Two days na akong nagkukulong sa kwarto, pinupuntahan ako ni tito pero hindi ko sya pinapansin.
Two days ko na ring pilit kinokontak si James, pero nagriring lang ang phone nya. Gusto ko ng sumama sa kanya kaya tinext ko sya.
To: James my baby <3
Baby, I really miss you. Where have you been? Please, take me with you. Magtanan na tayo.
Desperada na ako, oo! Pero 'yun na lang ang naiisip kong dahilan para makasama ko sya.
I waited. After 10 minutes of waiting, I receive a text message from him.
From: James my baby <3
Amanda, that's not the right solution, you know that. We can take things slowly.
Napasimangot ako sa reply nya, tama nga siguro sya.
To: James my baby <3
Si lolo at tito Jake, pinapalayo nila ako sayo. Ayoko James T.T
I take a deep breath, trying to control my tears.
From: James my baby <3
I'm busy right now baby. Call you later.
Napakagat ako sa ibabang labi dahil sa nabasa ko. Bakit ganun? Nagiging cold na sya sa akin. Napaiyak ako. Ilang araw ko na syang hindi nakikita, ayaw nya na ba sa akin? Sawa na ba sya? Paano na ako?
[TOK TOK] Tinignan ko ng masama kung sino man ang kumakatok sa pintuan ko. Hindi na ako nabigla ng pumasok si Tito.
"Look at you Amanda, you look so pale." Hindi ko alam kung concern ba sya o nang aasar. "So may balak kang makipag tanan?"
Bigla akong kinabahan. "P-Paano mo nalaman?"
"I have my ways, Amanda." Nginisian nya pa ako.
Kaagad akong tumayo at sinabunutan sya. Nakakagigil na!
"Ouch! Let go off my hair!" Sigaw nito. Sinunod ko naman sya.
"Tito naman eh!" Napaiyak na naman ako.
"Get dress! Sinira mo ang buhok ko!" Sigaw nito habang inaayos ang buhok nya.
"Ayoko!"
"Anong gusto mo? Ibato pa kita sa bathroom?" Panghahamon nya. Napapadyak na lang ako ng wala sa oras.
Ano na naman ba ang plano nya?
---
I decided to wear a floral knee high dress and a flat shoes, put on some make up, inilugay ko na lanh ang buhok ko.
"Saan mo ba ako dadalhin?" Paglabas ko ng kwarto naabutan ko si lolo at tito na nakabihis din.
"Magsisimba tayo." Sagot ni lolo at nauna na kaming lumabas. Galit pa rin sya sa akin.
"Lalalala~" Pang aasar ni tito bago bumaba. Ang sarap kurutin.
9am na ng makarating kami sa simbahan ng Antipolo. Sunday pero kaunti lang ang tao, nakakapagtaka. Pinili namin na maupo sa harapan.
I closed my eyes and silently pray na sana magustuhan ni lolo si James, nakakapagod na kasi 'yung ganito. Ilang minuto akong nanalangin. And when I open my eyes, nagulat ako dahil ako na lang mag-isa sa loob ng simbahan.
Napatayo ako at lumingon sa paligid. Nasaan na sila lolo? Panigurado pakulo na naman 'to ni tito. Wala akong dala na cellphone at pera, paano ako uuwi?
BINABASA MO ANG
Amanda's Cry
ChickLitMaganda, sexy, matalino, mabait. Yan si Amanda Arden. Kung tutuusin swerte ang lalaking iibigin nya. Pero bakit ganun? Walang nagtatagal sa kanya? "Yun lang ba ang habol nila sa akin?" Lagi nyang tanong sa sarili. Mahahanap nya ba ang pag-ibig nya s...