang hirap naman pala ng situation mo hija." Sabi ng mama ni James.

Ngumiti lang ako.

"Diba kadalasan ng galing sa aksidente, nagkakatrauma?" Tanong ni Nico.

"O-Oo. Two years pa lang ang nakakalipas, fresh pa rin sa akin. Nakaya ko na naman sumakay sa kotse, kaso hanggang sa tabi lang ng driver. Hindi ko kaya sa backseat."

Napatango na lang sila.

"Ok. Ok. Tama na yang kwento. Kumain na tayo." Biglang singit ni James.

Naappreciate ko yung ginawa nya.

Sama-sama kaming naupo sa sala at iminom ng wine.

"Nico ano namang pinagkaka-abalahan mo ngayon?" Tanong ni James.

"Ahm. Nagfofocus sa pag model."

"Waka kang dinidate ngayon?"

"Wala. Pero may bago akong nagugustuhan ngayon."

Ako lang ba to o sa akin talaga sya nakatingin? Weird.

"Really? Sino naman?" Panghahamon ni James.

"Kikilalanin ko pa sya eh." Sabi nya na nakaharap sa akin sabay ngiti.

Napangiti na lang din ako.

Lihim kong kinalabit si James. Nilapit nya naman sa akin yung tenga nya.

"C.r muna ako."

"Tara."

Nagpaalam muna kami.

"Pasok ka na." Sabi ni James.

"Sige."

Hindi naman talaga ako nawiwiwi. Tinignan ko lang ang sarili ko sa salamin. Grabe kasi sila kung makatingin sa akin. Baka may dumi ako sa mukha, wala naman.

Amanda's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon