4

2.6K 44 0
                                    

4

May practice pala kami mamaya.

Daily Routine. Unti lang ang kinain ko ngayon para kapag binuhat ako, magaan lang. Haha.

Napaka gandang bati sa umaga ang nakita ko.

Si James na naka upo sa labas sa gilid ng gate namin.

"Good Morning." Bati ko sa kanya. Napalingon naman sya sa akin.

"Good Morning din." Sagot nya at tumayo na. "Let's go?"

Tumango na lang ako.

Sabay na kaming naglakad. Holding hands! Landi! Haha.

Tahimik lang kaming naglakad. Nahihiya talaga ako. Pinagtitinginan kasi kami ng tao.

"Anong time ang out mo mamaya?" Napalingon ako sa tanong nya.

"B-Baka gabihin ako. May practice kasi kami mamaya." Ano ba yan! Natetense ako!

"Practice saan?"

"Sa cheer dance."

"Kasali ka pala dun?" Parang natuwa sya sa sagot ko.

"Oo."

"Tingin mo anong oras ang tapos nyo?" Sabi nya sabay ngiti sa akin.

"Baka 8pm."

"Hmn. Sige, hihintayin kita."

Parang nabuhay ang dugo ko dun.

Hayyy.. Ano ba naman to!

.

.

.

.

Hinatid nya ako sa classroom.

Nakasalubong namin si Stan, friend nya. Kasama rin si Alex.

Agad kong binawi ang kamay ko kay James.

"James. James. James." Sabi ni Alex na medyo mataray.

"Good Morning din Alex." Masayang bati ni James.

"Mukhang masaya ka pare ah." Pang-aasar ni Stan.

"Pare. We're officially dating!" Sigaw nya sabay hila sa kamay ko at tinaas.

Halos mamatay na ako sa sobrang hiya. Napatingin sa amin ang mga students na nasa corridor.

Hahh~~

"Nililigawan mo ba sya?" Tanong ni Alex.

"N-No. We're just dating." Agad na sagot ko.

"Date-date. Saan din ba ang punta nun?" Sabi ni Alex.

"Babe. Hayaan mo na sila." Sabi ni Stan sabay akbay kay Alex. Niyaya nya ng pumasok sa classroom.

"Amanda, mamaya ha?" Pagpapaalala pa sa akin ni James.

"O-Oo."

.

.

.

.

Practice.

I'm wearing a fitted sando and a shorts.

Ang daming student sa loob ng gym. Dito kasi kami magpapractice.

Tumingin-tingin ako sa paligid. Nagbabakasakaling makita ko si James, pero wala.

"Warm up muna tayo Girls." Sabi ko sa kanila.

Hindi ko pala nasabi na Captain ako ng Cheering Squad ng school namin.

Halos puro lalaki ang nanunuod sa amin. Hindi na nakakapanibago.

Sinimulan na naming sumayaw. Bagong routine, bagong stunt, at bagong music.

"Ulit!" Sigaw ko ng hindi kami magkasabay-sabay sa step.

.

.

.

.

7.10 ng matapos kami sa practice.

Nagshower na ako.

"Aww. Nakalimutan ko magdala ng damit." Isang sando at isang shorts lang ang dala ko. "Malamig na sa labas."

Naalala ko na may jacket pala ako sa locker. Yun na ang sinuot ko.

Sabay akong lumabas kasama ang mga kateam ko.

"Amanda, sasabay ka ba sa amin?" Tanong sa akin ni Rose.

"Ah, hindi na. A-Ano kasi.."

"Ahh! Alam ko na! May sundo ka no? Si James?!"

"A--"

"Ang sweet naman! Sige una na kami." Sabi nya at umalis na.

Bakit ganun? Hindi ako pinapatapos magsalita ng mga kumakausap sa akin? Tsk!

------

Bitin!

Amanda's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon