13

2.2K 37 1
                                    

Naging magkaibigan naman talaga kami ni Ivan bago sya manligaw sa akin.

Nung natapos kami ay napagdesisyunan na magb-beach volleyball kami.

Kahit hindi naman ako player, kahit papaano marunong ako kaya sumali ako.

Syempre naka two piece kami. Pero may damit pa naman akong suot.

"Amanda. Pahinga muna tayo." Tawag sa akin ni Alex.

"Sige."

Naupo muna kami.

"Sexy." Bulong sa akin ni Ivan.

"Ngayon mo lang ba nalaman?" Tinawanan lang ako ng loko.

Katabi nya pala si James.

"Ang init!"

"Oo nga." Narinig kong angal ng mga kasama ko.

Nagulat ako ng hinubad nila yung damit nila kaya talagang naka two piece na lang sila.

May mga nakilaro din sa amin. Puro babae syempre at hindi ko maitatanggi na magaganda sila at sexy. Kung mamalasin ka nga naman pwersahan akong hinubaran ni Alex. Sunod na narinig ko ay puro hiyawan na.

Nagiging mainit na ang laban hanggang sa matamaan ni Alex ng bola ang isa sa mga kalaban namin. Agad na nilapitan iyon ni Stan.

Nakita kong nag iba ang itsura ni Alex kaya nilapitan ko to.

"Ok ka lang Alex?"

"Oo." Yun lang at umalis na sya.

Biglang may nagpatong ng towel sa likod ko. Si Ivan siguro. Kaso pagtingin ko, iba ang nakita ko.

"Maraming nakakakita sa katawan mo. Nakakainis." Sabi nya at inakbayan ako paalis sa maraming tao.

Bakit hindi ako makapag react?

Diba dapat hindi ako pumayag sa ginagawa nya?

Nung medyo makalayo na kami ay saka ako pumalag.

"Salamat sa towel." Sabi ko at iniwan sya.

"Amanda!" Hinarang nya ako. "Pwede bang bumalik tayo sa dati?"

Napakunot ang noo ko.

"Alin doon? Yung hindi pa tayo magkakilala? Sure." Sabi ko at akma ng aalis ng hilain nya ako.

"No! No! Gaya ng dati, nung nagdedate tayo."

"No James. Tapos na tayo dun. Ayoko na."

"Amanda Please. Wala na kami ni Tina."

Natawa ako sa sinabi nya.

"Wala na kayo kaya sa akin ka lumalapit? Ganun ba?"

"No. Nung umalis ka sa gym, sinundan kita kaya sya nagalit sa akin. Pinapapili nya ako, i left her to chase you."

"B-Bakit?"

"To say sorry. Nagkamali ako. Naging tanga ako para lokohin ka. Alam ko namang mabait ka pero nasaktan pa rin kita. Nagsisisi na ako Amanda." Napayuko na sya. "Alam ko namang hindi mo matatanggap ang sorry ko. Aaminin ko, nasaktan ako nung sinabi mo sa akin na wala lang ang lahat. Ikaw lang ang pinakilala ko sa pamilya ko, they like you. And i like you too." Hindi nya maiangat ang ulo nya. I bet he's shy. "Naiinis ako kapag sobrang lapit mo kay Ivan. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na titigan kayong dalawa na magkasama, para na akong sasabog sa galit. Tapos nagkiss pa kayo nun sa lobby. "

Ang tinutukoy ba nya ay nung ginamot ko si Ivan?

Hindi ko mapigilang mapaiyak. Nat-touch ako sa mga sinasabi nya.

Amanda's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon