26

2.1K 31 0
                                    

O God, wala sanang masamang nangyari sa kanya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko, kung hindi ko sana sya pinalabas sa restaurant, hindi sana sya mababangga.

Binilisan ko pa ang pagdadrive ko makarating lang sa hospital na pinagdalhan sa kanya.

Pumasok ka kaagad ako sa emergency room at nagtanong sa nurse. Sabi nila nasa room 407 na daw sya at wala pang malay.

Pagdating ko sa room, naabutan ko ang doctor at ilang nurse na nakapalibot sa kanya. Sa sobrang takot, at kaba ko, hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano.

"Doc, kamusta po sya?" Tanong ko kaagad.

"Ano po kayo ng pasyente?" Teka, ano na ako? Ahm.

"Girlfriend nya po ako." Bahala na. Tulog naman sya eh.

"Okay na ang lagay nya, nawalan lang sya ng malay. Wala namang damage sa ulo nya maliban sa iilang sugat. Maiwan muna kita." Nagpasalamat ako sa doctor.

Naupo ako sa upuan na nasa gilid ng higaan ni James. Naaawa ako sa itsura nya, may benta sa ulo at mga galos sa braso.

"Nakakainis ka." Kung gising lang 'to, baka nasapak ko pa sya. "Pinag-alala mo ako, paano na lang kung malala ang nangyari sayo? P-Paano na ako?" Pabulong na sabi ko. Naluluha na ako.

"Hindi naman kita iiwan." Unti-unti ng dumilat ang mata nya. A smile form in his lips.

"Okay ka lang ba? Anong masakit sayo?" Napatayo ako sabay lapit sa kanya.

"Lahat, lalo na 'yung puso ko." Mahinang sabi nya. Mukhang masama talaga ang tama nya. "Please Amanda, give me a chance."

"J-James, I don't know." Hindi ko talaga alam.

"Give me one month to prove myself to you, and kapag hindi pa rin nagbago ang desisyon mo, okay lang. Lalayo ako." Isa lang ang nakikita kong emosyon sa mukha nya, sincerity.

I did not think twice. I grab and hug him tight.

"Thank you, Amanda."

Isa lang ang narealize ko, masyadong maiksi ang buhay. Anytime, pwedeng mawala ang taong mahalaga sa atin. Who knows? Sabi nga nila "You only leave once". Wala naman sigurong mawawala sa akin kung itatry namin ulit. Hindi pa rin naman nawawala 'yung pagmamahal ko sa kanya sa lahat ng nangyari.

---

Naging personal nurse ako ni James for two days, nakauwi na rin sya sa bahay nya.

"Baby!" Tawag sa akin ni James.

"Wait, huhugasan ko lang 'tong pinagkainan natin." Balik sigaw ko. Nasa taas kasi sya at katatapos lang naming maglunch.

Nang matapos ako ay umakyat din ako kaagad, I saw him lying on his bed without his shirt.

"Nasaan na naman ang damit mo James?" Nilibot ko ang kwarto nya.

"Nandyan lang. Mainit e." Pangangatwiran nya.

"Gusto mo bang lakasan ko ang aircon?"

"No need. Halika dito sa tabi." Pagkaupo ko ay bigla nya akong hinila kaya napahiga ako sa tabi nya. Gosh! Nakapalda ako!

Nakakailang. "J-James. Teka lang."

"Yakapin mo muna ako, namiss kita ng sobra." Bulong nya.

Naiilang talaga ako, flesh to flesh. Nakatapat ang mukha ko sa dibdib nya. Ang bango! Sininghot singhot ko pa sya.

"Stop that Amanda, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at hindi ka na makatayo." Pagbabanta nito. Nagets ko kaagad 'yun.

"Tumigil ka nga. Tatayo na ako." Pilit akong kumakawala sa kanya, pero lalo nya lang hinihigpitan ang yakap.

Tiningala ko sya, he's looking at me too. Napalunok ako.

"I'm sorry." He kiss me on my forehead.

"Ha?" Naguguluhang tanong ko.

"Sorry, ako dapat ang nag aasikaso sayo. Dapat pinapasyal kita. Kaso ito ako, pabigat sayo." Tinanggal nya ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko.

"Okay lang, kasalanan ko rin naman kung bakit ka naaksidente." Nginitian ko sya.

Nagtitigan pa kami ng ilang minuto hanggang unti-unti nyang nilalapit ang mukha nya sa akin.

Kaunti na lang. I close my eyes, at ilang segunda lang ay naglapat na ang mga labi namin.

Hindi sya gumalaw, unti-unti nyang binuka ang bibig nya. Ang lakas ng tibok ng puso ko, para akong nabibingi.

Ang lambot pa rin ng labi nya, hindi pa rin nagbabago. Umibabaw na sya sa akin, pinapalalim ang halikan namin.

"Hmmn." Hindi ko napigilan ang mapaungol.

Naramdaman kong napangiti sya, at naramdaman ko rin na gumagapang na ang kamay nya paakyat sa tiyan ko hanggang sa huminto sa taas ng dibdib ko. Nagstay ang kamay nya doon ng ilang segunda bago niya biglang pisilin, kahit na may damit ako, ramdam ko ang kamay nya.

Napasinghap ako. Nagkaroon sya ng chance na pasukin ang bibig ko. Para nyang inuubos ang lakas ko.

(ding dong ding dong) Napatigil kami ni James.

"Urgh!" Angal nito, bumangon na sya at naupo sa paanan ko.

"May tao sa labas." Sabi ko pero hindi nya ako pinapansin. "James!" Tawag ko ulit sa kanya.

At narealize ko kung saan sya nakatingin.

"Kulay pink." Abot tengang ngiti nya habang nakatitig sa baba ko.

"Bastos!"

---

Ps: Sino po marunong gumawa ng cover? Pa help :)

Amanda's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon