7

2.3K 48 0
                                    

7

Umaga.

Nalaman ni tito ang nangyari sa akin kaya naghire sya ng driver.

Paglabas namin sa gate, wala doon ang inaasahan kong makita.

Galit ako. Galit ako. Galit ako diba? Ba't ko pa sya aasahan?

Mabilis akong nakarating sa school, pinauwi ko na 'yung driver ko, itetext ko na lang sya kapag out ko na.

.

.

.

"Ok ka na?" Worried na tanong sa akin ni Alex.

"Yeah." Masiglang sagot ko.

Pagkatapos kong pumunta sa sementeryo ay naging ok na ako.

"Buti naman kung ganun." Sabi ni Georgia.

"Class. Yung mga may sports dyan at kasama sa cheering squad, practice nyo ngaun. Excuse na kayo." Announce ng Prof namin.

Lumabas na rin kami ni Alex. Sa gym kami mgpapractice ngayon. Malawak naman ang gym namin. Tinabi 'yung ibang equipment.

"Amanda. Akala ko ba susunduin ka ni James kagabi? Nakita ko sya sa bar kagabi. Dumaan kasi kami doon." Sabi bigla ni Rose.

"Ha? Hindi." Tanging sagot ko. "Guys, takbo muna tayo sa loob ng school." Sigaw ko na sa kanila.

"What?"

"Captain naman eh!"

"Energetic ka na naman Captain!" Mga angal nila.

"Tama na angal. Pila na!" Sabi ko.

Sinunod naman nila ako. Nasa unahan kami at nag simula ng tumakbo. Mabagal lang naman.

Sa field kami ng school tumakbo. Maraming studyante. Mga nagpapraktis rin.

"Go Amanda!" Narinig kong sigaw ni Alex. Nag peace sign lang ako sa kanya.

"Witwiw~"

"Hi Amanda!" Narinig kong sigaw ng mga nadadaanan namin.

"Popular ka talaga Captain!" Narinig kong sigaw ng kateam ko.

Nginitian ko na lang sila. Hindi ko naman maitatanggi 'yun. Hehe.

"1.2.3. 1.2.3. 1.2.3." May narinig akong nagbibilang na mga lalaki sa gilid namin.

Napalingon ako.

Basketball team, mga nakangiti sa amin.

"Hi Amanda." Bati sa akin ng captain ng basketball team.

"Hi Ivan." Bati ko rin sa kanya.

"Woo~ Ang sweet!"

"Bagay!" Asaran nila sa amin.

Minsan ng nanligaw sa akin si Ivan. Mabait naman sya. Kaso, may boyfriend kasi ako nun.

"Itetext kita mamaya. Sabay tayo mag merienda after ng practice nyo." Masayang sabi ni Ivan.

"Tama na yan! Takbo na!" Hinanap namin yung sumigaw. Napatingin ako kay James na nakasimangot.

"Mamaya ah?" Pangungulit ni Ivan.

"Ok." Nakangiting sabi ko.

"Yes! Una na kami ah? Let's go guys."

Nauna na silang tumakbo. Nagtama ang tingin namin ni James, bigla nya akong inirapan. Kapal!

"Nakita ko 'yun." Biglang tumabi sa akin si Rose.

"Ha? Ang ano?" Inosenteng tanong ko.

"Yung tingin ni James. Halatang nagseselos sya."

"Selos? Impossible naman 'yun Rose no!"

"Amanda. Unang tingin ko pa lang sa tao, alam ko na kung anong nararamdaman nya." Sumulyap sya sa akin habang tumatakbo. "Ikaw. Alam kong masaya ka ngayon."

Tama sya. Masaya nga ako.

"Tama ako diba?" Tanong nya.

"O-Oo." Naguguluhang sagot ko.

Isa lang naiisip ko... Ang weird ni Rose.

-----------

Amanda's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon