"Tito?" Para namang biglang namutla si James.
Tinignan ni tito si James, mula ulo hanggang paa.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Bigla kasing napaatras si James.
"G-Good Morning po." Nauutal na sabi ni James.
"Good Morning din." Bati naman ni tito saka tumingin sa akin. "Boyfriend mo 'to Amanda?"
"O-Opo."
"Bakit hindi ko ata nalaman na nililigawan ka nito sa bahay?"
Napayuko na lang si James.
"Tito naman.."
"Sa baba na lang tayo mag-usap. Hihintayin ko kayo sa sala." Yun lang at bumaba na si tito.
"Hoo~" Wow ah. Ang lalim ng hininga ni James.
"Ok ka lang?"
"No! Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Grabe makatingin yung tito mo, para akong kakainin ng buhay." Sabi nya na hindi mawarian yung mukha.
Hindi ko na mapigilan, kaya natawa na ako.
"H-Hey! Why are laughing? Anong nakakatawa?"
"W-Wala." Imik ko habang pinipigilan ang tawa ko. "Bumaba ka na dun. Susunod na lang ako."
"No!" Matigas nyang sabi "Hindi ako bababa hangga't hindi kita kasama." Pagdadagdag nya.
Natawa na naman ako.
"Haha! Ano ba James! Hindi ka naman kakainin ng buhay ni tito. Bumaba ka na. Maliligo lang ako."
"No. Hihintayin kita." Pagmamatigas nya pa rin.
"James naman!"
"No! Ayoko!" Sabi nya at naupo pa sa kama.
Natatawa na naiinis ako sa inaasta nya. Nasapo ko na lang ulo ko.
"Ok! Maliligo lang ako sandali. Wag kang maninilip ah!" Pagbabanta ko sa kanya.
"Ok. Dalian mo baby~" Napailing na lang ako.
.
.
.
Pagkatapos kong maligo at makapag ayos ay bumaba na rin kami. Medyo nahiya pa nga ako kay James kasi habang nag aayos ako ay nakatitig sya sa akin.
Nadatnan namin si tito na seryosong nakaupo sa sala.
Umupo kami sa tapat nya.
Tinignan nya lang kami ng maigi.
"Meron bang naganap na ligawan?" Seryosong tanong ni tito.
"Meron po." Kalmadong sagot ko.
"So James, nag-aaral ka ba?"
"Po? O-Opo. School mate po kami ni Amanda." Kinakabahang sagot ni James.
What's with him? Bakit takot na takot sya kay tito.
"Course?"
"Business Ad. po."
Napatango-tango na lang si tito.
"So nasabi na ba sayo ni Amanda ang pagpunta nya sa America?" Biglang natanong ni Tito. Pati ako nabigla.
Nakakunot noong napatingin sa akin si James.
"America?" Bulong nya sa akin. Pero alam kong hindi lang basta tanong yun. Ramdam ko na may kasama yun na lungkot.
"Ok. That's enough tito. We'll talk later." Ako na ang sumagot, mahirap na baka kung ano na naman sabihin nito.
I saw tito smirked. Plano nya na naman to.
"Ok. Basta wag mo lang kalimutan na sabihin to kay Daddy." Sabi ni tito bago ngumiti lalo ng nakakaloko.
Napasapo na lang ako sa noo ko.
Nung umalis si tito ay walang nagsalita sa amin.
Minsan talaga hindi ko alam kung nanandya ba si tito o wala lang talaga syang pakialam. Hayy.
"Ano yung sinabi sayo ng tito mo Amanda?" Pangbabasag ni James sa katahimikan.
"A-Ano. Sabi kasi ni lolo kapag grumaduate daw ako, dun na ako magsstay sa America." Nakakakaba naman to.
"Pumayag ka?" Ulit na tanong nya. Hindi ko makita yung mukha nya dahil nakatungo ako.
"K-Kasi.. Si lolo na nagsabi nun eh."
"Iiwan mo ako?" This time napatingin na ako sa kanya. Nakatitig din sya sa akin. May halong lungkot ang mga mata nya.
"Ayoko syempre." Agad na sagot ko at hinawakan ko ang kamay nya na nakapataong sa hita nya.
"Hindi ko kaya ang Long Distance Relationship." Diretsong sabi nya.
Napakagat labi ako.
Paano pala kung matuloy ako? Maghihiwalay kami?
"K-Kakausapin ko si lolo." Binitawan ko na ang kamay nya.
Ewan ko. Parang nasaktan ako sa sinabi nya. Pwede naman naming itry yun diba? Marami namang nagsusurvive na long distance relationship eh. Pati uuwi naman ako dito kung sakali.
"Gusto mo ng kasama?" Sya naman ang humawak sa kamay ko at pinatong sa hita nya.
"N-No. Ako na lang."
Tinaas nya ang chin ko at pinagtama ang mga mata namin.
"Please Amanda. Dito ka na lang." Sincere na pakiusap nya. Tumango-tango na lang ako. Agad nya rin akong niyakap.
Parang lahat ng pag-aalinlangan ay nawala sa pakiramdam ko. Napalitan iyon ng pagmamahal. Pagmamahal ko kay James.
.
.
.
.
Nung natapos ang klase ay agad akong pumunta sa bahay ni lolo. Hindi na ako nagpahatid pa kay James.
Dumiretso ako sa study room ni lolo, at nakita ko dun si tito na prenteng nakaupo. Bakit parang alam nya pupunta talaga ako dito?
"Maupo ka Amanda." Pag-aalok pa nya sa akin. Sinimangutan ko lang sya.
Panigurado nasabi na ni tito kay lolo at dahilan ng pagpunta ko dito.
"Why are you here my beautiful niece?" Nakangiting sabi ni tito.
"Seriously tito?" Naiinis na sabi ko.
"Hey. Stop the both of you." Pag-aawat ni lolo. "Nasabi sa akin ng titoo na may boyfriend ka na daw."
"O-Opo."
"Kailan pa?" Tanong ni lolo sabay inom ng kape.
"Hindi pa naman po gaano katagal."
"So pwede mo pang ibreak?" Diretsong tanong ni lolo na syang kinabigla ko.
"Lo naman!"
"We're already done talking about this Amada." May halong pananakot ang tono ni lolo.
"Lo! I can work here. In your company!" Pangangatwiran ko pa.
"No Amanda. Sasama ka sa akin sa America. Doon sa branch natin ikaw magtatrabaho."
"H-Hindi po ako magaling mag english!" Agad na sagot ko.
Nakita kong natawa si tito. Kainis!
"Stop lying Amanda. Kaka-english mo lang kanina."
"Lolo naman." Yun na lang ang nasabi ko, alam kong talo na ako.
"Long distance relationship~~" Pang-aasar ni tito.
"Ayaw nya nun." Agad silang napatingin sa akin. At ngayon nagsisisi na ako sa sinabi ko, ang sama na ng tingin sa akin ni lolo.
"Then break up with him! Hindi sya deserving sayo!" Matigas na sabi ni lolo.
"Daddy is right. If he really loves you, kahit gaano kalayo ka pa kakayanin nya." Sige tito gumatong ka pa.
"You're right son." Tinignan ko si tito ng masama.
BINABASA MO ANG
Amanda's Cry
ChickLitMaganda, sexy, matalino, mabait. Yan si Amanda Arden. Kung tutuusin swerte ang lalaking iibigin nya. Pero bakit ganun? Walang nagtatagal sa kanya? "Yun lang ba ang habol nila sa akin?" Lagi nyang tanong sa sarili. Mahahanap nya ba ang pag-ibig nya s...