2

4K 78 0
                                    

2

Amanda's POV

Saturday.

Kinakabahan ako. I'm wearing red tube na fitted, and a pair of black heels. Nakalugay lang ang buhok ko.

(Beep. Beep)

"Amanda! Nandyan na ang sundo mo."

"Opo Ya."

Paglabas ko sa gate, agad na bumungad sa akin ang likod ni James.

Likod pa lang nakaka-akit na. What? Nakaka-akit?

"J-James."

Tinignan nya ako from heat to toe. Nahiya naman ako sa ginawa nya.

"You look beautiful."

"Salamat."

"Let's go?"

Pinagbuksan pa nya ako ng pinto.

.

.

.

.

Nakarating na kami sa bar.

Ang daming tao.

Lumapit kami sa table ng mga friends nya.

"Nice James. Kaya pala hindi mo ako tinawagan para hanapan ka ng kasama dahil meron na pala. Ang ganda pa."

"Hindi na kayo nasanay. Iba-iba naman lagi ang kasama nyan eh."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa mga sinabi ng kaibigan nya.

"Guys, si Amanda nga pala." Nakipagkilala na ako sa mga kaibigan nya.

Napatunayan ko na ang sinabi ni Alex, babaero talaga sya.

"Maupo ka muna Amanda. Kukuha lang ako ng drinks."

"Ok."

Kung titignan mo ang pwesto namin, wala kang makikita na nag-iisa dahil lahat sila ay may partner.

"Hi." May tumabi sa aking lalaki. Isa sa mga kakilala ni James. Ngumiti lang ako.

"So ikaw naman ngayon ang date ni James?" Kailangan talagang ulit-ulitin?

"O-Oo."

"By the way, I'm Ryan." Nilahad nya ang kamay nya, tinanggap ko naman. Kaso nagulat ako ng yumuko sya at hinalikan ang likod ng palad ko.

"Hey. Hey! That's my date!" Biglang dumating si James.

"I know. Nakikipagkilala lang naman."

"Really? Now you know her, back off." Natawa lang si Ryan at umalis na.

Inabot nya sa akin yung drinks at naupo sa tabi ko.

"Don't talk to anyone." Sabi nya.

"Ha?" Tama ba pagkakarinig ko?

"I said, don't talk to anyone." Kalmado nyang sabi.

Naguguluhan ako. Bakit? Bad breath ba ako?

"Nakipagkilala lang naman si Ryan."

Nilingon nya ako at nakipagtitigan lang. hindi ko na kinay kaya umiwas na ako at uminom na lang.

Parang may mali.

"Ano to Juice?" Naguguluhan kong tanong.

"Bawal ka daw uminom kapag ako kasama mo sabi ni Alex." Natawa ako. Nakwento ko kasi sa kanya.

"Bakit ka tumatawa?"

"Wala."

"Guys sa dance floor tayo!"

"Let's Dance!" Nag-aaya na yung mga kasama naming babae.

"Tara girl!" Nagulat ako ng bigla akong hinila nung isang babae.

"W-Wait." Hinanap ko si James, kaso nawala sya.

Nasa gitna na kami. They're so wild. Ibat-iba ng eksena ang nagaganap.

Kailangan ko ng umalis dito. Mag c-cr muna ako.

Bago ako makapasok sa C.r, may nahagip ang mata ko. Sinundan ko yun hanggang sa makarating ako sa sulok ng bar. Pamilyar yung lalaki.

Biglang sinandal ng lalaki yung babae sa wall. Lumakad ako ng kaunti para makita kung ano.

Alam kong hindi dapat ako maki-alam sa business nila, kaso naiintriga ako.

Ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanila. Walang masyadong tao sa pwesto nila.

Nagulat ako ng biglang halikan ng lalaki yung babae. Aalis na sana ako ng biglang nagpalit sila ng pwesto.

T-Tama ba tong nakikita ko? Biglang nagtama yung mata naming dalawa.

Dapat ba akong magalit? No.

Agad akong tumakbo palabas ng bar.

"Amanda!"

Humarang sa akin si James.

"I-I'm sorry. Gusto ko na kasing umuwi. Masama ang pakiramdam ko." Pagpapalusot ko.

"Ganun ba. Ihahatid na kita."

"No. Bumalik ka na dun. Ok lang ako."

"Are you sure?" Of course not.

"Oo." Nagsmile pa ako.

"Ok. Ingat ka." Tumalikod na sya sa akin at naglakad palayo.

Tsk. Hindi nya maiwan yung "business" nya sa loob. Syempre nagpapakipot lang ako. Tsk!

Agad kong denial ang no. ni Georgia para magpasundo.

.

.

.

"What?!" Kwinento ko kasi kay Georgia ang lahat.

"Don't shout." Napatakip na ako sa tenga ko, kanina pa kasi sya.

"Loko yung James na yun ah."

"Ok lang yun."

"Walang ok-ok sa akin Amanda!" Dapat talaga hindi ko na sinabi sa kanya eh.

"Wag ka ng sasama dun ah." Napatango na lang ako at pumasok na sa bahay.

"Welcome Home." Bulong ko sa sarili ko.

"Amanda?" Halos malaglag na ang puso ko sa sobrang gulat.

"Yaya naman eh! Nagulat po ako. Bakit gising pa po kayo?"

"Nagulat ba kita? Tumawag kasi ang tito mo kanina, kinakamusta ka."

"Ganun po ba? Tatawagan ko na lang po sya mamaya."

Umakyat na ako sa kwarto.

My parents died in a car accident two years ago. Kaya ngayon, ako at si yaya na lang ang magkasama sa bahay.

Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pangyayari, nasa backset ako nun.

Gusto ko man' kalimutan, pero hindi ko magawa.

--------------

Vote.Comment.Share.Let's be friends :))

Love yah!

Amanda's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon