5
Tumayo lang ako sa labas ng gate, dito ko na lang hihintayin si James.
"Hija. May hinhintay ka ba?" Tanong sa akin ni kuya Guard.
"Opo." Yun lang at pumwesto na si Kuya Guard sa gilid ng gate.
.
.
.
.
7.50pm pa lang naman. Baka 8pm pa sya dadating.
.
.
.
"Manong anong oras na po?"
"8.10 na. Anong oras ba ang sundo mo?"
"8 po eh. Baka po na-late lang."
Buti na lang night shift si Manong.
.
.
.
.
"Hija 8.40 na. Ipapara na kita ng taxi."
"Oh sige po Manong."
Pinara na nga ako ni Manong ng taxi. Nasaan kaya si James. Baka nakalimutan nya.
"Manong salamat po." Nginitian ko na lang si Kuya.
"Oh sige ingat."
Umandar na ang taxi.
Inaantok ako. Nakakapagod.
"Kuya sa Pines Village lang po."
"Sige."
.
.
.
Bakit parang ang tagal? Dapat 15 minutes lang ah.
"Kuya?"
Bigla nyang tinabi yung taxi at humarap sa akin. Katabi ko lang sya kaya nagulat ako ng bumunot sya ng baril.
"Miss holdap! Ilabas mo lahat ng pera mo! Pati yang sing-sing mo! Pati kwintas!"
Nanginginig na inabot ko sa kanya lahat ng pera at alahas ko.
"Bilisan mo!"
"O-Opo!" Naiiyak na ako.
"Yung cellphone mo!"
"Ito na po."
"Labas!" Tinulak nya ako palabas ng taxi nya at nagmamadaling umalis.
Napasalampak ako ng upo sa kalsada ang nag-iiyak.
Ano ng gagawin ko?
Tumingin-tingin ako sa paligid. Ang dilim.
May naaninag akong ilaw. Ilaw ng sasakyan. Agad akong tumayo at pinara yun.
Pinasakay naman ako nila ako. Ang masama nga lang ay sa backseat na lang ang bakante, tiniis ko ang trauma ko para lang makalayo sa lugar na yun.
Nagpahatid ako sa police station at sinabi sa kanila ang nangyari sa akin.
Kabisado ko ang number ni Alex at Georgia kaya pinatawagan ko sila sa pulis.
"Amanda!" Sigaw sa akin ni Georgia pagkapasok niya sa police station, kasama nya si Alex.
"G-Georgia." Agad ko syang niyakap at humagulgol.
Akala ko katapusan ko na kanina.
.
.
.
"Nakausap na ng mga police yung guard sa school. Buti na lang tinandaan nya yung plate number." Sabi ni Alex. Hinatid nila ako sa bahay.
"Amanda, bakit hindi mo ako tinawagan para sunduin ka?"
"K-Kasi."
"Wait. Susunduin ka ba dapat ni James?" Tanong ni Alex.
Tumango-tango ako.
"Hindi sya sumipot?" Inis na tanong ni Georgia.
Tumango ulit ako.
"Eh gag* pala yung lalaki na yun eh!" Napatayo na si Georgia sa inis. "Meron ka bang number ng gag* na yun?" Tanong nya sa akin.
"W-Wala."
"Meron ako Georgia." Inabot ni Alex ang cp nya kay Georgia. Diniall nya.
"Hello?!.. Gag*! Si Georgia to!.. Wag mo akong ma-how are you-how are you dyan. Nasaan ka ngayon?!... What?!... Diba dapat susunduin mo si Amanda?... Gag* ka pala eh! Wag kang magpapakita sa akin bukas ah!... Naholdap lang naman sya!.. Go to hell James!" Yun lang ang narinig namin at pinatay nya na.
"Wag ka ng makikipag kita sa gag* na yun ah?! God. Patawarin nyo po ang bibig ko."
Wala na akong nasabi. Kapag itong dalawa talaga ang kaharap ko, tiklop ako.
"Nasa bar daw sya. Nakalimutan ka nyang sunduin."
Para akong naipit ng langit at lupa sa sinabi ni Georgia.
Kinausap muna ako nila Alex. Alam kong pinapakalma lang nila ako.
Binigyan din ako ni Yaya ng sleeping pills.
------
vote.comment.share.let's be friends :))
BINABASA MO ANG
Amanda's Cry
ChickLitMaganda, sexy, matalino, mabait. Yan si Amanda Arden. Kung tutuusin swerte ang lalaking iibigin nya. Pero bakit ganun? Walang nagtatagal sa kanya? "Yun lang ba ang habol nila sa akin?" Lagi nyang tanong sa sarili. Mahahanap nya ba ang pag-ibig nya s...