SL 3| Gremory Santillan
Siya iyon, yung lalaki sa apartment noong magtanong kami nila Achie. Napalunok ako at inayos ang lukot-lukot, naninilaw na lumang unipormeng suot ko. Grade 8 palang ako kaya't pahirapan ang pahahanap ng kaibigan lalo na't kabubukas pa lamang ng klase.“Hindi ba siya yung sinasabi ni Stacy na magnanakaw? Guys, iyong bag at wallet ah..” Rinig kong sabi ng isa kong kaklase, napayuko ako. Mahirap man at kapos sa buhay ay hindi ako kailan man nagnakaw ng hindi akin.
“Bakit kasi sa klase pa natin iyan napunta?” Mas lalo akong nanliit, bagong uniporme, lastest na cellphone, at mga kaibigan.
“Ma'am nakita namin yung nawawalang wallet ni Kyla sa bag ni Dorothy!” Malakas na sumbong ni Stacy, “may ebidensya po kami.”
“M-Ma'am hindi po... H-Hindi po ako magnanakaw..” Naluluha dahil pinagkaka-isahan nila akong lahat, wala akong ka ide-ideya kung paano iyan napunta sa bag ko. Basta alam ko at ng panginoon ang totoo.
Napameywang si Stacy at may tagong ngisi, “paano mo mae-explain itong wallet sa bag mo?” Binuksan nito ng todo ang bag kong sira-sira dahilan para maalis ang zipper nitong tinahi ko magdamag. “Ayan oh! Guys, Dorothy is a theif! Palibhasa kasi'y palamunin nina Betty!”
Sa tanang buhay ko itinatak kong huwag kailanman gumanti sa kahit na sino, hahayaan ko nalang ang karmang bumalik sa kanila. Nag-umpisa na ang klase at nasa dulong row ako iyong iisa lang ang upuan. Lahat sila ay aktibo, paminsan-minsan ay tinatawag ako ng teacher, madalas nama'y wala akong masagot sa tanong kaya't umaani ng batikos at nakakainsultong tawa mula sa klase.
Kahit saan ako magpunta parehas lang ang nangyayari. Ang hirap makibagay, mga salitang binibitawan ng mga tao na akala nila'y nakakatawa, akala nila porket may isang taong tumatawa ay may magandang dulot ang mga salita nito. Hipokrito ang lipunan, sasabihan ka ng kung ano-ano na para bang may nagawa ng tama. Pagbabawalan ka sa dapat at gusto mong gawin dahil nalalabag nito ang sarili nilang pananaw. Hihilain ka sa daan ng kaguluhan at pananatilihing mangmang at pipi sa sistema.
Maling-mali. Porke mayaman, may kaya siya ang tama. Paano naman kaming nasa ibaba lang? Hanggang kailan kami magtitiis? Sabi pare-parehas lang at pantay-pantay tayo, ngunit tila hindi ata ito tugma sa pamamaraan? Kung nasaan ang pera, doon ang mga tao. Kaya kung wala kang pera, asahan mong walang kakampi sayo.
Recess na't natagpuan ko ang sarili sa loob ng classroom habang matiyagang nakatunga-nga, nagmamasid. Nasa labas silang lahat nagkakasiya as usual dala-dala rin nila ang bag natatakot na ba ka raw may nakawin ulit ako.
Inabala ko nalang ang sarili mangarap ng gising, hobby ko na atang mag-imagine ng mga bagay-bagay na alam kong hindi naman mangyayari. Napanga-nga ako ng saktong may lumipad na bola sa nakabukas na bintana at sumakto itong dumapo sa ulo ko.
Rinig ko ang hiyawan at tawanan ng mga estudyante, nakapikit ako habang nakahandusay na sa sahig ng classroom, nahihilo. “Are you okay?” Malamyos ang boses nito. “Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?” Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata saglit na namula ng mapagtanto kung sino ang mukhang nakalapit aa akin. “Ayos ka lang?”
Siya iyon, siya iyong lalaking gwapo pero masungit. Tinamaan naman ako ng hiya kaya agad akong napatayo at lumayo sakanya, nagulat ito at bakas ang pagtataka. “A-Ano.. A... A-Ayos na ako..” Ani ko. Nangunot ang noo niya tila ba hindi naniniwala.
YOU ARE READING
Sitio Series 3: Scheming List
Romance[FIN] | Unedited Sitio Series 3: A typical highschool setting story. A girl who chases someone she admire for a long time-a crush perhaps. Dorothy Smile Felipe with a dream of someday Gremory Santillan will notice her, she opt to do things that wil...