6

2.3K 51 4
                                    

6

Umaga.

Tuesday ngayon kaya wala kaming pasok.

Mag jo-jogging muna ako.

Sando at shorts lang ulit. Naka pony-tail lang ang buhok. Syempre hindi pwedeng kalimutan ang sounds.

Paglabas ko. Nandun sya, nakaupo.

Galit ako. Galit ako.

Nilagpasan ko lang sya at nag simula ng tumakbo. Naglagay na rin ako ng headset.

Takbo. Takbo. Takbo.

Ang fresh ng hangin.

Kalimutan ang lahat ng nangyari kagabi.

Nagitla ako ng may humarang sa harap ko. Napahinto ako.

Dumaan ako sa gilid nya at tumakbo ulit.

Takbo. Takbo. Lakad. Inat. Inat.

Hinarang nya ulit ako.

Tinanggal nya ang headset ko.

"Ano ba?!" Nagulat ako dahil napasigaw ako. Hindi naman ako palasigaw.

"A-Ano. Sorry kagabi. Nakalimutan ko."

"Yun lang ba?" Sabi ko. Nung hindi na sya nagsalita ay nag-umpisa n kaagad akong tumakbo.

"Amanda! Wait!" Narinig kong sigaw nya at humarang ulit. "I-I'm sorry. Kamusta ka na? Hindi ka ba nasaktan kagabi?"

Great actor.

"As you can see. I'm fine." Mataray kong sabi.

Hala! Nahawa na ako sa katarayan ng mga kausap ko kagabi.

"So. Bukas?"

"No." Agad na sagot ko.

"Dahil ba kila Georgia."

"Not just because of her. I've waited. Muntik pa akong napahamak! No! Ayoko ng maholdap ulit! Nakakatakot!" Napatakip ako sa mukha ko.

Naalala ko na naman yung nangyari sa akin kagabi. Yung mukha ng driver.

Napa-upo ako.

"Amanda. Are you okay?" Naramdaman kong tinapik nya ako sa balikat.

"L-Leave me alone. Please."

"Are you okay? Hey. Talk to me." Sabi nya.

"Please. Leave me alone!" Sigaw ko sa kanya.

Narinig ko naman ang yapak nya papalayo sa akin.

Bakit ba ang hina-hina ko?

Bakit hindi ko kayang ipaglaban ang sarili ko?

Matamlay akong bumalik sa bahay.

"Amanda. Nakahanda na ang breakfast mo. Inumin mo na rin yung vitamins mo."

"Opo Ya."

Sinunod ko naman si Yaya. Napatingin ako sa paligid.

Ang lungkot ng bahay. Ang tahimik. Nakakalungkot.

Biglang tumulo ang luha ko. Pinipigilan kong humikbi.

Namimiss ko na sila Mommy.

Naramdaman kung hinawakan ni Yaya yung balikat ko. Umupo sya sa tabi ko.

"Namimiss mo sila?" Tumango-tango ako habang umiiyak.

"Mag bihis ka. Bibisitahin natin sila."

.

.

.

.

Tanghali na ng makarating kami sa cemetery, may mga puno naman kaya hindi gaano kainit.

Nag latag ako ng sapin sa puntod nila Mommy at daddy, naupo ako doon.

"Mommy, daddy. Kamusta po? Ako po ito healthy na healthy." Agad na tumulo ang luha ko. "Namimiss ko na po kayo. Ang hirap hirap po. Sana po nandito kayo ngayon kasama ko. Nakakalungkot po mag-isa."

Nakatanaw lang sa akin si Yaya mula sa malayo. Alam kong naaw rin sya sa akin.

Humiga ako at nag-isip na katabi ko lang sila. Unti-unti akong nakaramdam ng antok.

.

.

.

.

"Amanda. Amanda." Nagising ako sa mahinang pag-ugoy sa akin ni Yaya. "Hapon na. Uuwi na tayo."

Nagdasal kami sandali bago umuwi.

Nahuli na yung driver at naikulong na. Naibalik na sa akin yung mga gamit ko, hinatid sa akin ni Georgia.

------

Amanda's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon