Chapter 30

54 9 1
                                    


Bestfriend


Ilang linggo ang lumipas at tuluyan ng naging maayos ang lagay ni mama. Noong unang linggo ay nagising na ito at sunod-sunod ang check up walang araw ang bakante. Sa ikalawa ay nagdagsaan ang mga kamag-anak niya pati na rin si Tita Mercedes na nananalangin dati na matuluyan nasi mama para sa pera na maiiwan nito, at sa ikatlo ay nagawa na siyang kausapin ng paunti-unti.

I was scribbling whatsoever on my notebook while our teacher left a lecture. May meeting ata walang masyadong nag-iingay dahil na rin kakaonti lang ang pumasok ngayon. Iyong iba ng skip pa. Ang sabi iihi tapos ayon lumalamon na sa canteen o kaya pagbalik may lumpia o turong kasama.

Patuloy ako sa pagtulala, nililipad ng mahinang hangin galing sa electric fan na pinag-aagawan pa ng row 1 and 2 ang utak ko. Samo’t sari ang nararamdaman ko ngayong gising na si nanay––I mean matutuwa siya panigurado kapag nalaman niyang ang kaibigan nila ni tatay ang nag-aalaga sa akin. Tutal sa pagkakaalam ko’y malapit silang talaga.

A brief moment of silence when Rafiya and some of her friends walked thru our classroom. As usual wearing her neat complete uniform and her angelic face that will make boys swoon over for her. Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng classroom bago tumigil sa akin, there's a hint of sarcasm based on how she look. Tahimik niyang inabot ang libro sa president namin bago nagmamadaling umalis.

Weird.

Nagkibit balikat na lamang ako at hindi na siya pinansin siguro inggit siya dahil sa aming lahat ako ang napili ni Gremory. Aba’y dapat lang na maging proud! Hinahabol ko lang noon, nasa secret relationship na kami ngayon! The last thing I want is to ruined my mood today! At hindi ko pwedeng hayaang mangyari iyon! Hindi dapat ako magpa-apekto sa mga negativities.

Everything went smoothly, I didn't see Gremory nor did have the chance to talk to him. Bigla nalang kasing naging MIA ang lalaking iyon, tanging si Rossweisse at Deiry nalang ang medyo masaya-saya sa araw na ito balita ko kasi nagkaproblema si Galatea dahil hindi nauwi ang papa niya sakanila idagdag pa ang mga chismis.. Sana lang talaga magpakatatag ito.

“Recess na, hindi ka lalabas?” Tanong ni Kyle sa akin umiling ako. “Sungit mo naman Dorothy parang hindi ka naman desperada.” Anito at nangingising umalis.

Desperada.. I felt a pang on my chest hearing that word. Imbes na patulan pa si Kyle ay hinayaan ko nalang ito. Lalaki lang ang gulo kapag lumaban ako higit sa lahat hindi ako ganoon katapang. Matapang lang tuwing nasa tabi ko si Deiry.

The way people can do actions to hurt somebody, the way they point their fingers to blame someone else for their mistakes.. Somehow it made me want to puke. Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako sa bahay, ni hindi naabutan si mama Karina dahil busy ito sa ibang bagay. Gusto kong dalawin si mama ngayon sana lang kilala niya pa ako.

Malaki na ang pinagbago ko magmula noon medyo nagkalaman ang patpating si Dorothy at nabihisan na ng maayos–––thanks to my mama Karina! Nakahanda na ang kakainin ko nagluto si mama bago umalis, may text ding galing sakanya na kung mag-gagala ako o pupunta sa hospital may pera sa ibabaw ng ref.

I decided to wore my mama Karina's gift on my birthday, a jumper jeans and sleeveless blouse partnered with a simple sandals. I also packed a little amount of necessities incase I'll decided to sleep there. Before going out, I stood up in front of the mirror looking myself intently, ah, itong mukhang ito magiging sikat na singer at artista!
_________________

With a smile, I started to greet the same nurses that I befriend with. “Good afternoon po sa room 345,” ani ko. Suot ko ang back pack habang sa kabilang kamay ay buhat ang basket ng prutas. “Ma,” sabi ko ng madatnan si mama na nakatingin sa may bintana ng kanyang kwarto. She was staring at the flowers outside with a seriousness. She didn't budge nor gave ounce of attention. “Nay, si Dorothy ito..” Malumanay kong tawag sakanya pero wala pa rin. Isang matunog na buntong hininga ang aking pinakawalan.

“B-Buti t..t-tinatawag m-mo p...pa a-akong n-nanay..” I had a little bit problem on understanding nanay because she's stammering. “A-Ano n..n-nagpalason k-kana rin s-sakanya?”

I tried to calm hearing her words. I thought they are close? Why my nanay acting like this? Para bang hindi sila magkaibigan tulad ng kinukwento ni mama Karina. Do I have something to know? “Nay, ‘wag tayong mag-isip ng masama sa kapwa.. Alam mong miss na miss na kita nay,”

“S-Sabihin mo n-na ng m..m-maaga k-kung s-siya t-talaga a..ang g-gusto m-mong m..makasama..” Nauutal niyang sabi ulit.

Umiling ako, “nay, ‘wag kang magsabi ng ganiyan.. Wala akong pinipili. Alam ng lahat kung gaano kita namiss at gustong makasama. At saka nay alam mo bang noong nasa coma ka si mama Karina ang nag-alaga sa akin? Hindi ka man maniwala pero kasi hindi ganoon kaganda ang trato ng mga kamag-anak natin sa akin.. K-Kaya malaki ang pasasalamat ko sakanya. Inalagaan niya ako para sa inyo ni tatay,”

She turned her gaze on me with a tear falling on her eyes, “h-hindi k-ko a..alam na g-ganoon a..ang g-ginawa s-sa iyo n-ni M...M-Mercedes p-pero l-lumayo k-kay K-Karina..”

My forehead creased, “nay, hindi ko kayo maintindihan... Wala namang ginagawang masama iyong tao siya pa nga ang nag-alaga at umaruga sa akin.. Siya pa nga ang gumanap na nanay sa akin noong panahong wala ka at kailangan kita..” Nasasaktan ako para kay mama Karina siya nalang ang nagmalasakit tapos pag-iisipan pa siya ng masama ni mama.

Nanay glared me. “H-Hindi m..m-mo s-siya k-kilala.. H-Hindi m-mo a..alam k-kung a-anong k..klaseng tao siya..” Madiin ang bawat bigkas nito sa mga salita pansin ko ang galit sa kanyang mukha at ang nakakuyom nitong kamao.

I'm tedious on this argument. I don't want her to feel that I'm choosing mama Karina over her, I don't want her to think that I'm favoring someone. But I can't just stand here and let my nanay to bad mouth mama we should be grateful! That's why I made up my mind to let her realize something. “Nay, madre si mama Karina. Ang sabi niya matalik kayong magkaibigan kaya nga walang pagdadalawang isip na kinupkop niya ako ‘di ba? Dapat ay magpasalamat tayo kaysa sa ganito..”

Ipinilig nito ang ulo at nag-iwas ng tingin. “K-Kami? M..M-Matalik na m-magkaibigan?” Nanginginig ang boses niya, “o-oo m-mag best friend s-sila ng itay m-mo at h..hindi ako.. A-Aagawin k..k-ka rin n-niya s-sa akin, anak..” Hinawakan niya nang mahigpit ang aking kamay. “G-Gumaganti s-siya s..sa n-nangyari n..noon.. H-Huwag k..kang m-maniwala s..sakanya...”

_______________
#Bestfriend




Sitio Series 3: Scheming List  Where stories live. Discover now