24

2K 28 0
                                    

"I don't like the plating." Turo ko sa isa sa mga nakahandang pagkain sa harap.

"Tanggaling nyo 'yung parsley. Masyado ng makalat." Turo ko ulit.

Metikolosa ako pagdating sa trabaho, kapag ayaw ko, ayaw ko.

"Ma'am may nagpadala po ng bulaklak." Inabot sa akin ng isang staff ang bouquet. Red roses.

Tinignan ko ang note, galing kay James. May nakasulat pa na "Take care". Inilapag ko 'yun sa isang tabi ang tinuloy ang pagtatrabaho.

Isang linggo na ang nakalipas simula ng tanungin nya ako kung mapapatawad ko ba ulit sya. Hindi na kami nagkita, or mas magandang sabihin na hindi na ako nagpakita sa kanya. Sabi pa nya, willing syang ligawan ulit ako.

Hindi ko sya sinagot nun, mahirap magtiwala sa pangalawang pagkakataon, mabuti na siguro 'yung iwasan ko sya.

At ito nga, sa loob ng isang linggo, palagi akong nakakatanggap sa kanya ng flowers.

"Put parmesan cheese on top."

(ring ring ring) I answered the phone without looking at it. "Yes?"

"Baby." Malambing na boses ang sumalubong sa akin.

Tinigna ko ang screen, unknown number. How did he get my number?

[Are you still there Amanda?]

"Y-Yes. Bakit?"

[I miss your voice.] Hindi pa rin nawawala ang lambing sa boses nya.

"Stop this James, I'm busy." Iritableng sabi ko, ang ayoko sa lahat yung naaabala yung trabaho ko.

[Ow, I'm sorry.]

Napatingin ako sa glass window and I saw him there leaning on his car. He wave.

[I'll call you later.]

What? He directly delivered the flowers? Tinakpan ko ang phone ko.

"Anya, yung lalaki sa bintana--" Hindi pa ako natatapos sa sasabihin ko kasi bigla syang nagtitili.

"Ma'am! Ayan yung araw-araw na nagpapadala ng bulaklak." Tili nya.

So sya nga? Seryoso? Binalik ko sa tenga ko ang cellphone.

"Ayaw mong pumasok muna? Maraming nalutong pagkain para sa presentation, hindi namin kayang ubusin." Sabi ko.

Napadiretso sya ng tayo. [Libre ba?]

"Kailan ka pa naging kuripot?"

Tumawa lang sya. [Sige, papasok na ako.]

Ilang minuto lang at nasa loob na sya.

"Hi, Anya." Bati nya sa trabahador ko.

"Hello din po." Ganting bati nya at mukhang kinikilig pa.

"Wow, ang daming pagkain, mukhang masasarap." Nilapitan nya 'yung pasta, lumingon sya sa akin at parang nanghihingi ng permiso na kainin, tumangon ako.

Hindi ako makapaniwala na ang cool, tahimik, babaero, na si James ay minsan kong minahal.

"Masarap ah! Ikaw nagluto?"

"Ako po!" Sabi nung isa kong trabahador.

"Really? Masarap sya, ang sarap nung sauce." Naubos nya talaga 'yung pasta.

"Doon tayo sa lamesa James. Anya, isunod mo na lang sa amin 'yung mga pagkain." Sabi ko.

"Opo."

---

Inabot ng isang oras ang pagkain namin ni James, chineck ko pa kasi 'yung iba bago namin kainin.

"Nabusog ako." Sabi nito habang umiinom ng wine "Salamat."

"May pakiusap sana ako. Kung pwede lang, tigilan mo na ang pagpapadala ng mga bulaklak, nasasayang lang." Direktang sabi ko.

Hindi ko sya nakitaan ng kahit anong emosyon ng bitawan ko yun. Hanggang sa ngumiti sya na hindi aabot sa tenga.

"Don't worry, I'm rich." Pagmamayabang nya pa.

"I don't care if you're rich. I can buy that too, for myself. You better give it to someone else." Nakipagsukatan pa ako ng tingin sa kanya.

"Really? Well, that a good idea. I have to go, salamat ulit." Cool na tumayo sya at sinuot ang shades bago lumabas.

Sumasakit ang ulo ko sa kanya.

---

The next day, talagang walang bulaklak na dumating. Buti naman at kahit papaano ay nakinig sya.

"Wow Anya! Ang swerte mo!"
"Oo nga! Pahingi naman ng isang piraso!"

Nilapitan ko ang mga trabahador ko at nakita ko si Anya na may hawak na bouquet.

"O Anya, may manliligaw ka na?" Pang aasar ko pa.

"Wala po ma'am. Bigay po 'to ni Sir James."

Hindi ako makagalaw sa narinig ko. Si Anya ang napili nyang bigyan? Nang iinis ba sya?

"R-Really? W-Well, that's good." Umalis na kaagad ako.

Oo! Inaamin ko, nagseselos ako pero hindi dapat! Wala akong karapatan! Ako ang nagbigay ng idea sa kanya na sa iba ibigay yun. Bakit ba ako nag iinarte ng ganito?

Nakakaasar talaga!

Amanda's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon