Parang gumaspang ang kamay ni James, hindi tulad ng dati na napakalambot. At 'yung likod nya, lalong lumapad, parang ang sarap yakapi-Teka! Kung ano-ano na naman ang nasa isip ko.
"James! Aray! Nasasaktan ako!" Hinila nya talaga ako palabas ng bahay nila Alex.
"Just shut up!" Sigaw nito.
Short temper.
"Get in." Utos nito sa akin pagkatapat namin sa kotse nya.
"Why should I? May kasama ako papunta dito at sya rin ang kasama ko uuwi." Inirapan ko pa sya.
"Gusto mo bang sirain ko pa 'yang kotse nya?!" Pagtuturo nya sa kulay pulang kotse ni Jc.
"Do it! I don't care!" Ako pa talaga ang tinakot nya ah.
(wing wing wing wing wing) I was shocked ng makita ko ang salamin ng kotse ni Jc, sira na!
"Ano?! Hindi ka pa rin ba sasakay?" Sigaw nya, akmang babasagin nya pa ang side mirror.
"No! Stop! Oo na!" Agad akong pumasok sa kotse nya, I'm so sorry Jc.
Hindi rin nagtagal, pumasok na rin sya sa kotse. "Put your seatbelt on." Maawtoridad na utos nya.
Hindi na ako kumontra pa. Baka kung ano na naman ang gawin nya.
"Saan ba tayo pupunta?" Kanina pa kasi sya nagdadrive.
Hindi nya ako sinagot.
"Pwede ba magsalita ka? Hindi naman pwede 'yung bigla mo na lang akong hihilain tapos hindi ko alam kung saan tayo pupunta, paano kung--"
"Will you please shut up?! Ang iingay nyong mga babae!" Sigaw nito.
"Bakit ba puro ka na lang sigaw? Nandito lang naman ako sa tabi mo." Iritable na sigaw ko. Pati tuloy ako napapasigaw.
"I'm sorry." Humina ang boses nya.
Maya-maya lang ay nagpark kami sa tapat ng isang bahay, I guess bahay nya.
"Pumasok ka muna sa loob." Utos nya.
Mukhang ipapark nya pa ang kotse nya, kaya nauna na ako. Hindi kalakihan ang bahay nya, siguro dahil mag isa lang sya.
"Wow." Bulalas ko. Ang ganda ng loob, pang lalaki talaga. Combination of white and black. Yung couch, kulay itim, parang nang-aakit na maupo ka dun.
So, naupo nga ako sa couch. Ang sarap sa likod.
"You like it?" Napabalikwas ako ng tayo.
"Bakit mo ako dinala dito?" Tanong ko, sana naman sagutin nya na ako.
"Bakit si Jc?" Tinanong nya rin ako.
"Anong bakit si Jc?" Balik tanong ko.
"Wala mo akong sagutin ng tanong Amanda." Parang anytime ay sasapakin na ako nito.
"Ano ba kasing meron kay Jc?"
"Kayo na ba talaga ni Jc?" Paglilinaw nya sa tanong nya.
Napataas ako ng kilay. "Ano naman sayo?" Tinaasan ko pa sya ng kilay.
"Gumaganti ka ba? At kaibigan ko pa talaga ang pinili mo?" Galit na sya.
"Wag kang magsalita na parang ang linis mo!" Hindi ko maiwasan ang pait sa mga salita ko.
"So you've changed." He smirked.
"Yeah. Hindi na ako 'yung Amanda na madaling mauto, madaling maloko." Nginitian ko sya.
"Good for you. Well, sinong isusunod mo? Si Stan? Si John?" Parang nandidiri na sabi nya.
"How dare you--"
"Bakit? Hindi ba?! Ganun naman ang plano diba? Ang akitin lahat ng--" I cut his words using my palm. I slapped him hard.
"I can't believe you. Ganyan ba ang tingin mo sa akin?" Kinagat ko ang lower lip ko para pigilan ang paghikbi ko. "Hindi ka pa ba naging masaya sa panlolo ko sa akin at sinasabi mo 'to? Kaya mo ba ako dinala dito para pagsalitaan ng ganyan?"
Wala na. I can't control my emotion anymore. Napahagulgol na ako. Akala ko na kaya ko na, akala ko matapang na ako, pero hindi pa pala. Nasasaktan pa rin ako ng dahil sa kanya.
Tinignan ko sya ng masama. "I don't want to see you anymore, kahit na ang anino mo! I hate you." May diin sa bawat salita ko para malaman nya na kinasusuklaman ko sya.
Dire-diretso na akong lumabas ng bahay nya. Pagdating sa kalsada, para akong sira na naglalakad habang umiiyak. What now? Hindi ko nadala ang pouch ko. Wala akong cellphone.
Nakalabas na ako ng village, wala bang taxi manlang? Ano bang klaseng lugar 'to?
"Amanda!" I saw James, tumatakbo palapit sa akin. Binilisan ko pa ang paglakad. Tiis lang kahit masakit na sa paa.
"Amanda! Stop!" Stop your face.
"Amanda! Come back!" Parang nahiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko ng higitin nya ako kaya natapilok ako. Buti na lang nasalo nya ako.
Sa sobrang inis ko, pinaghahampas ko sya sa dibdib. Pilit nyang hinahabol ang kamay ko para pigilan ako, and he succeed.
"Stop! Sabi ko sayo tumigil ka sa paglakad e!" Hinawakan nya ako sa wrist ng mahigpit dahil talagang kapag nabitawan nya ako, tatamaan sya sa akin.
"Ano pa ba ang kailangan mo? May sasabihin ka pa bang masama? Ano?!" Nakakainis!
"I-I'm sorry." Hindi sya makatingin sa akin ng diretso. I waited for that long time ago. Nung time na nakita ko sya na may kahalikan ng iba, yun ang hinihintay ko na sabihin nya.
"I'm sorry for being rude. I didn't mean that."
Tinitigan ko lang sya. I didn't say anything.
"Magreact ka naman." Muntik na akong matawa dahil frustrated na talaga sya.
"Hindi mo naman kailangan pagdudahan ang kaibigan mo. Pati ano naman kung kami, kilala natin si Jc, alam nating mabait sya." Paliwanag ko.
"You're my girlfriend. You don't have the right to date anyone." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. B-Boyfriend ko sya?
"Are you out of you're mind? Matagal na tayong hiwalay James!"
"Wala akong maalala na pumayag ako."
"Hindi mo kailangang pumayag dahil desisyon ko 'yun." Bakit ba nagkakaganyan sya?
"Para saan pa na naging magpartner tayo kung ikaw lang ang magdedesisyon?" Seryosong sabi nya.
"James, wala akong panahong makipaglokohan sayo." Natatawang sabi ko. Hindi dahil sa saya, kundi dahil sa pait.
Alam ko na chase lang ang gusto nya kaya sya nagkakaganyan. Hindi na ako magpapauto pa sa kanya.
Hinawakan nya ang kamay ko at iniyakap sa likod nya. Nahigit ko ang hininga ko ng maglapat ng dibdib namin. Kaunti na lang mahahalikan nya na ako.
"I know it's too late, but can you forgive me?"
BINABASA MO ANG
Amanda's Cry
ChickLitMaganda, sexy, matalino, mabait. Yan si Amanda Arden. Kung tutuusin swerte ang lalaking iibigin nya. Pero bakit ganun? Walang nagtatagal sa kanya? "Yun lang ba ang habol nila sa akin?" Lagi nyang tanong sa sarili. Mahahanap nya ba ang pag-ibig nya s...