Amanda's POV
Ok naman ang naging final practice namin.
Bzzt. Tinignan ko kung sino yung nagtext.
From: Ivan.
Amanda, isama mo yung ibang girls ha? Nandito na kami sa canteen.
Nagshower lang kami sandali at pumunta na sa canteen. Dalawang girls lang ang kasama ko. Si Rose, at si Ann.
Nakita agad namin sila. May kasama syang tatlong lalaki. At kasama pa si James.
"Amanda upo ka na dito." Pag-aalok sa akin ni Ivan.
Ivan Ako Rose
Ann James Ian Raymond
"Amanda si Ian nga pala, si James, at Raymond." Pagpapakilala ni Ivan.
"Hello." Bati ko kila Ian at Raymond. Hindi ko tinignan si James. "Mga kateam ko pala. Si Rose at Ann."
Masaya naman kaming kumain. Nilibre kaming lahat ni Ivan.
"Ivan salamat pala sa merienda." Pagpapasalamat ko.
"Walang anuman Amanda. Next time ulit." Gumanti rin sya ng ngiti.
"Sige. Bye." Sabi ko at nagpaalam na. Niyaya ko na rin sila Rose.
Naglalakad na kami pabalik sa room.
"Ang bait ni Ian." Sabi ni Rose.
"Oo nga eh. Gentleman pa sya." Sabi naman ni Ann.
Nagitla ako ng may humawak sa braso ko. Napalingon din sila Rose.
"Ano ba James?"
"Let's talk." Sabi nya at sapilitan akong hinila.
"A-Aray! Nasasaktan ako!" Pag-angal.
"Please be quiet. Ok?"
"Bitawan mo ako!"
Binitawan nya ako nung nasa parking lot na kami.
"What's with you Amanda? Nag sorry na nga ako diba?" Galit nyang sabi.
Nagulat ako. Hindi ko pa nagawang makipag-usap sa taong galit. Lalo na sa lalaki.
"Your sorry is not enough." Nakayuko kong sabi.
"Wow Amanda! Ang taas mo naman. Anong gusto mong gawin ko? Lumuhod? Hell no!"
"Then don't!" Sigaw ko sa kanya. "Lahat ng nangyari sa akin nung gabi na yun, it's all your fault! Ginawa ko ang isang bagay na kinakatakutan ko because of you!" Naramdaman kong tumulo na ang luha ko. Agad ko naman yung pinunasan.
"Nakalimutan ko. Hindi naman dapat ako magalit ng ganito. It's my fault for believing you."
"I didn't mean that. Ok? I'm sorry."
"Ok you didn't mean. Let's stop this." Sabi ko at umalis na."
"Wait!" Hinila nya ulit ako.
"What?" Inis na sabi ko.
"Stop what?" Nakakunot noo nyang tanong sa akin.
"Stop this. Tigilan na natin ang pagdedate!"
"What? No!"
"Wala ka ng choie."
"Amanda please. Gusto kitang makilala ng mabuti."
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa sinabi nya.
"Please give me second chance."
Everyone deserves second chance diba?
Tumungo-tungo ako.
BINABASA MO ANG
Amanda's Cry
ChickLitMaganda, sexy, matalino, mabait. Yan si Amanda Arden. Kung tutuusin swerte ang lalaking iibigin nya. Pero bakit ganun? Walang nagtatagal sa kanya? "Yun lang ba ang habol nila sa akin?" Lagi nyang tanong sa sarili. Mahahanap nya ba ang pag-ibig nya s...