Matamlay akong umuwi sa bahay.
Pabagsak akong nahiga sa kama pagkatapos kumain.
"Ano ng gagawin ko?" Naiinis na nasabunot ko ang sarili ko.
*Tit. Tit*
Agad kong tinignan kung sino ang nagtxt.
From: Georgia.
Hey girl, where are you?
To: Georgia.
Bahay lang. Why?
From: Georgia.
Anong ginagawa mo? Naglilimlim? Haha. Punta ka dito sa bar ni Alfred, nandito kami ni Alex. See yah!
Napasimangot na lang ako sa text nya. Hay. Kailangan ko sigurong marefresh.
Agad na akong nagbihis at nagpahatid sa driver. Kahit naturuan na akong magdrive ni James ay pinagbili nya pa rin sa driver namin na wag akong hayaang gumamit ng kotse. Anlabo lang! Tinuruan pa nya ako.
Maingay na lugar kaagad ang bumungad sa akin.
Nahanap ko naman kaagad sila Alex.
"Ang tagal mo ah." Sabi ni Georgia pagkaupo ko.
"Tsk." Yun lang naisagot ko.
"Problema mo?" Worried na tanong ni Alex.
At ayun, naikwento ko na sa kanila. Hindi ko mapigilang hindi maiyak. Parang ang bigat-bigat kasi ng sitwasyon. Nandun na eh, may matinong lovelife na ako. Tapos biglang magkakaproblema. May nagawa ba akong mali para mangyari sa akin to?
"Hala!" Yun lang ang naisagot nilang dalawa. Speechless!
"Matutulungan nyo ba ako?" Frustrated na tanong ko.
"H-Hindi ko alam Amanda. Kayo lang ni James ang dapat magtulungan." Suhestyon ni Georgia.
"Georgia's right. Ipaintindi mo kay James ang sitwasyon mo. Your tito is also right. If James really loves you, then he'll understand you." Dagdag ni Alex.
"And if James didn't understand you.. Well ikaw na ang mag-isip ng gusto ko pa sanang sabihin." Dagdag naman ni Georgia.
..He didn't love me?
Salitang hindi ko mailabas sa bibig ko.
Hayyy. Ang sakit sa ulo.
Paano nga kung hindi nya talaga ako mahal? Haahh~
Naitungga ko na lang ang alak na nasa baso ko.
"Amanda!" Narinig kong sigaw ni Alex pagkatapos kong uminom.
"What?" Nagtatakang tanong ko.
"Bakit mo ininum 'yun?" Sabi nya na parang nanggagalaiti sa galit.
"Ha?"
"Akin yun eh!" Sigaw nya. Agad naman akong napatingin sa lamesa. Oo nga. Nagkatabi kasi 'yung baso namin kaya siguro hindi ko napansin.
"Sorry. Hindi ko napansin. Ito na lang sayo." Sabi ko sabay bigay sa kanya nung baso ko. "Woa~" Bigla akong nahilo.
"Ayan na! Mataas ang alcohol nun! Kaya nga 'yun ang inorder ko!" Sabi ni Alex.
Kaya pala O.A sya makasigaw. Mataas ang alcohol tolerance ni Alex kaya hindi sya kaagad malalasing, kumapara sa akin.
Nagsisimula ng umikot ang paligid ko.
"Ok ka lang?" Tanong ni Georgia.
Tumango-tango na lang ako kaso wrong move dahil lalo akong nahilo.
BINABASA MO ANG
Amanda's Cry
ChickLitMaganda, sexy, matalino, mabait. Yan si Amanda Arden. Kung tutuusin swerte ang lalaking iibigin nya. Pero bakit ganun? Walang nagtatagal sa kanya? "Yun lang ba ang habol nila sa akin?" Lagi nyang tanong sa sarili. Mahahanap nya ba ang pag-ibig nya s...