Third person's POV
"Damn! Ano ba tong nagawa ko?" Sisi ni James sa sarili nya.
Oo, plano nya talagang gamitin si Amanda para balikan sya ni Tina. Balak nyang pagselosin ang Ex nya gamit si Amanda. Nagsimula yun nung mabangga nya ang dalaga.
Nung una pakitang tao lang ginagawa nya, nagiging mabait sya para makuha ang loob ni Amanda. Si Amanda kasi ang uri ng babae na maganda, sexy, magaling sumayaw, mabait, at matalino, kaya panigurado na ma-iinsecure ang Ex nya.
Pero nung makilala nya talaga ng lubusan si Amanda, nag-umpisa ng mabuhay ang konsensya sa pagkatao nya.
Naisip nya na napakabait na babae ni Amanda para gamitin nya.
Dapat ay ingatan ang dalaga. Ituring na parang baso na babasagin. Alam nya na madaling umiyak ang babae, kaya hangga't maari ay ayaw nya itong masaktan. Kaso bigo sya, dahil sya rin pala ang naging dahilan para umiyak ulit ang dalaga.
"Marerealize mo lang pala ang halaga sayo ng isang tao kapag wala na sya." Kausap ni James sa sarili nya.
"Ganun naman talaga ang buhay." Napalingon sya sa nagsalita. Si Jc. "Oh ano? Kinarma ka na? Sabi ko naman kasi sayo tigilan mo na eh."
"Sige. Sisihin mo pa ako. Nakakatulong ka."
"Tsk! Ngayon? Dalawang babae pa ang nawala sayo."
"Oo na Jc. Alam ko na yun."
"Ano ng plano mo?"
"Hihingi pa rin ako ng tawad kay Amanda."
"Pare hayaan mo na yun. Akin na lang sya."
"Gusto mong mamatay?" Pagbabanta nya sa kaibigan.
"Bakit ba? Suyuin mo na lang ulit si Tina."
Bakit nga ba?
"Hindi pwede."
"Pare wag mong sabihin sa akin na may gusto ka na sa kanya?"
May gusto na nga ba ako sa kanya? Bulong ni James sa sarili.
Nagbalik sa kanya ang ala-ala na magkasama sila.
Yung mga ngiti ni Amanda.
Yung mga mata nya.
"Baby. Gusto ko si Amanda. Palangiti sya, at alam ko na mabait sya."
"Oo nga bunso. Pati yung mga titig nya sayo, kakaiba. Panigurado may gusto yun sayo." Segunda ng ate janet nya. Naalala nya ang usapan nila ng pamilya nya.
Siguro nga nahulog na rin sya kay Amanda.
"Hala! May gusto ka na nga sa kanya! Woo~ Ang babaero na si James! Inlove! Woo~"
"Shut up Jc!"
.
.
.
.
Amanda's POV
6pm nung bumaba na kami para kumain. Magkatabi kami ni Alex.
"Kain ka na marami Amanda. Pinagbilin yun ni Yaya." Sabi ni Alex.
"Sige."
Kahit wala akong gana, pinipilit ko pa ring kumain. Paano naman ako gaganahan kung kaharap ko sa lamesa si James, at ang masama nakatingin pa sya sa akin.
Tumayo na ako.
"Amanda, tapos ka na?"
"Oo Alex. Aakyat na ako."
BINABASA MO ANG
Amanda's Cry
ChickLitMaganda, sexy, matalino, mabait. Yan si Amanda Arden. Kung tutuusin swerte ang lalaking iibigin nya. Pero bakit ganun? Walang nagtatagal sa kanya? "Yun lang ba ang habol nila sa akin?" Lagi nyang tanong sa sarili. Mahahanap nya ba ang pag-ibig nya s...