Maaga ang pasok ko ngayon dahil ngayon na ang laban namin. Sinuot ko na kaagad ang costume namin. White with the touch of blue fitted long sleeves na hanggang dibdib lang, at palda na napaka iksi, syempre naka stocking ako, at white rubber shoes. Naka ponytail lang ako. Nag jacket muna ako.
And to my surprise. Nasa labas na agad si James.
"You look pretty." Sabi nya sa akin.
"S-Salamat."
Kinuha nya yung dala kong bag at nilagay na sa kotse nya.
"Galingan mo mamaya ah?" Sabi nya sa akin pagka sakay namin.
"Oo naman. Manunuod ka ba?"
"Syempre. Malakas ka sa akin eh."
Biglang nag init ang mukha ko sa sinabi nya.
.
.
.
Sinalubong agad ako ng mga kateam ko pagbaba ko sa kotse ni James.
"Captain tawag tayo ni Teacher."
"Oh sige." Kihuna ko kay James yung bag ko.
"Itetext na lang kita mamaya." Sabi nya sabay kindat.
Napangiti na lang ako at tumalikod na.
Wait. Meron ba syang number ko?
Lumingon ako, kaso wala na sya.
"Amanda kayo na ba?"
"Lagi ka nyang hinahatid."
"Kahapon nakita ko kayo sa mall." Pag-uusisa nila sa akin.
At ang sagot ko.
"We're just friends." Sabay takbo.
"Hoy Amanda!"
"Andaya mo!" Narinig kong pagtawag nila sa akin.
(BANG)
"Ouch~" Napahawak ako sa noo ko. Bumangga kasi ako.
Napa-angat ang ulo ko.
"I-Ivan." Aalis na sana ako kaso bigla syang nagsalita.
"Iniiwasan mo ba ako Amanda?"
"H-Hin--"
"Dahil ba kay James? Nililigawan ka ba nya?" Diretsong tanong nya.
"No."
"Edi pwede pa akong manligaw?"
"A-Ano kasi."
"Basted na naman ako?"
"Sorry Ivan. Mabait ka naman eh. Kaso kaibigan lang ang turing ko sayo."
"Amanda! Tara na!" Agad akong hinila ni Rose.
"Babye Ivan!"
"Everyone! Ienjoy nyo lang ang sayaw. Wag kompetisyon ang isipin nyo. Lalo na sa mga graduating. Enjoy!"
"Yes Ma'am!"
Maya-maya lang kami na ang sasayaw.
Enjoy lang daw.
"And now. Let's give a round of applause for Sophia Squad!"
Kami na yun! Pumunta na agad kami sa gitna.
Matiwasay namang natapos ang sayaw. At sa huli naka first place kami. Ok lang. Nag enjoy naman kami.
"San tayo magcecelebrate?"
"Bar tayo!"
"Kasama daw tayo sa outing ng volleyball at basketball!"
"Hindi ako sasama!"
BINABASA MO ANG
Amanda's Cry
ChickLitMaganda, sexy, matalino, mabait. Yan si Amanda Arden. Kung tutuusin swerte ang lalaking iibigin nya. Pero bakit ganun? Walang nagtatagal sa kanya? "Yun lang ba ang habol nila sa akin?" Lagi nyang tanong sa sarili. Mahahanap nya ba ang pag-ibig nya s...