3

3.3K 62 0
                                    

3

Monday Morning.

"Amanda! Gising na hija. May bisita ka."

Panigurado si Georgia na naman yun. Hindi pa ba sya tapos manermon kagabi?

"Paakyatin mo na Ya."

"Sigurado ka?"

"Opo naman."

Nakahiga pa rin ako sa kama. Inaantok pa kasi ako. Tinanggal ko na ang kumot ko.

Naka shorts lang ako at sando kapag natutulog, para presko.

"Witwiw~"

Kailan pa natutong sumipol si Georgia?

Naupo ako at dinilat ang mata ko.

"Ahhh~~!" Agad akong nagtakip ng katawan. "A-Anong ginagawa mo dito?"

"Pinaakyat ako ng yaya mo eh." Sabi nya na natatawa pa.

"A-Akala ko si Georgia ka eh. Teka. Bakit ka ba nandito?" Naguguluhan kong tanong.

"Dinadalaw ka." Nakangiting sabi nya.

"Wala naman akong sakit eh."

"May sakit lang ba ang dinadalaw?"

"Sabi ko nga."

Umupo sya sa gilid ng kama ko.

"Anong oras pala ang pasok mo ngayon?"

"9 am." Sabi ko habang tinatali ang magulo kong buhok.

"Sabay na tayo. 8am na. Hihintayin na lang kita sa baba." Yun lang at lumabas na sya.

Napangiti na lang ako.

.

.

.

.

Pagbaba ko, nakita ko si James na nanunuod.

"Amanda, kumain ka na dyan."

"Opo Ya. Ikaw James?"

"Kakakain ko lang sa bahay." Sagot nya habang nakatingin sa tv.

Binilisan ko na ang pagkain ko dahil nakakahiya naman sa kanya kung maghihintay pa sya.

Paglabas namin nandun na ang kotse, pinagbuksan nya pa ako.

Gentleman, Check!

10 mins. lang ang tinagal ng byahe namin, malapit lang kasi.

"Salamat." Nauna na akong maglakad. Ang dami kasing tao na nakatingin sa kotse nya.

"Amanda! Wait!"

Tumigil ako pero hindi ako lumilingon. Pumwesto sya sa harap ko.

"Bakit mo naman ako iniwan?" Nagtatampo na sabi nya.

"A-Ano.. Kasi." Ano bang sasabihin ko?

"Ano?"

"Wala." Sabi ko at nilagpasan na sya.

"Wait!" Narinig ko na namang sigawn nya at inakbayan ako.

"Hoy! Hoy!" Si Alex ba yun?

Tinanggal ni James yung kamay nya sa pagkaka-akbay sa akin.

"Layo-layo James ah!" Pagbabanta ni Alex.

"Alex naman!" Parang bata sya! Ang cute!

"Ano? Aangal?" Mataray na sabi ni Alex.

"Amanda mamaya ha?" Sabi ni James saka tumakbo.

"Anong mamaya Amanda?" Tanong ni Alex.

"Ihahatid nya daw ako pauwi."

Amanda's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon