Amanda's Cry

3.3K 36 2
                                    

Dahan-dahang bumukas ang malaking pintuan ng simbahan ng Antipolo. Kinakabahan ako!

And there, the traditional wedding song na lalong nagpakaba sa akin. Inumpisahan ko ng maglakad. I'm wearing a gorgeous tube mermaid style wedding gown.

Sabi ko kay lolo samahan nya akong maglakad sa aisle, tumanggi sya dahil baka pigilan nya pa daw akong magpakasal. As if naman pumayag ako.

Nasa gitna na akong simbahan ng makita ko si James. He's so handsome in his tuxedo. Katabi nya si lolo at tito.

I smiled.

Lolo and tito kissed me before they give me to James.

"You look so beautiful." Bulong sa akin ni James habang naglalakad.

"Gwapo ka, bagay tayo." Ganting bulong ko.

Sinapuso namin ang bawat pangaral, at basbas ng pari.

"I, Amanda Arden, promise to love James until the rest of my life. I will make sure to fulfill my duty as your wife and to our future baby. Hindi ko mapapangako na magiging perfect akong asawa, pero isa lang ang maipapangako ko sayo, mamahalin kita ng sobra." Titig na titig sya sa akin at alam kong ramdam nya ang mga sinabi ko. Isinuot ko na sa kanya ang singsing.

"I, James Sandler, promise to love Amanda, until my last breath. I'm sorry kung pinag alala kita ng ilang araw, this surprise is for you baby. Aalagaan kita, at ang mga magiging anak natin habang buhay." Sabi nya habang isinusuot sa akin ang singsing. Naiyak ako sa mga sinabi nya, hindi ako nagsisisi sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa kanya.

"And I now pronounce you as husband and wife." Nagpalakpakan ang mga tao, tapos biglang nanahimik.

"Ninong! Ano na?" Mahinang bulong ni James kay Father, oo ninong nya ang nagkasal sa amin.

"Do you want to kiss your wife?" Natawa ako ng biglang mang asar si Father.

"Oo naman po." Naiiritang sagot ni James.

Natawa naman si Father. "Okay, you may now kiss the bride."

Ngumiti naman ng nakakaloko si James sabay taas sa veil ko. He slowly move, hindi matanggal ang ngiti sa labi ko.

He kissed me deep. Nadadala ako sa halik nya, tipong napapaliyad na ako. I moan, na sya namang ikinangiti ni James.

"I love you." Sabi nya ng nakangiti.

"I love you t--- bwakkk!" Napahawak ako sa bibig ko.

Biglang tumahimik ang paligid at lahat nakatitig sa amin.

"Bwakkk!" Parang babaliktad ang sikmura ko. Ano ba ang nangyayari sa akin?

"OMG! Buntis ka na Amanda!" Narinig kong sigaw ni Georgia.

"Three points!" Sigaw ni Stanley.

Niyakap ako ng mahigpit ni James. "Thank you baby. Pinasaya mo ako."

"T-Teka, hindi pa tayo sigurado." Sabi ko. Mahirap kasing umasa.

"Edi sisiguraduhin natin mamaya." Nagtawanan kaming dalawa.

Hindi ko inakala na kami rin pala ni James sa huli. Parehon kaming nasaktan, nagkahiwalay, pero ito kami ngayon, nangako sa isa't isa sa harap ng Panginoon at ng maraming tao. Wala na akong mahihiling pa.

----

Hinigit ako bigla ni Alex pagdating namin sa reception area.

"Teka! Halika! Georgia!" Sabi nito.

"Saan tayo pupunta?" Naguguluhang tanong ko.

"Ito na nasa akin na!" Sabi naman ni Georgia. Dinala nila ako sa CR. Anong gagawin namin dito?

"Gamitin mo dali!" May inabot sa akin si Georgia na kulay brown na bag.

"Ano ba 'to?" Kasi naman! Ang gulo!

"Ay! Ang slow!" Inagaw sa akin ni Alex ang bag at pinakita ang nasa loob.

Dalawang klaseng pregnancy test. Isang kulay pink na box at blue.

"Anong gagawin ko dito?" Pinahawak nila sa akin 'yung dalawang PT.

"Gamitin mo para malaman natin kung buntis ka. Pasok!" Tinulak pa ako ni Alex sa CR.

Nakarinig kami ng katok sa labas. "Amanda!" Si James 'yun.

"Wag kang papasok! Girls talk!" Sigaw ni Georgia.

"Hey Georgy, give me back my wife!" Natatawang sabi ni James.

"Later lover boy!" Pang aasar naman ni Alex.

Maya-maya lang ay umalis na si James, after kong sundin ang instruction ay lumabas na ako. Pinatong ko sa sink 'yung PT at tinitigan namin ng mahigit five minutes, and there! Two red lines!
"OMG! Nagsex kayo ng hindi pa kasal!" Niyakap nila ako ng mahigpit. Naiyak naman ako sa sobrang saya.

"Congrats Amanda!"

----

Inaya akong mag sayaw ni Jc sa gitna, hindi na ako tumanggi pa.

"Ikaw na lang ang single sa inyong magkakaibigan." Pang aasar ko sa kanya.

"Akala mo lang." Nagulat ako ng itaas nito ang kamay nya at may nakasuot na singsing.

"Kasal ka na? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Sa inis ko ay kinurot ko sya sa tagiliran.

"Biglaan lang kasi, ipapakilala ko sya sa inyo kapag hindi na busy." Sabi nito na hinahaplos pa ang ulo ko. Napasimangot ako.

"Siguraduhin mo lang." Sabi ko dito. Namayani ang katahimikan. "Jc, ninong ka ha?" Nginitian ko sya.

"Buntis ka nga talaga?"

"Nag PT kami kanina nila Alex, positive." Mahinang sabi ko.

"Alam na ba nya?" Napalingon kami sa gawi ni James, nakikipagsayaw ito kay Alex.

"Hindi pa. Isusurprise ko sya." I giggled.

Maya-maya lang ay kami na ni James ang magkasayaw.

"What a tiring day. Inaantok na ako baby." Bulong nya sa tainga ko.

"Talaga? Nag eenjoy pa kami baby." Sabi ko habang nakangiti sa kanya.

"Sige, dito muna tayo." Pero mukhang hindi nya napansin dahil sumayaw ulit kami. Kaso nakaramdam ako ng gutom.

"James."

"Hmn?"

"Nagugutom na kami." I big my lower lip.

"Hmn? Hindi ba kayo kumain ni Jc? Nasaan na ba yun?" Tumingin tingin pa sya sa paligid.

"Hindi naman si Jc eh." Lumayo sya sa akin ng kaunti. "Gutom na kami." Hinimas himas ko pa ang tiyan ko.

Parang slow motion na lumaki ang mata nya. "B-Buntis ka?"

Tumango tango ako. "Hmn. Not so sure pa, nagtest kami kanina and it's positive."

"God! Amanda! You made me the happiest man on earth! MAGIGING TATAY NA AKO!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw nito at niyakap ako with matching ikot-ikot pa. Nagpalakpakan naman sila.

Tinitigan nya ako. "Salamat Amanda, I love you." He kissed my lips.

"I love you too."

"I can't promise not to make you cry, but I will make sure that most of it is because of happiness, because I don't wanna see Amanda's Cry." He kissed my temple.

"Thank you baby." I hug him tight.

This is the happiest day of my life, to marry the man that I love.

-END-

Amanda's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon