Amanda's POV
Ito na ang araw nang pag-alis namin ni Lolo.
"Wala ng atrasan 'to apo." Nilingon ko si lolo.
"Opo lo." Sagot ko.
Hanggang pagsakay ng eroplano ay hindi ko tinanggal ang shades ko, ayaw ko kasi ipakita kay Lolo na namamaga ang mata ko. Magdamag ba naman akong umiyak eh.
Hindi nalaman nila Alex ang nangyari. Ayoko na ring magkwento pa sa kanila. Masmabuti na sarilinin ko na lang 'to, 'di rin magtatagal ay makakalimot rin ako.
--
Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa amin paglabas ng airport, ibang-iba sa Pilipinas.
May humintong itim na kotse sa harapan namin. Lumabas mula doon ang butler ni Lolo.
"Welcome back, Master and Ms. Amanda." Masayang bati nito. He's a Filipino.
Lumipas ang ilang araw, buwan. Naging busy ako sa amerika. Nagpatayo ako ng sarili kong restaurant at talagang malaki ang kita noon. Filipino and American foods ang inooffer namin.
"Ma'am, nandyan na naman po si Mr. Pogi." Sabi ni Nicole, pinay na waitress ko. Iba pa rin kasi kapag kababayan ang katrabaho.
"Naku! Sinabi mo ba na wala ako?" Tarantang tanong ko.
"Eh nakita ka kanina Ma'am!" Sabi nito.
Patay na! Business partner 'yun ni Tito, at talagang napakakulit! Gustong manligaw, eh ang sabi ko para ko na syang kapatid. Aba! Ayaw pumayag!
Lumabas na ako ng kitchen para harapin sya.
"Hi, Amanda." Sabi nito sabay beso. May dala pa syang roses.
"Hello, Charles. What are you doing here?"
"I just want to see you, honey." Magiliw na sabi nya.
"Stop joking Charles! Nasaan si tito?" Inalok ko 'tong maupo na.
"Naiwan sa office."
"Bakit hindi mo sya sinama?" Tanong ko.
"Hindi nya naman alam na pupunta ako dito. Tumakas ako." Natatawang sabi nito.
"Ay sorry sir!" Napatingin kami sa pintuan ng restaurant.
Agad akong tumayo at lumapit doon.
'Yung isa ko kasing waitress, natapunan ata ng tubig yung customer namin.
"Sir, I'm sorry." Sabi ko dito. Hindi ko alam kung pinoy ba 'to o amerikano. Balot na balot kasi sya.
"No, no, it's okay." Sagot nito.
Para akong naistatwa sa narinig ko. May kaboses sya. No, hindi pwede.
Saglit kaming nagkatitigan bago sya nagmamadaling umalis.
Malabong mapadpad sya dito. Tama, hindi dapat ako nag-iisip na baka sya 'yun.
"Ma'am." Natigilan ako pag-iisip ng tawagin ako ng empleyado ko.
"Ano bang nangyari?" Tanong ko dito.
"Nagmamadali po kasi syang umalis. Nagkabanggaan kami. Regular customer pa naman natin 'yun Ma'am." Sabi nya.
"Anong pangalan?"
"Hindi ko po alam. Pinoy ata 'yun ma'am, kasi mukhang naiintindihan ako, kaso kapag sumasagot naman English."
"Sige, bumalik ka na sa trabaho. Mag-ingat ka na lang sa susunod." Nakangiting sabi ko.
"Is everything okay?" Biglang sulpot ni Charles.
"Yeah." Hindi pa rin mawala sa isip ko baka sya nga 'yun.
"Hey Amanda." Pag aagaw sa atensyon ko ni Charles.
"Yes?"
"Let's eat first." Ngumiti na lang ako.
---
"Lo naman, okay na ako dito." Pagmamaktol ko.
"Apo, kailangan palaguin mo ang negosyo mo."
"Okay na po 'tong isang branch."
"No apo, nagpatayo na ako ng branch ng restaurant mo sa Philippines." Mariing sabi ni lolo.
I take a deep breath. "Okay, fine! But I will not manage that branch."
"Of course, you are! After all, it was under your name, Amanda's Dream." I can't believe it!
BINABASA MO ANG
Amanda's Cry
ChickLitMaganda, sexy, matalino, mabait. Yan si Amanda Arden. Kung tutuusin swerte ang lalaking iibigin nya. Pero bakit ganun? Walang nagtatagal sa kanya? "Yun lang ba ang habol nila sa akin?" Lagi nyang tanong sa sarili. Mahahanap nya ba ang pag-ibig nya s...